Episode 15

2.4K 70 14
                                    

Kim Taehyung

3 years ago...

"J-Ji Eun?"

Gulat kong sabi at ng tinignan ko sya malaki ang tyan niya.

"Taehyung. H-Hindi ako nagpunta dito para manggulo. G-Gusto ko lang malaman ni Jungkook na dinadala ko ang anak niya." Sabi niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. B-Buntis siya at si Jungkook ang ama? Ano ito?

"Ano bang pinagsasasabi mo jan?" Mataray kong sabi. Hindi ako basta basta maniniwala sa drama niya. Kung noon oo pwede ko pang masabi na nagsasabi siya ng totoo. Pero ngayon? Lalo na at niloko niya rin si Jungkook.

"Buntis ako at si Jungkook ang ama." Sabi niya ulit.

"Oo narinig ko. Hindi ako bingi. Paano naman kita paniniwalaan jan sa mga sinasabi mo? Kung bumalik ka dito para manggulo pwes hindi kita hahayaan." Palaban kong sabi.

Aalis siya at hindi siya magpapakita tapos babalik siya at sasabihin niyang buntis siya at ike-claim na si Jungkook ang ama? She must be nuts!

"Hindi naman talaga ako manggugulo Taehyung." Sabi niya at nagsimula ng pumatak yung luha sa mga mata niya.

"Gusto ko lang malaman ni Jacob na.. Na.. May dinadala akong bata at sa kanya to. Wala naman talaga akong balak sabihin sa inyo kaso... Kaso ayokong lumaki yung bata na walang magulang." Sabi niya.

Para akong tinamaan ng sibat. Hindi ko alam kung anong iisipin ko sa mga oras na ito. Tama siya. Kung totoong si Jungkook ang tatay nung bata, hindi ko din naman maatim na lumaki yon ng walang tatay.

Ayokong may ibang tao na makaranas ng naranasan ko na lumaki na wala manlang kalinga ng magulang. Oo nga at nandyan sila Mom at Dad. Pero ni minsan hindi ko naramdaman yung pagmamahal nila bilang mga magulang ko.

"Wala si Jungkook dito. Bumalik ka nalang sa susunod na araw." Sabi ko at isinara ang pinto.

Kung kinaya kong mang agaw ng asawa, eh hindi ko kayang umagaw ng ama.

Pumasok sa isip ko ang isang bagay. Aalis ako dito at hahayaan ko silang maging isang buong pamilya. Buhay nung bata ang pinag uusapan dito. At ramdam kong nagsasabi ng totoo si Ji Eun. At wala padin akong laban dahil kasal padin silang dalawa.

Isang hamak na home wrecker lang ako. Yung bagay na kayang ibigay ni Ji Eun sa kanya hindi kailanman maibibigay ng isang katulad ko.

Para akong sinampal ng reyalidad na kahit kelan di ko mabibigyan ng anak si Jungkook. Ang sakit lanh.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at dinialed ang number ni Kuya Jin.

[Hello?]

Tinry kong maigi na huwang niyang mahalatang may kakaibang nangyayari saakin ngayon pero mukhang malabo.

"Kuya. Susunod na ko sayo jan sa States."

[Ha? Bakit anong nangyari?] Rinig ko na nag aalala siya.

"Okay lang ba na pagkarating ko jan tsaka ko nalang ikukwento? Please Kuya."

Alam niyo yung pakiramdam na parang may bumabara sa lalamunan mo at masakit dahil sa pagpigil ng iyak?

[Okay okay. Just give me a second. Titignan ko kung makakakuha ka ba ng ticket agad agad ngayon.]

He ended up the call. Pagkatapos siguro ng ilang minuto siya naman ang tumawag sakin.

[Tae bunso I'm sorry pero walang available flight ngayon. Mahihirapan ka pag nag cutting trip ka.]

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon