Chapter 43

110 7 0
                                    


Hail Selene

"Hi ate Selene! Ano tingin mong mas maganda?" tanong ni Deirine na nakaharap sakin habang ipinapakita ang dalawang dress na magkaiba ng kulay at disenyo.

Sabado ngayon at sinundo niya 'ko sa bahay namin ni Deimon para mag-mall.

“ 'yang maroon, teka parang maganda din 'yang pink" sambit ko.

Napangiti naman siya at napa-tango.

  "Okay bibilhin ko 'yang dalawa. Tara sa shoes!!" agad niya kong hinatak sa shoes section at pinapili ako ng magandang shoes at hindi lang iyon pati sa mga heels.

  "Para saan ba 'to?"

  "Don't worry Ate Selene, ako ang bibili. Pumili ka ng magandang design. Gusto ko lang talaga ng bagong heels at shoes ngayon"

"Ito at ito" nakangiting sabi ko, agad niya namang kinuha ang dalawang itinuro ko at iniabot yon sa isang bodyguard niya.

  Pagkatapos naming magbayad ay nagdesisyon kaming magpa-gupit at magpa-manicure at pedicure

  “omg!! ang ganda mo!!" nakangiting sabi niya habang turo turo ako sa salamin, napatingin naman ako sa sarili ko at nagulat sa kinalabasan ng buhok ko

Nagkaroon ako ng bangs na medyo pa-kulot at maiksing buhok na naka-curl din.

“Maiinlove lalo si Deimon sa'yo."

  Napangiti naman ako at tumayo na, nag ikot ikot lang kami sa mall at kumain na din sa isang mamahaling restaurant.

  “Ate Selene, please ayusin nyo na ni kuya ang sainyo. Laging wala sa sarili si Kuya, i swear!! Nakakatawa. Lagi siyang kumakain ng pabaliktad ang plato at minsan naman pinupuno niya ang baso. Grabe yung resulta" natatawang sabi niya.

Napangiti naman ako at kumain nalang.
Pagkatapos naming kumain ay nagdecide na si Deirine na ihatid ako sa bahay namin ni Deimon. Binuksan ko naman ang pinto ng kotse pero agad din siyang bumaba at iniabot sa kamay ko ang mga paper bags na naglalaman ng mga gamit na binili namin sa mall.

  “Wear that tomorrow night ate. May dinner date tayong family. Uuwi sila ate Dysiree bukas ng madaling araw. Seeyou!" sabi niya at bumeso na sakin at sumakay na ng kotse niya

Napangiti naman ako at agad na pumasok sa loob ng bahay.

Maghapon lang akong nakaupo at nanood ng t.v, napatingin naman ako sa kwarto ni Deimon at naisipang maglinis doon.

  "Deimon?" nakita ko mula sa sahig ng kwarto ang nakahigang si Deimon, agad akong lumapit sakanya at kinapa siya.

  "Jwajajwnsuwjs"

  "Huh? What the. Kelan ka uminom" bulong ko, nakangiti pa siya habang nakapikit.

Lasing si mokong.

Agad ko siyang binuhat at inihiga sa kama. Kumuha din ako ng bimpo at planggana para mapunasan ang katawan niya.

  "Selene mahal kita.."

Napangiti nalang ako habang idinadampi ang bimpo sa mukha niya.

"Hindi ko na kaya e. Gusto ko nang bumalik tayo sa dati, please naman oh."

"Selene ang sakit na kasi dito sa puso hahaha" sambit niya, humiga naman ako sa tabi niya habang nakatitig sa mahahaba niyang pilik-mata at sa labi niyang makapal na nakaka-akit talaga.

   "Bakit ang gwapo mo?" tanong ko.

Hinalikan ko naman siya sa noo at tinitigan nalang siya

  "I'm sorry kung nasasaktan ka. Gusto ko na matuto ka lang at matuto kang humingi ng tawad." sambit ko, inilapit ko naman ang mukha ko sakanya pero agad ko ding inilayo, napa-upo nalang ako habang hinahampas ang dibdib kong malakas na ang kabog ngayon.

  "Selene.." bigla naman akong napa-higa nang hatakin ako ni Deimon sa tabi niya at pagkatapos non ay napansin ko nalang ang sarili kong binabalik ang halik niyang ibinibigay niya sakin ngayon.





-

"Wtf!!!!" sigaw ni Clio sa kabilang linya, agad akong naghilamos ng mukha habang hindi makapaniwala sa nangyari.

"You and Deimon, g-ginawa nyo 'yon? What the fck!"

"H-Hindi niya alam. H-Hindi ko napigilan." nahihiyang sabi ko. Tumingin naman ako sa salamin at napabuntong hininga nalang

"oh my G! Paano pag nalaman ni Chivin! He will be mad at you, kasi the f! nagulat na nga ako sa confession mo sakin kani-kanina na kasal kayong dalawa eh! tapos mas may igugulat pa pala ako sa balitang 'yon. You had sex with him. with Aim Deimon fucking Anderson! That Anderson bitch, grabe 'yan" sigaw ni Clio. Mas dumoble ang kabog ng dibdib ko. Si Gavin pa ang problema.

  "sige na Clio, bye na."

Pagkatapos kong maligo ay sinilip ko sa kwarto si Deimon pero narinig ko na ang bukas na shower sa isang banyo kaya alam kong naliligo na rin siya.

ngayon, hindi ko na alam kung paano pa 'ko kukuha ng lakas ng loob para harapin siya.

Pagkatapos maligo ni Deimon ay nagkasalubong pa kami, paglabas niya ng kwarto ay saktong ding pag akyat ko sa hagdan papuntang kwarto.

Nagmadali akong pumasok pero agad na hinawakan ni Deimon ang kamay ko

  "Kapag may kailangan ka, tawagan mo 'ko. Didiretso na 'ko sa bahay nila Daddy kasi alam kong ayaw mo naman ako dito." sabi niya, hindi nalang ako nagsalita at tinignan siyang pababa na ng hagdan at palabas ng pintuan ngayon.

pakshet, mukhang hindi niya alam ang nangyari.

 

Unexpectedly MarriedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ