(Chapter 6) Bakit?

1 0 0
                                    

Chapter 6


Nagulat sila ng makita kami ni Kuya.  Lumapit si Kuya sa kanila. Kita ko ang mga luhang pumapatak sa mga mata niya. 

"Marco" sabi ni Angel. Nanginginig ang boses niya.  Nakahawak parin siya kay Raven. 

"Sabihin mo sakin ang totoo Gel! Ipaliwanag mo sakin kung anu ang mga nakita ko at narinig ko!" mahinahong sabi ni kuya peru nakikita kong nagpipigil siya ng iyak. 

Wala na silang imik lahat! Wala nang nagsalita sa kanila. 

"Bakit?" tanong ni Kuya at unti unti nang tumulo ang mga luha niya sa harap nila. 

"Gusto mo ba si Raven?  Eh bakit sakin ka lumapit?  Mahal mo siya? Bakit di mo sinabi sakin?" tanong ni Kuya kay Angel peru wala siyang sagot na narinig mula kay Angel.  Di man lang itu tumitingin sa kanya.  

"Naging kayo ba? Tapus ngayun mahal niyu pa ang isat isa ganun ba?" pasigaw ng sabi ni Kuya. 

Di ko na din mapigilan ang luha ko habang nakatingin sa kanila.  Nasasaktan ako! Nasasaktan ako dahil niloko at pinaasa lang ako ni Raven.  Akala ko gusto niya ko peru di pala. Peru mas nasasaktan ako sa nakikita ko.  Subrang nasasaktan si Kuya! 

Kumawala  si Raven sa pagkakahawak ni Angel. Lumapit siya kay Kuya. 

"Marco.  I'm sorry!" yun lang ang sinabi ni Raven. 

Bigla siyang sinuntok ni Kuya at natumba si Raven. 

"Raven" tawag ni Angel. 

Bigla lumapit si Angel kay Raven.  Tumayo ito at tinulak si Kuya! 

Nagulat ako sa ginawa niya.  Peru mas nagulat si Kuya sa ginawa ni Angel. 

"Anu ba Marco!  I don't like you. And Yes tama ka! Tama ang iniisip mo.  Ginamit lang kita para pagselosin si Raven. Hindi ako magkakagusto sa tulad mo.  At ayukong mapabilang sa pamilya mo. At ginamit lang din ni Raven ang kapatid mo para pag selosin ako.  Alam kung mahal parin ako ni Raven." sinigaw niya yun sa mukha ni Kuya. Pati sa mukha ko! 

 Para kaming binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. 

"Stop it Angel!" sigaw ni Raven. 

Hinawakan niya sa braso si Angel. 

"Why?  Thats true. You still love me and I know it!  Ginagamit mo lang ang babaeng yan para pag selosin ako!" sigaw ng Angel na yun sabay turo sakin. 

Ngayun talaga lumalabas na ang sungay at buntot ng Angel na yun. 

"No.  Thats no true!" sigaw ni Raven. 

Di ko na matiis ang nangyayari.  Tumakbo ako palayo. Di ko na napigilan ang luha ko. 

"Marta!" narinig ko ang tawag ni Raven sakin.  Hinabol niya pala ako. 

Nahawakan niya ang braso ko. 

"Marta please listen to me!  I know nagkamali ako. Inaamin ko yun." paliwanag ni Raven peru pilit ko lang hinihila ang kamay ko sa pagkakahawak niya. 

"Bitiwan mo ko!" sigaw ko sa kanya. 

Niyakap niya ko ng mahigpit. 

"Please listen.  Noong una aaminin ko na ginawa ko nga yun.  Ginamit nga kita para pag selosin si Angel. Nagalit din ako sa ginawa niya na ginamit niya si Marco para pag selosin ako.  Nagkamali ako. Inaamin ko yun! Peru noon yun. I like you Marta. Nakita ko kung gano ka kabuting tao. Kung gano ka kasayang kasama." mahaba niyang paliwanag habang yakap parin ako. 

Tinulak ko siya ng malakas at sinampal ko siya. 

"Sa tingin mo ba maniniwala pa ko sa sinasabi mo?  Ang kapal ng mukha mo! Sinaktan niyu ang Kuya ko tapus ginamit mo pa ko!  Tao kapa ba ha Raven? Pano mo yun nagawa sa kaibigan mo na tinuring kanang parang tunay na kapatid.  Purki ba mahirap lang kami pwede niyu na tong gawin samin ganun ba?" sigaw ko sa kanya. Di tumitigil ang luha ko sa pag agos! 

"Marta!" lumapit siya sakin at balak niyang yakapin ulit ako peru biglang dumating si Dexter at nahawakan siya sa kamay. 

"You need to stop now Raven!" may autoridad sa boses ni Dexter ng sinabi niya yun. 

Tumakbo na ako paalis. 

Umuwi ako sa bahay.  Umiiyak ako sa labas ng bahay namin.  Tulog na silang lahat sa bahay. Nasasaktan ako peru kilangan kung antayin si Kuya.  Wala parin siya. 

Nung tumagal wala na ding luha na tumulo sa mga mata ko.  At dumating na din si Kuya. 

Di na siya umiiyak peru makikita mo ang sakit sa mukha niya. 

"Kuya" tinawag ko siya. 

Lumapit siya sakin at niyakap niya ako. 

"Patawarin mo ko Marta at nadamay kapa! Nasaktan ka tuloy.  Di man lang kita nagawang protektahan!" sabi ni Kuya na basag na ang boses.  Nararamdaman kung tumulo ulit ang mga luha niya. 

"Kuya naman di mo naman kasalanan yun eh!" 

Pinahid ni Kuya ang mga luha niya at tumingin sakin. Hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. 

"Makinig ka sakin.  Bata kapa! Marami kapang makikilala na matinong lalaki diyan at di ka sasaktan.  Wag kanang umiyak ha. Magpakatatag ka! Mawawala din ang sakit!" sabi ni Kuya sakin at pumasok na din siya sa loob ng bahay. 

Sinabi ni Kuya sakin yun peru parang mas sinasabi niya yun sa sarili niya. 

Nasaktan ako peru alam kung mas masakit yun para kay Kuya. 

Niloko at sinaktan siya ng dalawang taong mahalaga sa kanya.  

"Marta" 

Nagising ako sa malalim na pag iisip ng marinig ko ang boses ni Kuya. 

Nakangiti si Kuya sakin. Ilang buwan na din ang nakalipas ng mangyari iyun.  Alam kung nasasaktan parin si Kuya peru pinipilit niyang magpakatatag para samin. 

"Kuya" lumapit ako sa kanya at humawak ako sa braso niya. 

Minsan talaga napagkakamalan kaming mag Jowa ni Kuya.  Subrang sweet niya kasing kapatid at laging kami lang ang inaalala niya.  Napaka swerte namin sa kanya. 

Nakauwi na kami sa bahay! 

"Nanay!" tawag ko kay Nanay. 

"Nay!" 

Nakita ko siya sa may banyo.  Inaayus na naman niya ang pinto ng banyo. 

"Nanay naman anu na naman ba ang ginawa niyu ni tatay at nasira na naman yan?" seryuso kung tanong kay Nanay. 

"Marta naman masyado kang judgemental.  Inaayus lang kasi nasira ulit kung anu anu iniisip mo!" sabi ni Nanay na naka labi pa. 

"Tumigil na kayo.  Halina kayo kain muna tayo.  May dala akong meryenda!" sabi ni Kuya. 

Isa isa na naming tinawag ang iba pa naming mga kapatid.  Tig isa lang kami sa tinapay kasi 12 kami na kakain. Kilangan magkasya samin to. Peru di pa naman masyadong kumakain ang bunso namin. 

 Nasanay kaming magtiis at maghati hati.  Lumaki kaming mahirap at marami pa kaming magkakapatid. 

Si Nanay walang trabaho at si Tatay lang ang kumakayud sa amin.   Buti nalng merun kaming napaka bait at responsabling Kuya. 

Tiningnan ko si Kuya.  Nakangiti siya habang isa isang binibigyan ng tinapay ang mga kapatid ko. 

"Gagantihan ko sila Kuya.  Sinaktan nila tayo at minaliit.  Di ako papayag na ganun lang yun!" sinisigaw yun ng isip ko habang tinitingnan ko si Kuya. 

Alam kong nasasaktan parin siya at tinitiis niya lang lalo pat nagkikita parin sila sa skwelahan ng Angel na yun.

"Lintik lang ang walang ganti" sabi ko sa sarili ko.

Ako si Marta 🤓😏Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang