(Chapter 7) Para sa isang Romantic Date sa Kuya mo! (Part 1)

1 0 0
                                    

Chapter 7


Habang tumatagal parang nagiging totoo ang pagkakaibigan namin ni Annie. 

Hindi lang dahil sa kilangan niya ako at kilangan ko siya kundi dahil sa na raramdaman namin na pwede naman pala kaming maging magkaibigan talaga. 

Sa katunayan,  isang beses nagsabi si Annie sakin na gusto niyang makilala ang mga kapatid ko kaya sinama ko siya sa bahay! Binilhan niya ng pagkain ang mga kapatid ko.  Bumili siya ng 4 na boxes ng donut. 

Nandun din ng araw na yun si Kuya kaya pinakilala ko na siya kay Annie. 

"Kuya si Annie po pala.  Kaibigan ko. Siya yung sinasabi ko na may tatay na dentist!" bulong ko kay Kuya. 

"Ahhh ganun ba?" ngumiti si Kuya ng malaki nung marinig niya ang sinabi ko. 

"Ikaw pala ang kaibigan na laging kinekwento ni Marta! Salamat ha. Dahil sayo mas lalong gumaganda ang kapatid ko." biro ni kuya sabay ngiti. 

Si Annie naman naka Tanga lang at nakatingin kay Kuya. 

Ay naku!  Hindi to pwede.  Baka naman magka gusto si Annie sa kapatid ko. 

"Annie" siniko ko siya kasi di na siya gumagalaw. 

Biglang ngumiti ng napakatamis si Annie at kinuha niya ang kamay ni Kuya.  Nagkipag shake hands siya dito.  

"Kinagagalak kitang makilala.  Kaibigan ako ni Marta! Di ko naman akalain na may gwapo palang Kuya si Marta." sabi ni Annie na kinikilig pa. 

Siniko ko siya ulit.  Kumikiringking kasi sa Kuya ko di man lang nahiya sakin. 

Tumatawa lang si Kuya kasi ayaw parin bitiwan ni Annie ang kamay ni Kuya kahit hinihila na niya ito. 

Hinawakan ko ang braso ni Annie at hinila ang kamay niya. 

"Bitiwan mo na ang Kuya ko Annie.  Matutunaw na din yan kakatitig mo!" sabi ko kay Annie. 

Bumitiw na din agad ito kay Kuya peru sigi parin ang pa cute niya. 

"Marta friend.  Araw araw mo na akong isama sa bahay niyu ha!" sabi sakin ni Annie ng hinatid ko na siya sa labas. 

Parang nagsisisi na tuloy ako na pinakilala ko siya sa Kuya ko. 

"Tumigil ka! Bigla mo bang nakalimutan na may boyfriend ka?" sabi ko sa kanya. 

Biglang pumakla ang itsura ni Annie. 

"Oo nga pala may boyfriend pala ako!" bigla niyang sabi.  

Natawa ako sa kanya.  Anu yun nakalimutan niya na may boyfriend siya nung makita niya si Kuya? 

"Basta Marta friend ireto mo ko sa Kuya mo ha!" sabi niya sakin na kinikilig pa. 

Napatawa nalang ako sa kanya. 

Malapit na ang 4th quarter!  Malapit ng matapus ang taon at malapit na kaming Grumaduate. 

Di ko lubos naisip na haharapin namin ang consequences ng ginawa namin ni Annie. 

"Annie,  Marta totoo ba ang pinaparatang nila sa inyo?" tanong ng Head Teacher ng school kasama pa ang adviser ng section A at section B. 

Ipinatawag ako sa Principal's Office.  Pagpasok ko nandun na din pala si Annie. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko ng makita kong pinatawag din si Annie. 

Hindi to pwede.  May naka alam kaya sa ginagawa namin?  

Di to pwede.  Baka ma expell ako.  Malapit na kong grumaduate at running for the Highest Honor pa ko. 

Ako si Marta 🤓😏Место, где живут истории. Откройте их для себя