Kabanata 21

556 191 218
                                    


To: SaulMattRam@gmail.com


Subject: To The Boyfriend I Never Had


Dear future boyfriend,

Hoy! Bakit nawala ka nang 'di man lang nagpapaalam? Wala man lang goodbye wave or goodbye kiss?


Ang daya mo ha. Akala ko ba mag-iingat ka? Ang tanga mo eh. Sabi ko sa'yo ingatan mo sarili mo kasi mamahalin pa kita.


Ayokong may mangyaring masama sa'yo pero gusto ko may mangyari sa atin... Charot lang. Saka na pag pinakasalan mo na ako. Kaso, wala ka na. Wala na.


Sayang naman yong efforts kong mag-daydream tungkol sa atin. Di mo man lang ako binigyan ng chance na magpakitang gilas oh.


Crush lang kita. Pero di lang pala mga pokemon ang nag-eevolve. Pati feelings din pala. Akalain mo yon? From strangers to friends. Ineexpect ko pa naman 'gang more than friends.


Nahulog ako sa mga mata mong magaganda, sa mga ngiti mong nakakahawa, sa mga tawa mong ang sarap sa ears, sa mga abs mong ang sarap sa eyes. Baka akalain mong ang babaw ng pagmamahal ko sa'yo. Hindi ah. Na-fall ako sa boses mo nang kumanta ka sa videoke. Nakakainlab.


Na-fall ako sa mga dinner dates natin. Kahit dinner lang yon para sa'yo. Never kitang nakitang hinusgahan ako kahit nag-a-unli rice pa ako. Kahit binubully mo ako sa mga bilbil ko, I know you care.


Pero mas na-fall ako nang makita ko kung gaano kabuti ang puso mo. Ang dami mo palang natutulungang ibang tao. Dami mong foundations na pinatayo. Bakit ko alam?
Siyempre, I only have my eyes for you. I fell really hard.


You are not just a face. You are a great man with a good heart and intentions. Kaya hayun, di ko na napigilan. Alam kong wala akong ibang lalaking gugustuhing maging boyfriend kung hindi ikaw.


I know you don't like me romantically. You've been casual to me. You're just being nice. Kahit ilang beses mong sabihin na hindi mo ako gusto gaya ng pagkakagusto ko, hindi kita hinayaan. Kinukulit kita. Inaasar. Para patulan mo ako. Char!


I really wanted you to live long, wed the woman you love, build your family and have kids. Kahit hindi na sa akin. Kung saan ka masaya, susuportahan kita. Kaya kahit ipagtulakan mo ako noon, gusto kitang protektahan. I don't want to feel guilty again for not doing anything.

Getting Away with GluttonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon