15. You again

29 1 0
                                    

(Cheska POV)

Finally it's Sunday. Birthday na ni mommy. Handa na ang lahat nandito na sila Ey-ey at Clarisse katabi ko at baba na si mom sa stairs.

Nagpalakpakan ang lahat ng nakababa na sya kasabay ni Daddy. At kaming lahat ay sabay sabay na kumanta.

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU. HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOU" sabay sabay naming kanta at nakababa na si mom galing hagdan ako ang may dala ng cake.

"Mommy, make your wish" sabi ko at bahagya nyang pinikit ang mata nya at hinipan na ang candles. Pagkatapos nun ay nagpalakpakan kaming lahat ng sabay-sabay.

At natuon na ang lahat sa pag uusap ang iba naman ay kumuha na ng pagkain at si mom ay nakipagkwentuhan sa mga amiga nya sa sala.

Kami naman ni Clarisse at Ey-ey ay naupo na sa ibang sala ng bahay namin. Meron kaming 3 sala ang isa sa mga yun ay para sa mga bata.

Naupo kami habang dala ko ang brownies, juice, slice ng cakes at spaghetti.

*ding dong

Maya maya ay may nag doorbell at nagpaalam ako sa kanila para pagbuksan ng gate kung sino ang nandoon. Yun pala ay sila Kayden kasama ang kapatid nyang si CJ.

"Huli na ba kami?" pabirong sabi ni Kayden.

"Haha, hindi right on time lang" sabi ko at pinapasok na sila. Pumunta muna kami kay mommy para makabati sila ay bineso nila si mommy sabay abot ng gift. Dumeretso kami sa kinaroroonan nila Clarisse at Ey-ey.

"Guys, si Kayden at CJ" sabi ko at napa hello naman si Ey-ey kay Kayden.

Habang tumayo si Clarisse at masama ang tingin kay CJ.

Nagkatitigan silang dalawa at sabay sigaw

"IKAW NANAMAN!!"

"Teka magkakilala kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Oo, itong lalaking ito lang naman ang muntik ng pumatay sa kin habang tumatawid ako sa kalsada. Kita na ngang naka red yung light aba kerakerada pa ding nagpaandar ng kotse nya" inis na sabi ni Clarisse habang nakapamewang.

"EH HINDI KO NAMAN SINASADYA EH"

"Bat ka sumisigaw?"

"Nakakainis ka na eh"

"Aba ikaw pa talaga ang maiinis ha, ang kapal mo din—"

"Makapal na kung makapal"

"Ano gusto mo ha, magpatayan na lang tayo"

"Sige, kahit babae ka papatulan kita"

"Sige ano"

"Lumapit ka ano sige"
"sige"

"TAMA NA!!" sigaw ko sa pagitan nilang dalawa at natigil naman sila sa pag aaway.

"Tumigil na kayo please umupo na lang kayo at kumain. Birthday ng mama ko tapos beastmode kayo pareho. Calm down ok" sabi ko sa kanila. At tumingin ako sa tabi ni CJ at wala na si Kayden ng napabaling ako sa kinauupuan ni Ey-ey ay nagkukwentuhan na silang dalawa.

Ano ba yan ngayon pa naglandian

Padabog na umupo si Clarisse sa couch at tumabi si CJ sa kuya nya ako naman ay sa tabi ni Clarisse.

"Kumain na kayo" sabi ko at inabot sa kanila ang brownies. Habang masaya kaming nagkukwentuhan nila Kayden at Ey-ey ay tahimik lang sila Clarisse at CJ.

"Tara sa tabi ng pool dun tayo magkwentuhan guys medyo madami tao eh" yaya ko sa kanila kaya sumunod sila sa akin.

(Clarisse POV)

The Haunted Catholic School (Complete)Where stories live. Discover now