Chapter 3

28 6 0
                                    

The last bell of the day rung, which indicates that the class is already over. Which also indicates- I now have to meet Ms. Bee and Ashton.

"Seryoso ka ba?"

Napahangad ako kay Yohan. Nagsitayuan na pala itong mga ka-klase ko, ako nalang ang nakaupo.

"Tutuloy ka talaga don?"

Ito talagang si Yohan. Enough na dapat yung kaba ko dati, mas dumoble tuloy ngayon, dahil sa mga pinagsa-sabi niya.

"Wag na wag kang lalapit don."

Kung naguguluhan ako kanina, mas naguluhan pa ako ngayon. This is the first time na pinagsabihan ako ng ganyan ni Yohan. Never naman siyang naging picky sa mga kinakaibigan ko- well, hindi naman talaga ako pala-kaibigan, pero you get my point!

"Uh, bakit?" At this point, pinaglalaruan ko nalang ang pagkain ko.

"Basta, wag." His voice is filled with determination. Parang determinado talaga siyang bakuran ako sa taong iyon.

Nabalot muna kami sa katahimikan.

"Itu-tutor ko siya." Pagbabasag ko ng katahimikan. Bigla namang bumilog ang kanyang mga mata.

"Seryoso ba yan?" Tanong niya na parang hindi makapaniwala. Napatango nalang ako.

"Lex! Ano ba yan!?" Ubos na ang kanyang pagkain kaya dire-diretso na ang kanyang kuda sa akin.

"Bakit nga? Kung inexplain mo nalang sa akin, maiintidahan ko pa."

"Lex, galit yun sa bakla!" Tumataas na ang kanyang boses.

"Hinaan mo nga boses mo, at isa pa hindi naman ako full on- bakla." I tried defending myself.

"Lex, nasa Pilipinas tayo, hindi iyan maiintindihan ng maraming tao. Para sa kanila walang pinagkaiba ang mga yan."

Napaikot nalang ang mga mata ko, because he's not wrong on that one.

"Oh sige, pano mo naman nasabing galit siya sa bakla? Dahil sa nagawa niya kay Monique? Eh deserve naman talaga niya yun eh, harassment is very wr-"

Bigla niya akong pinutol. "Hindi mo alam ang mga pinagsasabi mo."

"Then make me understand." If iba ang makarinig nito, baka iba ang makuha nilang mensahe. Dami pa namang mahilig gumawa ng issue.

"Homophobic ang taong iyon! Full on homophobe. Naiintindihan mo ba ako? Feeling niya ata lahat na bading balak siyang i-harass. Baka bugbog lang ang abutin mo don."

Napalunok nalang ako bigla. "H-hindi naman ata ako non kilala. I can just pretend-"

"Lex, sino nga ba ang hindi nakakakilala sa'yo?"

"So tutuloy ka nga." Napabalik ako sa realidad.

"Yoh, you know that I have to do this."

Parang may gusto pa siyang ipaglaban, ngunit napabuntong hininga na lamang siya. "Alam ko naman yun."

"T-tawagan mo na lang ako kung ano mang mangyari." Dagdag pa niya. Natawa na lamang ako ng mahina. Hindi ko man madalas ipakita o sabihin, pero malaki talaga ang pasasalamat ko sa mokong ito'.

Nasa tapat na kami ng office ni Ms. Bee.

"Sigurado ka na ba talaga?" Tanong ulit ni Yohan. Ilang beses niya na itong naitanong.

"Oo nga. Sige na, mauna ka na."

Parang ayaw niya munang sumunod, pero eventually napaalis ko naman. Halimaw ba itong haharapin ko? Parang ang OA naman.

Save You [boyxboy]Where stories live. Discover now