Episode 2

2.5K 95 3
                                    

Kim Taehyung

Ngayong araw na yung comeback show namin. Nandito na kami sa backstage waiting for our turn. Pero habang naghihintay biglang dumaan si Ms. Lee Ji Eun.

Binati ko naman sya and she greeted me back naman bago nya ko lagpasan. Isa siya sa magiging guest ngayon dahil sa pagkakaalam ko bukod sa pagkanta e magaling din sa pag arte si Ms. Ji Eun at talaga namang hahangaan mo din siya dahil ang dami niyang talents.

Ang ganda nya sobra. At ang bait bait pa. Bali balita ko den na kasal na sya. Pero masyado syang private na tao. Hindi din naman ako chismosa para mang ungkat ng personal life ng ibang tao. Kaya diko alam kung sino
bang maswerteng lalake yung napakasalan neto ni Ms. Ji Eun.

Kumanta muna siya as opening prod, magandang panimula ng programa dahil nakaka kaba. Kailangan kong gawin yung best ko sa performance today.

Shempre, ginawa ko yung best ko sa pagperform. Hiyawan ng mga fans ang umalingawngaw sa buong stadium. Masarap sa pakiramdam na mapasaya mo ang mga taga hanga niyo.

After ng performance namin, nagpaalam na din ako sa mga kasamahan ko. Maaga naman kaya parang gusto kong magpahinga nalang.

Hinatid na ko ni Hobi Hyung sa apartment ko at pagod na din ako. Gusto ko ng mahiga. Ilang araw na kong puro rehearsal. 12 hours straight na practice tapos 2 hours sleep lang. Paano ba naman ako makakatulog ng maayos? Iniisip ko kasi yung about sa movie.

Ugali ko talagang mag imagine ng kung ano ano kaya ayon di na ako nakakatulog ng maayos. Baliw lang.

Pagkauwi umalis na din agad si Hobi Hyung para bumalik sa company.

Namimiss ko na bestfriend ko ah. Pati na din yung Kuya ko at pinsan ko. Kaya imbis na magpahinga naisip ko na papuntahin nalang si Chim at Suga Hyung dito. Tutal, miss ko na silang kabonding at maiinip lang ako
dito sa bahay.

Bago pa ko magdial ng number ng bestfriend ko, tumunog agad yung phone ko at nag appear yung pangalan ni bitchesa.

Chimmy Bitch Calling ...

"Hello?"

[Bessyyyyy!!! Ano kumusta?! Gaga ka. Wala ka manlang paramdam. Napanood ko yung performance niyo kanina. Hahaha. Kaloka girl, ang lakas talaga ng appeal niyo! Ang hot siz!]

Ang hyper? To the highest level ang pagkabiritera ni mamang!

"Teka. Kalma. Isa isa naman ang usap at tanong bes! Mauubusan? Walangya talaga yang bibig mo no? Buti tinagalan ka ng pinsan ko."

Pinipigilan kong matawa kasi naiimagine ko yung mata niyang umiikot ikot nanaman sa inis.

[Wow naman bes. Teka, eh ano bang bago sayo bukod sa busy ka sa pagiging idol mo?]

"Um. Bes, ano, mag aartista na ko." Sabi ko na parang kinikilig kilig.

[HA?!!! Hoy tangina bes! Hindi nga?! Teka teka details!!! Baka naman eme lang yan ha?!]

Kelan kaya siya hindi sisigaw? Nakakainis na yung bunganga niya laging naka high notes!

"Chim, pwede ba yang bunganga mo makikihinaan? Sasampalin na talaga kita."

[Sorry naman.]

Huminga muna ako ng malalim. Hindi ko ba alam kung sa excitement ba to kung bakit ako kinakabahan na sabihin sa kanya? Pero parang ganun na nga.

"Oo, mag aartista na ko. At alam mo ba? Si Mr. Jeon Jungkook yung magiging kasama ko."

[HAAAAA?!]

Inilayo ko yung cellphone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw niya. Piste naman talaga oh oh!

"Potah teka wag ka nga sumigaw! Pumunta ka nalang dito. Dala ka pagkain at inumin. Sama mo na din si Suga Hyung. Miss ko na kayo! Tawagan ko na din si Hobi Hyung para bumalik dito. See you! Bye!"

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon