Chapter 15

372 15 0
                                    

Tamad akong tumayo at binuksan ang pinto na mukhang masisira na ata ni Alexandra dahil sa lakas ng katok niya.

Pagbukas ko tumambad kaagad saakin ang mukha ni Alexandra habang nakapamewang.
"Oh ano?" tamad na saad ko

"Anong ano ka jan? Simula dumating ako kahapon di nakitang nakita na lumabas ng kwarto mo. Ano di ka pa tapos magmukmok at umiyak jan?" tanong niya habang nakataas ang kila

Inirapan ko siya at bumalik sa kama ko. "Anong mukmok pinagsasabe mo? Hindi noh!" depensa ko sa sarili ko

Kase kahapon nakwento ko sakanya iyong nangyare sa party pagkatapos ay umiyak ako. Syempre nasaktan kase talaga ako ng sobra sa sinabe niya. Ano ba tingin ng lalaking yun saakin? Ahas? Na parang may balak sa lahat ng kaibigan niya? Bwesit siya!

"Oh ano na ang plano mo ngayon?" tanong ni Alexandra na ngayo'y nasa loob na ng kwarto ko sabay higa sa kama ko.

Nagkibit balikat lang ako habang nakatulala. Di ko kase talaga alam yung gagawin, gusto ko na iwasan siya, umalis don at magpakalayo layo sakanya ngunit naisip ko paano naman yung trabaho? Sa panahon ngayon masyado nang mahirap maghanap. Uunahan ko pa ba yung nararamdaman ko? Ang hirap kase talaga pag mahirap 'e, kung mayaman lang ako ay nako basta diritso na ako nagbook ng ticket sa kung saang lupalop man gusto ko.

"Ewan ko, magpatuloy pa rin sa trabaho. Duh! Para namang may choice ako." sagot ko at na nakanguso

Inirapan naman ako ni Alexandra. "Edi magpatulong ka sa crush mo tas umalis ka don kung ayaw mo makita iyong lalake nayun. "  saad niya at tumayo na

Tinignan ko siya at inirapan din. "Ayaw ko noh! Baka sabihan na naman ako na ginagamit ko na naman iyong kaibigan niya." saad ko

Nagkrus ng dalawang kamay si Alexandra at tinaasan ako ng kilay. "Oh bahala ka basta isipin mo wag na wag ka ng babalik don sa lalake na yun." galit na utas niya

"Wow? Galit ka? Dati lang ah gustong gusto mo siya para saakin halos ipagtulakan mo pa kame sa isat-isa." pangaasar ko

Tinignan ako ng seryoso ni Alexandra. "Syempre gusto ko siya dati kase nakikita ko kung gaano ka kasaya sakanya saka sabe niya saakin dati na hinding hindi ka niya sasaktan pero tignan mo di siya tumupad sa usapan namin."  bumuntong hininga siya at naglakad na papunta sa pintuan nang bigla siyang tumigil at hinarap ako.
"So bat pa kita ipagtutulakan sa taong walang ibang ginawa kundi ang saktan ka lang? Anyway sige na 6 am na kailangan na natin mag ayos baka nakalimutan mo monday ngayon." lintaya niya habang ako ay nakatulala lang.

Grabe ang drama naman nitong si Alexandra akala mo may karanasan 'e. Wait? Paano kung meron nga? I mean paano kung nainlove na siya sa boss niya?

Dali dali akong bumaba at hinanap si Alexandra na ngayon ay nagluluto na ng ulam namin.

"Hoy! Inlove ka?" agad na tanong ko

Humarap siya saakin at tinaasan ako ng kilay.

"Oh ako ba kausap mo?"

Inirapan ko siya at umupo sa silya. "Malamang. Bat andame mong alam sa mga love2 ha? Wag mo sabihin saakin na inlove ka na?" agad na tanong ko sakanya

Huminga siya ng malalim at umiling. "Ate naman, porket sinabe ko iyon inlove agad? Di bang pwde natutunan ko iyon sa mga napapanuod saka nababasa ko? Saka meron akong madaming kaibigan noh na may mga karanasan na sa ganyan."  sagot nito habang nakatalikod

Habang ako ay nakataas ang kilay at tinitimbang kung totoo ba iyong sagot niya.  Bigla siyang humarap saakin sabay lapag sa dalawang sunny side up. Itlog na naman niluto niya? Lage nalang iyon ang ulam namin sa umaga pag siya nagluluto 'e.

Sweet MemoriesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz