20. Visit

28 2 1
                                    


(Casper POV)

Pagpasok ko ng room nagulat ako kasi wala pa si Cheska. Mga gantong oras nandito na yun eh. Nakakapagtaka lang. Nakita ko sila Clarisse at Ey-ey na nagkukwentuhan kaya naisipan kong magtanong.

"Bakit wala pa si Cheska?" tanong ko kaya napabaling ang atensyon nila sa akin.

"Pumunta dito kanina si Kayden eh sabi may lagnat daw si Cheska" sagot naman ni Ey-ey.

"Ganun ba sige salamat" sabi ko at umupo na sa upuan. Napatingin ako sa wrist watch ko at nakita kong 8:25 na kaya naalala ko ang audition sa band kaya naman agad akong lumabass at dumeretso na sa may theater.

Pagpasok ko dun ay wala pa masyadong tao. Napansin agad ako ng mga nag hihire doon kaya pumunta na ko sa harapan nila.

"So. Vocalist or instrument?" tanong ng babae. 4 sila na nakaupo ang isa sa kanila ay babae and the rest boys na.

"Vocalist po" sagot ko naman.

"Ok..... so start" sabi ng girl at nagsimula na kong kumanta.

PAANO BANG MAGMAHAL BY: Sarah G and piolo Pascual

Heto nanaman ako, naghihintay ng bago sa istorya ko

Paulit-ulit na lang, paulit-ulit na lang.

Kahit pilitin pang sarili, ibigin kang mali ako'y mali

Ako'y mali

Paano bang magmahal?

palagi bang nasasaktan?

Umiiyak na lang paalagi, gusto ko ng lumisan

Paano bang magmahal?

Kailangan bang nasasaktan ah ah ah ahnn

Lagi na lang di maaari ngumit ayaw lumisan

After my song ay sabay saabay silang naagpalakpakan.

"Good nice very good. So ipapaskil na lang namin mamayang lunch break sa bulletin board ang mga nakapasok so yun thank you balik ka na sa klase mo" sabi ng isang lalaki at umalis na ko. So yun lang yun? Bilis naman wala man lang kahirap-hirap.

(Clydle POV)

Kakatapos lang ng 2nd period naming this morning and recess na kaya bumaba na ko sa hagdan at pumunta na sa cafeteria. Ng makabili na ko ng pagkain nakita ko sila Clarisse at Ey-ey sa isang table kaya naisip kong dun na lang din umupo.

"Excuse me, pwede makishare" sabi ko sa kanila at umipod naman si Clarisse at umupo ako sa tabi nya.

"Thanks"

"Musta naman kayo" tanong ko sa kanila na busy sa pagkain.

"Ok lang" sabi ni Ey-ey at nag thumbs up. Parang wala sila sa mood.

"Anyare" napatanong na lang ako ng ganun kaya napatingin sila sa akin. Bigla na lang nag drama si Ey-ey at kunwaring naiiyak.

"EHHHHHHHH kasi naman wala si Cheska" sabi nya at napa ub-ob sa lamesa. Si Clarisse ay seryoso pa din ang mukha.

"Sino si Cheska?" tanong ko kay Clarisse.

"Classmate and friend namin" tipid namang sagot ni Clarisse. "Ahhh so close siguro kayong tatlo no?" tanong ko naman habang sumusubo ng food at nag nod naman sila sa akin.

"Wait bakit sya wala?" tanong ko naman kasi nacurious naman ako bigla.

"Nasa ospital sya" sabi ni Clarisse na walang ka ekspre ekspresyon.

The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon