Chapter 20

28 2 11
                                    

WARNING: THE FOLLOWING SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES.

READ AT YOUR OWN RISK.

Marga's POV

Kinulit pa ako ni Zander pero hindi ko na pinalo ko ang matambok n'yang puwet at pinatulog na s'ya. Mainit parin ang temperatura n'ya pero siguradong mamaya lang ay gagan na ang pakiramdam n'ya.

Sabi ni Zander ay i-meme ko daw sya habang natutulog. Aish, parang bata talaga. Ako namang si gaga, ginawa naman. Marahan kong hinahampas ang balakang ni Zander at humuhini ako ng kantang pambata.

Pinapahimas din n'ya ang buhok n'ya sa akin kaya ginawa ko rin, nami-miss na daw n'ya kasi. Naaalala ko na gustong gusto ng ni Zander na pinaglalaruan ang buhok n'ya. Kaya habang tulog s'ya ay kung ano-ano ang ginawa ko sa buhok n'ya.

Aalis sana ako pero biglang hinila ni Zander ang kamay ko na ikinabagsak ko sa kama.

"Dito ka lang, please." sambit n'ya. Hinila n'ya ako papalapit pa sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.

Nakabaon ako ngayon sa katawan n'ya. Magka-dikit na ang mukha ko at ang dibdib n'ya kaya nararamdaman ko sa mukha ko ang init ng katawan n'ya.

"Zander, tatae lang ako. Sasama ka ba?" kinalas ko ang pagkaka-yakap kay Zander at bigla naman itong nagising at parang naka-simangot pa.

"Sama ako." sabay tayo nito at hinawakan ang kamay ko. Seryoso ba 'tong lalaking 'to?

Winawasiwas ko ang kamay ko pero hindi parin kumakalas ang kamay ni Zander, nakatitig lang ito sa akin at nakangiti at habang ako, inis na inis na.

"Oo na! Matulog ka na hindi na ako aalis." hindi naman talaga ako natatae eh, sa totoo n'yan nagugutom ako kaya aalis ako, bwisit 'tong lalaking 'to. Umabot tenga ang ngiti ni Zander at sabay hinila ang dalawang kamay ko papalapit sa kanya kaya parehas kaming napahiga sa kama. Humiga na kaming dalawa, magkaharap.

"I-meme mo po ulit ako, hehe." si Zander na nag baby talk pa. Kahit na medyo naaaburido na ako, ginawa ko nalang ang gusto n'ya. Inulit ko ang ginawa ko kanina, hinahampas ko ang puwet n'ya.

Maya maya ay hindi na kumikibo si Zander, malamang ay tulog na 'to. Kahit noon pa man, masandal lang kasi 'tong si Zander ay nakakatulog na agad.

Kinuhanan ko ng litrato ang natutulog na mukha ni Zander. Sa totoo lang hindi ko parin binunura ang mga litrato ni Zander dito sa cellphone ko. Lahat ng mga memories namin ni Zander ay naka-back up file sa lahat ng usb ko para kung sakaling mabura man. Madali ko itong mababawi.

Pero sa ngayon, parang hindi na kailangan. Kinuhanan ko pa ng isang litrato si Zander habang pisil pisil ko ang pisngi nito. Hindi pa ako nagpa-awat at inilagay ko ang daliri ko sa butas ng ilong n'ya sabay kinuhan ko ng litrato.

Nakangiti lang ako habang tinitignan ang mga picture ni Zander. Why does he look so cute and hot at the same time?

Nakatulog na talaga si Zander this time. Tumayo ako sa kinahihigaan ko at kumain muna ako. At habang kumakain ako, nagpa-init muna ako ng tubig na ipupunas ko mamaya sa kanya.

Why am I feeling the same feeling I felt when I saw him. My heart is pounding and I can't do anything about it.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko dahil baka magising si Zander at baka umiyak pa 'yon dahil wala ako sa tabi n'ya.

Pagkatapos ko kumain ay dinala ko ang mainit na tubig na binantuan ko ng malamig para ipunas sa katawan ni Zander.

Dala dala ko ang batsa ng tubig at tuwalya papunta sa kwarto ko, buti naman ay nananatiling tulog ang mokong.

This TimeWhere stories live. Discover now