BGA 16- Naughty Bastard

311 10 0
                                    

(Arzelle POV)

Umuwi agad kami sa mansion para kumain.

Nagpaluto si Gabion ng dinner pagkarating agad namin. Si baby Gaelle ay nasa music room kasama ang tutor niya sa piano.

"Zelle, samahan mo ko." Ani Gabion.

Tiningnan ko siya at tumango. Sumunod na ako sakanya papunta sa kung saan.

Umakyat kami ng hagdan papunta sa leftside ng bahay.

Ang ganda talaga ng bahay ni Gabion kahit sa mga kurtina, chandelier at paintings bumagay sa lahat ng angulo.

Pumasok siya sa isang silid kaya sumunod ako.

Sa loob ng silid may sarisaring libro, mesa, computer at kung ano ano pang mga papel. Napakalawak ng lugar.

"Dito ko pinag-aaralan ang mga proposals at contracts. Pate narin ang plans tungkol sa business." Aniya at umupo na.

"I see." Kako nung biglang nagkusang nagsara ang malaking pinto sa likod ko.

Umupo narin ako at pinanood siya habang binabasa ang mga papel sa harap niya.

Damn! Ano kayang gagawin ko dito?

Tiningnan ko siya at napakagwapo niyang tingnan habang tuon ang atensyon sa trabaho.

Napalunok pa ako nung hubarin niya ang coat niya.

Parang pamilyar talaga siya saakin, di ko lang matandaan.

Misteryoso parin si Gabion saakin dahil sa daming bagay na gusto kong itanong sakanya pero wala akong lakas ng loob dahil boss ko parin siya.

"Sir, you are seems to be busy, I should go." Utal ko. Para kaseng nakakailang na nandito ako.

Di man lang siya sumagot kaya tumayo na ako at naglakad papunta sa  pinto.

Pilit kong binubuksan ang pinto pero bigo akong buksan.

"Ano ba yan? Paano ba to buksan? Itulak ba o hilahin?" Bulong ko.

"It's a personalized door. You can only open it through remote, here." Ani Gabion kaya napalingon ako sakanya. Wagayway neto ang remote.

"Oh I see." Pilit ngiting sabi ko para matakpan ang kahihiyan ko.

Lumapit ako sakanya para kunin ang remote ng pinto.

Inagaw ko agad ang remote at pinindot pindot ang mga buton pero di gumana.

"Finger prints, need my finger prints." Ani Gabion.

"Huh?"

"Kailangan ako ang pipindot sa ng remote para gagana, kase finger print ko nakaregister dyan." Pigil tawang sabi nito.

Damn. Parang matunaw na ako sa hiya.

"Ganon ba. Then could you please pindot it na para makalabas na ako?" Kako.

"Theres no way." Aniya.

"What? Why? Bakit nilolock mo ko dito?" Tanong ko.

Tumayo ito at naglakad papunta saakin.

"I want you." Aniya kaya napaatras ako.

"Boss, baka iniisip mo na kagaya ako ng ibang babaeng kakagat sa mga pakulo mo, may dignidad ako kaya wag mong isiping bibigay ako sayo." Utal ko.

Siningkitan lang ako ng mga mata neto at patuloy na lumalapit.

Pinagpawisan ako ng malamig.

"Naalala ko pa ang unang araw na una kitang nakasama. Alam mo bang lagi kong inaalala yon?" Aniya.

Bastard : Gabion AranetaWhere stories live. Discover now