Chapter 4

10 1 0
                                    

Chapter 4

Sabado.

Kanina pa dumating yung mga barkada ko dito samin. At sakto walang pasok si Mommy. Ay hindi lang pala siya pumasok. Haha. Tinatamad daw siya. Taray!
Andito din yung kambal ko nanonood ng Prison Break sa Netflix. Mahilig sa ganiyan yan. Action yata yun eh. Hahah. Di ako mahilig sa mga trip ng kambal ko.
Samantalang kaming magkakaibigan naglalaro ng unggoy-ungguyan. Haha. Sobrang bago nu? Yun lang alam naming laro eh. At kanina pa namin natatalo si Allen.

"Mga bruha kayo! Dinadaya niyo ba ko?" Tamang duda pa si beks.

"Baliw! Bakita ka naman namin dadayain? Malakas ka lang talaga." Sagot ni Aina.

Nagsimula na naman silang mag away hahah. Para silang aso't-pusa.

Tawa naman kami ng tawa.

"Bru, yung kambal mo ba taken na?" Tanong ni Allen.

"Alam ko single yang si kambal. Kasi yung sinundan niyang babae sa school na pinag-aaralan niya hindi naman sila nagtuloy." Sagot ko

"Bakit mo naman na tanong beks?" Tanong ni Addy

"Gwapo din kasi yung kambal mo hahahah." Malanding tawa niya

"Lahat naman sayo gwapo." Sagot ni Addy.

"Oy! Grabe kayo! Irereto ko lang kay Atheena." Sabi niya.

"O-oy! Ba-bakit sakin?" Nauutal na tanong niya.

"Bakit hindi naman ikaw? Si Addy.

"Bru! Okay lang naman sayo diba?" Tanong ni Aina.

"Oo naman. Hahahaha" natutuwang tanong ko

Mahiyain kasi si Atheena. Siya yung pinakamabait sa barkada. Napaka amo ng mukha niya. Marami ding nagkakagusto sakaniya. Namumula na siya nung singabi kong agree ako. Sino ba namang hindi diba? Ayoko na din masakatan yung kambal ko, sa mga walang kwentang babae. Grabe din kasing magmahal yan.

"Ayun naman pala bru! I-push na yan hahahaha."

Tinawag ko si Kambal.

"Kambal, tara lang."
Bakit nakabihis na pang lakad yata siya. Mukhang may gala.

"Bakit?" Nung pagkalapit niya.

"May pinopormahan ka ba ngayon?" Tanong ko

Bigla naman siyang nasamid ay napatingin kay Atheena.

Omoooo! Mukhang may something.

"Wala." Sagot niya
Parang nalungkot si Atheena.

"Wala pa. Pero may balak ako." Di pa pala tapos sumagot. Hahaha

"Oh????! Talaga? Kilala ko ba?" Pang iinis ko.

Hindi maka relate yung mga barkada ko sa sinasabi ko. Pero ako naman aliw na aliw hahahah.

"Kambal tigilan mo na ko. Aalis ako. Susunduin ko sila Mark, mag overnight din dito."

"Sige ba umalis ka na. Ingat ka kambal. Sana mapasagot mo na siya. Hahahah"

Tinignan niya na lang ako ng masama. Natutuwa ako.

"Bru, wag na pala si Kambal niya may nililigawan na yata." Bulong ni Allen.

"Berat ka talaga!" Natatawang sabi ni Atheena.
May something talaga sila. Feel ko hahahah.

Nasa rooftop kaming mag babarkada. Nagkwe-kwentuhan ng kung anu-ano. Naumay na kasi kaming mag unggoy-ungguyan.
Sa rooftop kasi namin kita yung mga lights sa city. Sobrang ganda. Dito din favorite spot ko kapag gusto kong mag isip-isip at pag gusto kong kusap si Daddy. Feeling mo kasi kausap mo siya dahil malapit yung langit.

Ala sais na din. Malapit na kaming mag hapunan pero wala pa sila kambal.

"Ayeen!!! Bumaba na kayo andito na sila." Sigaw ni mommy.
"Opo My."

"Tara na mga bru."

"Excited na si beks kasi feeling niya madaming boys"bully sakaniya ni Addy.

"Kapal mo naman. Baka ikaw." Irap niya kay Addy.

"Oo naman. Crush ko si Mark eh. Hahaha kinikilig na sabi ni Addy."
Ultimate crush ni Addy yung barkada ni Kambal. Di ko alam pano niya nalaman. Stalker hahaha.

"Oh! Mga anak andiyan na pala kayo. Halaki na kayo" excited na sabi ni mommy. Marami kasi kami sa bahay.

Uupo na sana ko sa pwesto nang.

"Matthewwwwwwww?!" Sabay sabay na sabi nila Allen, Addy, Aina at Atheena.
Nagulat din ako. Kasi madalas ko yatang makita ngayon yung mokong na to.

"Bru, bat di mo sinabing barkada pala siya nung kambal mo." Tanong sakin ni Allen.

"Bakla ka di ko din alam." Inirapan ko nga siya.

"Oh kilala niyo pala si CM?" Tanong ni mommy.

"Opo tita. Classmate po namin."sagot ni Allen.

"Ay talaga ba?"

"Opo" sagot bi Matthew.

Bakit parang kilalang-kilala siya nila mommy? Ako hindi. Sa school ko nga lang siya nakita eh. Nakakapagtaka. Sila Mark kilala ko naman.
Tatlo lang yung kasama ni kambal, pang apat siya.
Si Mark, Matthew, Anthony at si kambal. Kilala ko yung tatlo, pwera kay CM daw.

Ang dami nilang napagkwentuhan samantalang ako, iniisip ko pa din bakit di ko kilala si CM.
Hays!

"Anak, may problema ba?" Tanong ni mommy

"Nagtataka lang po ako bakit hindi ko alam na kaibigan pala ni kambal si Matthew."
Napatingin tuloy silang lahat sakin.

"Kasi anak, sa Canada siya nakatira. Bumalik lang ulit sila dito."

"Ganon po ba?"

Napatingin ako kay Matthew. Nagulat ako nakatingin pala siya sakin.

"Tita, wala pa din po kayong kupas magluto. Napaka sarap." Puri ni Matthew.

"For sure, namiss mo yung mga pagkaing Pinoy nung nasa Canada ka."

"Opo tita. Busy din kasi si Mommy dun sa Canada, kaya madalang makapag luto. Ang dami ko pong nakain." Natutuwang sabi niya.

"Brad, balita ko dami mong babae sa Canada. Kinukwebtonka ng pinsan mo dito si Anthony"

Yuck! Babaero. Napataas tuloy kilay ko.

"Magaganda ba babae dun sa Canada?" Tanong ni Kambal.

"Eheeeeem" epal ko.

Saka tumingin kay Atheena.

"Oo bra-"

"Joke lang brad" hehehe

Tinignan kasi siya ng masama ni Atheena.
Huli kayo balbon.

"Girls! Tara na sa taas usapang mga babaero to."

"Allergy nga pala si Ayeen sa mga babaero." Natatawang sabi ni Addy

Saka kami umalis.

"Bru, may naaamoy ako kay Matthew." Sabi ni Aina

"Abo yun bru? Mukha namang mabango siya at naligo. Ano yung naamoy mo? Kapogi pa naman mabaho pa pala." Sabay takip ng ilong ni Addy.

"Berat!!! Hindi yun ang ibig kong sabihin." Natatawang sabi ni Aina

"Napka literal mo naman bru."sabi ni Allen. Sabay irap sakaniya.

"Nakakapag taka na parang kilalang kilala sila ni tita at kapatid ni Ayeen, pero si Ayeen di siya kilala.
Nakakapagtaka diba?"

Sabay sabay kaming napatango.

"Pero alam niyo iisa lang na sigurado ako." Sabi ko

"ANOOOO?" Sabay sabay silang apat.

"babaero siya." Sabay irap ko.

Love MagicWhere stories live. Discover now