Sei

236 32 24
                                    

Il plagio è un crimine.



AURORA

Dalawang araw na ang nakalipas matapos maganap ng graduation namin. Ngunit ni text man lang ay wala akong nareceive mula kay Jael.

Kitang kita ko pa kung paano nya bigyan ng mga bulaklak si Aliana. Pati na rin ang mga ngiti nya nang yakapin sya ni Aliana.

Ang sakit na nagawang ko pang isipin na baka may sorpresa pa sya sakin nang araw na ding iyon. Pero nakauwi na kami at lahat ni Mama at hanggang ngayon ay walang Jael na nagpaparamdam sa akin.

"Mama, may magbestfriend po ba na babae at lalaki na tunatagal nang magbestfriend lang?" tanong ko kay Mama habang gumagawa kami ng lumpia. Taga lagay ako ng filling tapos si Mama naman ang nagbabalot.

"Oo naman, pero madalang. Kadalasan nagiging sila, bat mo naman natanong?" sabi ni Mama.

Hindi ko na lamang sya sinagot bagkus ay pinagpatuloy ang paglalagay ng fillings. Lalong dumagdag ang mga katanungan sa isip ko dahil sa sagot ni Mama, ang hirap talaga kapag nagaassume ka sa mga bagay-bagay dahil 'di mo naman matanong nang diretso sa gusto mong pagtanungan.

Paano kung hindi naman si Aliana ang problema kundi si Jael? Kasi hindi naman magiging friendly sakin nang ganun si Aliana kung may motibo o may gusto sya kay Jael simula nang ipakilala ako bilang girlfriend ng bestfriend nya.

Nang makabalik ako sa aking kwarto ay naisipan kong imessage si Jael.

Bakit nga ba kasi 'di ko sya minessage nitong mga nakaraan na araw? Ay, ayaw nga pala nang binata na sya ang nauunang nagtetext kasi nakasanayan na nila na si Jael talaga ang nauunang magtext.

Aje:
Pede ba tayong magkita ngayon babe?

Ayaw ko namang tadtarin ito ng texts kasi baka mas lalong hindi sya nito replyan. Ambilis din kasing mapikon ni Jael.

Nang hindi nagreply ng ilang oras si Jael ay naisipan ko na lang na pumunta kina Aling Mena. Namimiss ko na kasi ang mga luto nito lalo na ang adobong sitaw.

Nagpaalam muna ako kay Mama at nagsuot ng shades dahil dapit-hapon pa lamang 'tsaka naglakad na lang papunta kina Aling Mena. Medyo may kalayuan pa ito mula sa aming bahay pero nagbabaka sakali akong makita o makasalubong si Jael.

"Aje, ang init-init di ka nagpapayong." Bungad sa kanya ni Malfoy. Hay, kung si Jael lang sana ito edi worth it ang pagbibilad nya sa araw.

"Parang namang masusunog ako sa konting pagbilad lang sa araw," sabi ko naman kay Malfoy pabalik.

Ngayon ko lang din napansin na kasama nyang nakasukob sa payong ni Malfoy si Dawn Israeil.

"Hi, Dawn Isra-Dawn. Nandito ka pa pala." Bati ko kay Dawn Israeil. Muntik ko nang makalimutan na sa isipan ko lang tinatawag ang binata nang buong pangalan nito pero mabuti at naagapan ko.

"Israeil na lang, parang sinaunang tao ako nyan sa Dawn Israeil eh," sabi naman ni Dawn Israeil este Dawn. Atleast ay 'di na sya mahihirapang bigkasin ito mula sa kanyang bibig at isipan.

"Naks naman. Kung maka Israeil ka akala mo foreigner ka." Banat ni Malfoy sa kanyang pinsan na sya namang binatukan ni Israeil.

Nakakatuwang isipin na close ang magpinsan na kung hindi nya kilala ang dalawa ay maiisipan nyang magkapatid ang mga ito. Halos magkahawig din kasi sila at talagang naggagwapuhan.

"Una na ako sa inyong dalawa. Baka maubusan pako ng adobong sitaw kina Aling Mena." Pagpapaalam kosa dalawa na hanggang ngayon ay nagaasaran parin.

"Kina Aling Mena din ang punta namin! Tamang tama sumabay ka na samin Aje." Aya naman ni Malfoy. Gusto ko na sanang tumanggi kaso alam kong matigas ang ulo ni Malfoy at gustong sya ang masusunod. Kaya naman sya ang naging presidente ng kanilang club dahil na rin sa pagpupursigi nito.

Malapit na sila sa karinderya ni Aling Mena nang lumabas ang halos dalawang araw nya nang gustong makausap.

"Ja-" pero 'di nya na rin natawag ang binata dahil kasunod nito palabas nang karinderya ay ang bestfriend nito. Si Aliana.

Pucha. Dalawang araw na hindi nagpaparamdam sa kanya si Jael tapos makikita nyang magkasama na naman ang dalawa?

Tiyak nyang nakita rin ng magpinsan ang dalawa kaya tignan sya ng mga ito na parang nagtatanong kung bakit sila magkasama.

Yun din sana ang gusto kong itanong, sabi ko sa aking isipan.

Papalapit na ang dalawa sa kinaroroonan nila at natigil ang dalawa nang makita sila.

"A-aje..." sabi ni Jael. Agad naman tumigin sa direksyon nila si Alaiana at bahagya ring nagulat nang makita sya nito.

"Anong meron?" Hindi sana ito ang gusto kong itanong kay Jael matapos ang dalawang araw na hindi sila nagpapangita pero hindi ko alam kung bakit ito ang lumabas na mga salita sa aking dila.

Bakit kayo magkasama?

Kayo na ba?

Bestfriend mo lang ba talaga sya?

Hindi naman nasagot agad ni Jael ang simple kong tanong kaya mas lalong dumagundong ang aking pakiramdam.

"Aje wala-"

"Hindi ikaw ang kausap ko." Putol ko sa balak sanang sabihin ni Aliana habang nakatutok parin ang tingin kay Jael.

Tumalima naman si Aliana at hindi na ulit nagsubok na magsalita.

Tama ba ang mga haka-haka ko? Pinagtataksilan ba talaga ako nang dalawang to?

Huminga ako nang malalim bago itanong ang gustong gusto ko nang itanong kay Jael simula ng makita ko ang mga ngiti nya na tanging kay Aliana nya lang ipinakita nung sinalubong nya ito sa gate ng aming school.

"G-gusto mo ba si Aliana? Mahal mo ba sya?" Hindi ko na napigilang maluha dahil lang sa tinanong ko kay Jael.

Paano pa kaya kung sumagot na sya sa tanong ko? Baka magbreakdown ako dito sa harap ng karinderya nang wala sa oras.

Nakita ko naman nang bahagya na parang naguguluhan si Aliana sa aking tanong. Hindi ba nya ramdam na may gusto si Jael sa kanya?

Napangiti na lang ako ng mapait. Ang swerte nya dahil mahal sya ng mahal ko.

"Ano na Jael, hindi bat totoo nama-"

"Oo mahal ko si Aliana." Ang sakit na pintuol nya yung sasabihin ko.

Pero mas masakit parin na sa bibig nya mismo nanggaling. Biruin mo yung mahal mo nang mahigit dalawang taon, mahal pala ang bestfriend nya na ngayon lang ulit nagpakita.continua.

Nebulous Eyes (COMPLETED) #Wattys2020Where stories live. Discover now