05

73 8 0
                                    


KABANATA 05:

"sige, patapos na rin naman 'to pero mauna ka na nga rin" sabi ko.

Tumingin ako sa buong library. Wala na halos tao. Kami nalang nang mga kagrupo ko para sa group activity namin. Palubog na din ang araw kaya dumidilim na ang paligid. Pero kaylangan namin tapusin ang activity namin dahil bukas na ang pagpasa nun.

Matatapos na ang febuary, sa susunod na buwan ay exam nanamin. Pagkatapo niyon ay sa practice na kami mag fofocus.

"sure ka ba?" tanong ni Athena sa kabilang linya.

Tinawagan nya ako. Tapos na daw sila sa activity nila. Tinawagan din daw sya ng daddy nya na may lakad sila kaya hindi na nya ako masasamahan.

"oo, mag tataxi nalang ako"

Tumayo ako at umpo sa tabi ng isa kong kagrupo. Ako ang nag research sa mga gagamitin namin. Sila ang nag type at sila din ang gumawa ng presentation. Pero hindi pa ako pwedeng umalis dahil baka may kailangan pa sila.

Bumuntong hininga ako bago itabi ang phone ko sa bag. Tiningnan ko ang ginagawa ni Susy sa laptop. Hinayaan ko lang sya dun at pinanood. Sila Amanda naman ang taga check ng grammar. Si Macy ang nag bibigay ng idea para mas maisummary pa namin.

"Amanda, break na ba talaga kayo ni Nicko?" tanong ni Susy.

Nagliligpit na kami ng gamit namin. Wala ng tao sa labas, at madilim na. ilang ulit na din sinabi ng guard na kaylangan na namin umalis pero kelangan talaga namin matapos.

"Oo eh, apaka babaero nya kasi" sagot lang ni Amanda.

Hindi ko na iyon pinakinggan. Ibinalik ko na sa bag ko ang mga gamit ko. Pagkatapos ay nagpaalam na ako na aalis na. Hinayaan lang naman nila ako.

Madilim na ng makalabas ako. Wala nang mga tao sa labas ng campus kahit mga tricycle ay wala na. Bumuntong hininga lang ako at dumiretsyo sa waiting shed. Ngayon lang ako uuwi ng ganito na kadilim at walang kasama.

Napatingin ako sa tumigil na sasakyan sa harap ko. Pagkatapos ay lumabas duon si Shaun. He's wearing a black long sleeve. He is too formal right now.

Sa mga nagdaang araw. We became close. We hang out with Jairrus and Athena. We're not that close, but we talk a lot too.

"Anong ginagawa mo dito?" nanliit ang mata ko.

Lumapit sya sakin pagkatapos ay kinuha nya ang bag ko. Hindi na ako naka-tanggi at hinayaan syang kunin iyon. Ngumisi pa sya sakin.

"Sinusundo ka"

Nangunot ang noo ko. Tinaasan nya ako ng kilay, pag katapos ay hinawan nya ang kamay ko para hilain papunta sa sasakyan nya.

"Pano mo nalaman na nandito pa ako?" tanong ko.

Humarap sya sakin "I waited for you outside, pero wala ka pa I call Athena ang sabi nya may group activity daw kayo kaya hinayaan na lang kita."

"Kanina ka pa dito?" mas lalong nangunot ang noo ko.

"Oo" nag kibitz balikat sya "tara na nga"

Tumango lang ako at hinayaan syang pagbuksan ako ng pinto sa passenger seat. Hinintay nya pa akong maka-pasok bago sya umikot at pumasok na din sa driver seat. Napalunok ako sa ginagawa nya.

We often see each other. Mas madalas kong makita si Levus, pero aaminin ko sya na ang hinahanap ko. Sabi nila busy daw sya dahil nag hahabol sya sa grade nya dahil sa cutting class nya nuong nag papractice ng J.s. He is slowly changing.

GOODBYE (Completed) Where stories live. Discover now