Kumatok ako bago pumasok. Pagpasok ko nakita kong nakaupo si Yael at seryosong nakatingin sa papeles na nasa lamesa niya. Umirap ako ng mapansin ko na madame siyang trabaho base sa mga papeles na nasa lamesa niya. Tignan niyo busy pala tapos pinapatawag pa ako. Nangaasar ato 'to.
Tumikhim ako para mapansin niya na nasa harap niya na ako mukhang busy kase talaga siya kaya siguro di napansin na may pumasok. Agad niya akong tinapunan ng tingin.
Napakalamig ng kanyang tingin saakin kaya mas lalo akong kinabahan. Parang galit ata. Di ko naman alam kung ano iyong ginawa ko 'eh. Dahil ba na sa sahig ako nakatingin at di sakanya? Kaya siya galit? Kung ganun edi magsosorry nalang ako.
"Take a seat." saad niya at tinuro ang upuan
Kahit medyo nanginginig ang tuhod ko, nagawa ko pa rin maglakad na parang di man lang ako kinakabahan. Buti nalang at medyo maganda posture ko kaya kahit na kinakabahan na ako parang confident pa rin ako tignan.
Pag upo ko agad niyang pinagkrus ang dalawang kamay at itinukod ang siko sa lamesa niya habang seryoso akong tinitignan. Agad akong nakadama ng ilang sa tingin niya. Paano ba naman kase ang gwapo gwapo niya! Nakakainis! Ang kinis ng mukha para bang yung mga tigyawat saka blackheads nahihiyang tumungtong sa mukha niya. Pati wrinkles wala rin e diba dapat meron siya kase syempre C. E. O natural maraming ginagawa pero wala! Tapos mas matangkad na siya kesa dati. Yung mga balikat niya mas malapad na ngayon parang ang sarap yakapin.
Ay tumahimik ka, Alexa!
"Do you want to continue working here?" biglang tugon niya kaya agad akong napatingin sakanya
Kinabahan ako agad sa tanong niya. "Ah opo naman, Sir." sagot ko
Nagsmirk siya, "Good. Anyway I called you here to tell you that starting today, you'll be working as my assistant." casual na sabe niya
Kung may kinakain o iniinom lang ako siguro matagal na akong nabulunan. What?? Assistant niya raw??!
"Huh?" kununot noo kong sabe at pilit prinoseso ang sinabe niya
Seryoso ba siya?? I mean alam ko naman na ayaw niya akong makita 'eh pero bat niya ako gagawing secretary? Kung ganon edi mas madalas na kame magkikita, araw araw niya na akong makikita! Ang gulo talaga ng lalaking ito.
"I said you'll be working as my assistant." ulit niya
"Ha? Bakit?! I mean may assistant naman kayo Sir." mahinahon kong sabe kahit na sa totoo gusto ko ng magwala.
"Well as you can see, she's really busy so she can't take all my demands. That's why I'm thinking to hire one para naman di masyadong overload yung ginagawa niya. You know, naaawa kase ako so I'm thinking I need extra assistant as well."
Ahh naaawa siya? So saakin? Di ba siya naaawa? Pambihira tong lalaking to. Gusto ko tuloy pagsasapakin. Siguro kaya niya naisip to dahil gusto niyang gumanti. If that's the case then fine, wala akong magagawa.
Tumango ako. " I see, okay. " sagot ko at tumayo na
"Would that be all, Sir?" seryosong tanong ko
Bigla akong nawalan ng mood. Nakita ko na bahagya siyang nagulat sa kinilos ko. Gulat gulat pa siya. Tukusin ko mata niya e.
"Yes, wait are you okay?" tanong niya
Muntik na akong napairap. Ngayon concern siya bigla e parang kanina lang gusto niya akong gawing alila, hanep naghanap pa ng bagong sekretarya dahil daw naaawa siya sa sekretarya niya. Ako nga e madame ring ginagawa. Tss. Sa lahat pa talaga na ihire niya, ako pa talaga! Walanghiya!
YOU ARE READING
Sweet Memories
Romance[COMPLETED] "No more running away, honey. Let's stop the chase cause whatever you do, You are my property and I always tend to keep what's mine." - Yael Monteclaro