•BGA 3- Accusations

223 8 0
                                    

(5 years later!)

(Narrator)

"Where am I? Luis where are you?" Palinga lingang hanap ng isang cute na batang babaeng naligaw sa loob ng Music and Arts Studio!

Napansin niya ang nakatulalang babaeng nakaupo sa bench. Mukhang mabait ito kaya nilapitan niya na agad ng walang pagaatubili.

"Miss?" Tanong neto gamit ang cute na boses.

Pero mukhang di siya napansin ni Arzelle.

"Miss help me find my Daddy." Sabi ng cute na batang babae kinalabit na si Arzelle.

"Oh my goodness! Ako ba ang kinakausap mo?" Gulat pang sambit ni Arzelle nung makita ang bata at napatakip sa bibig.

Lumakas ang tibok ng puso niya nung masilayan ang mukha ng bata.
Sobrang na kyutan siya sa bata kaya parang ayaw niya itong hawakan gamit ang maduming mga kamay niya.

***

(Arzelle POV)

Sa nakalipas ng mga taon ay nakikipag-usap lamang ako sa sarili ko at hindi ako kailan man iniwan at pinabayaan ng ina ko hanggang sa natagpuan ko uli ang aking sarili at nagpasyang simulan ang buhay. Umalis sa farm house at nangupahan malapit sa syudad.

Matapos ang limang mahabang taon ng pagluluksa  ay sa wakas ay naisipan ko nang bumangon para sa sarili ko. Ang pagkawala ni Daniel sa buhay ko hindi na nakapagpalala sakin. Ang hanapin ang anak ko ay ang pinakamahalagan bagay na nasa isip ko.

Limang taon na ang nakalilipas ay ipinagmamalaki kong nananatili akong buhay at lumalaban kahit may bahid na ang pagkatao ko dahilan ng mga iskandalong nangyare sa buhay ko.

Handa na akong bumangon para bumuo ulit ng mga bagong pangarap sa bahay. Mas matibay na ako ngayon kompara noon.

Tama na ang limang taong pagluluksa na dinanas ko.

Sinimulan kong ayusin ang buhay ko. Nilinis at kinulayan ang apartment ko at iniba ang desenyo. Naglagay din ako ng mga paso ng halaman sa bawat sulok.

Sa nakalipas na limang taon ay ginawang bangungot ng mga taong pinagkakatiwalaan ko ang aking magandang buhay. Nasira ako sa mga iskandalong di ko naman ginawa.

Hindi ko sigurado kung paano ko nagawang kontrolin ang labis na depresyon at stress at gamitin ito para mas maging malakas pa, ngunit ginawa ko ito dahil sa naniniwala akong buhay pa ang anak ko at kailangan mahanap ko siya!

Pero bago yan, kailangang humanap ako ng trabaho.

****

Nakaupo lang ako sa may bench sa gitna ng mall. Kagagaling ko lang sa isang job interview at tatawagan na lang daw ako. Lagi na lang ganon sa lahat ng na-applyan ko, tatawagan daw ako pero ilang araw ng lumipas wala namang tawag. Kailangan ko pa naman ng trabaho.

Nagulat ako nung may kumalabit saakin kaya napalingon ako. Isang napakagandang batang babae, nakakapang gigil ang ang kakyutan niya. Lalo siguro kapag ngumiti ito, mukhang naligaw at hinahanap ang ama.

Kung di lang sana nawala ang baby ko 5 years ago siguradong kaedad niya ang batang to.

"Ginulat mo naman ako babygirl!" Sabi ko dukot ng alcohol sa bag ko at naglagay sa kamay. "You want?" Abot ko ng alcohol sakanya.

Nag-aalangan pa siyang tanggapin ito. "What's this?" Tanong niya sinisipat ang bote ng alcohol.

"It's an alcohol baby, put some in your hands and spread it to your arms. It will kill germs in your skin." I said smiling at her while teaching her how to put alcohol.

Bastard : Gabion AranetaWhere stories live. Discover now