Prologue

2 0 0
                                    

"Seryoso ka ba d'yan? Baka naman pina-prank mo na naman kami ng papa mo, anak." Nakangiting sambit ng isang binibini sa kanyang anak pero halata sa tono nito na umaasang sana nagbibiro lamang ang kanyang anak.

"M-ma, s-sorry po talaga." Tanging nasabi ng batang babae habang umiiyak sa bawat pagitan ng pagsasalita. Napayuko ito at pinunasan ang mata na patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha.

Namagitan sa kanilang lahat ang katahimikan. Walang sumusugal na umimik. Ang batang babae ay patuloy pa rin sa pag-iyak habang ang kanyang ina at ama ay nagkatinginan ng may pag-aalala at kalituhan sa mga mata.

Hindi nagtagal, nagsunud-sunod na rin ang pagtulo ng luha ng matandang binibini at napatakip na lamang sa kanyang bibig upang hindi makagawa ng kahit anumang ingay. Inalo naman ito ng matandang ginoo, hinawakan niya sa magkabilang balikat ang asawa at ibinulong dito na magpahinga na lamang muna sa kanilang kwarto.

Tumango na lamang ang matandang binibini at tumayo na sa pagkakaupo upang tumungo sa kanilang kwarto. Nang makaalis ang matandang binibini napahinga ng malalim ang matandang ginoo at tumingin sa batang babae na walang humpay sa pag-iyak.

"Anak, sa tingin ko naguguluhan ka lang. Alam kong magbabago pa ang isip mo." Sabi nito sa kanyang anak at hinimas ang ulo nito.

"Pero, pa, sigurado na po ako. Hindi lang ako basta nalilito. Pa, seryoso po ako." Determinado nitong sagot sa kanyang ama at talagang tinitigan ito sa mga mata kahit pa na namumugto ang mga mata nito. Napahingang muli ng malalim ang matandang ginoo.

"Pagod tayong lahat. Magpahinga ka na muna." Tanging sagot ng matandang ginoo sa kanyang anak, tila binalewala ang mga sinabi nito kani-kanina lang. Hindi na niya magawa pang tignan ang anak sa mata at umalis na lang sa hapagkainan.

Naiwang mag-isa ang batang babae habang patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Pinipigilan nito na humikbi dahil pakiramdam niya ay mas lalo lamang sumasakit ang kanyang dibdib. Nagpaulit ulit sa kanyang isipan ang tingin ng kanyang mga magulang sa kanya kanina dahilan para lalo siyang maiyak.

"Ma. Pa. Sorry po talaga."

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: May 09, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Lost FlowerOnde histórias criam vida. Descubra agora