Chapter 3

9 1 0
                                    

Chapter 3

Sinundo ako ng kapatid ko. Hindi ko alam kung anong dahilan. Madalang niya kasing gawin to. Sapilitan pa. Napakabait diba?

"Kambal, bakit naisipan mo kong sunduin?"
Takang tanong ko.

"Wala naman. Feel ko lang."

"Sasabay ko na si Atheena ah. Kapitbahay lang naman natin. Wala daw sundo niya." Sabi ko

"Sure." Tipid na sagot ng kapatid ko.
Identical twin kami. Magkamukhang magkamukha. Lalaki lang siya. Yun lang pinagkaiba.

"Salamat Ayeem." Si Atheena.

"Welcome."

Habang nasa biyahe kami nagpatugtog si kambal. At anak naman ng tupa oo. Ang kanta lang naman Your song. May iba talaga sa boses at kanta niya. Nakaka stress.

"Kambal, bat parang nakikipagtalo ka sa sarili mo?" Natatawang tanong ni Ayeem.

"Paano ba naman may bago kaming vocalist. Kailangan daw naming mag isip nang idu-duet. A kanta sabi ni Sir. Hindi ako sanay sa duet. Lalo na lalaki pa naman. Kailangan daw may connection kami."

"Baka ma-in-love ka na kambal." Biro niya

"Ang sama mong kapatid." Inirapan ko siya

Narinig kong natawa si Atheena sa likod.

"Magsama kayong dalawa ng kapatid ko." Sabi ko kay Atheena.

Nasamid naman yung kapatid ko sa sinabi ko.

Nakarating na kami kila Atheena.

"Salamat bru. Salamat Ayeem. Ingat kayo."
Sabay baba ng kotse.

Ngumiti lang kami ng kapatid ko.

Konti lang nakakaalam na may kakambal ako. Yung mga bruha ko kaibigan. Kaya madalas pag lumalabas kami napagkakamalan ko pang jowa tong loko kong kapatid. Nakakadiri nu?

Sa bahay.

"Mga anak mag bihis na kayo, malapit na tayong kumain."
Yes. Maaga kaming nag di-dinner. 5:30 pm or 6pm. Para maaga naming matapos yung mga dapat ayusin or mga assignments namin ng kaptid ko. At para maagang makapag pahinga yung kasama namin sa bahay. Pati si Mommy. Busy din kasi si Mommy. May mga paper works pa din kasi siya nirereview.
Mula nung namatay si Daddy, siya na nagtake over ng business namin. Buti na lang may alam din si Mommy sa business ni daddy at hindi niya napabayaan.

Habang kumakain kami.

"Anak, ano naman naisipan mo kanina at sinundo mo yung kapatid mo?" Usisa ni Mommy.

"Wala lang My. Bawal po ba?"

"Hindi naman. Nakakapagtaka lang naman."

"Ako din My nagtataka. Kasabay nga namin si Atheena kanina."

"O! Wala siyang sundo?"

"Wala daw po My."

"Himala." Dagdag ni mommy.

"My, sila CM po pala bumalik na galing Canada."

Lagi kong naririnig pangalan na CM na taga Canada daw. Kaibigan ng kakambal ko. Di ko naman kilala.

"Oh? Hindi yata sakin nasabi ng tito niya yun? Sabagay puro business matters lang pinaguusapan namin. For good na daw ba sila dito?

"Alam ko opo. Di pa nga kami nagkikita My. Pero sabi niya baka pumunta siya dito."

"Sino ba yung CM na yan? Bakit di ko kilala yung kaibigan mo na yun?" Takang tanong ko

"Malay ko sayo. Baka nakalimutan mo lang yung istura."

Love MagicWhere stories live. Discover now