Chapter 9 (12/16/2014)

508K 11.7K 1.7K
                                    

Chapter 9

“Amanda nasaan ka?” Sabi agad sa akin ni Mama nung sinagot ko ang tawag niya.

“Pauwi na po ako Mama.”

“Naku baka ma stranded ka anak. Baha na sa may España. Not passable na. Binabalita na sa TV.” Dagdag pa ni Mama. Ang lakas nga ng ulan. Simula nung lumabas kami sa parking ng school kanina ang lakas na ng ulan at 30 minutes na kaming nagbabiyahe pero lalo atang lumalakas. Nung dumaan kami kanina sa may bandang España, nagsisimula ng bumaha. Siguro ngayon sa lakas ng ulan, possibleng malalim na nga ang tubig.

“Nakalagpas na kami sa España Ma. Hindi naman siguro kami masastranded.” Pero come to think of it. Ang saya siguro ma stranded kasama si Alexis ano? Tapos makakatulog ako sa kotse niya at dahil malamig dahil sa ulan, yayakapin niya ako tapos sasandal ako sa dibdib niya. Waaahhh! Iniisip ko pa lang yuun, kinikilig na ako. Ang sarap sarap siguro ng ganun.

“Mabuti naman anak? Nakataxi ka ba?” Tanong pa ni Mama.

“Hindi Ma, nakisabay ako sa sasakyan ng kakilala ko. Malapit na po kami.” 

“O sige anak. Mabuti naman kung ganun. Ipapasundo ka na lang sana namin kung nastranded ka. Mag ingat kayo.” Sabi pa ni Mama bago ibinaba ang cellphone. Itinuro ko naman kay Alexis ang daan papunta sa bahay namin. Mabilis lang ang naging byahe namin kasi kakaunti na lang ang sasakyan kasi yung iba ata hindi na nakadaan dahil sa baha.

Pagkadating namin sa bahay, binuksan agad ng katulong namin ang gate at pinapasok ang sasakyan ni Alexis sa garage. Wala pa ang kotse ni Kuya. Baka na stranded din yun. Na stranded sa bahay ng girlfriend niya.

Pagkadating namin, binigyan kami agad ng mainit na soup pero ako, umakyat para magbihis. Habang nagbibihis ako, kumatok si Mama sa kwarto ko at pumasok.

“Anak, akala ko lalaki ang naghatid sa’yo.” Napatingin ako kay Mama habang nagsusuot ng shirt.

“Akala namin ng Papa mo may manliligaw ka na o boyfriend, yun pala, binabae din ang kaibigan mo. Baka kaya wala kang boyfriend dahil inaagaw niyang kaibigan mong bakla?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mama. What made her think na bading si Alexis? Ganyan ba talaga siya ka obvious?

“Mama! Grabe ka naman kung makapagsalita” I didn’t attempt to correct her. Maya maya pag sinabi kong bf ko si Alexis, kung ano ano pa ang sasabihin. Lalo na at bading ang first impression niya kay Alexis.

“O siya, siya! Mukhang mabait naman siya. Sinabihan na siya ng Papa mo na dito matulog kasi sa Makati pa pala ang uwi ng batang yan. Di na yan makakauwi dahil sobrang baha na. Baka mapaano pa sa daan. Dito na lang siya matutulog at hindi pwede sa kwarto ng kuya mo. Baka magwala yun pag umuwi at may bading na natulog sa kama niya.” Sabi pa ni Mama tsaka tumayo at lumabas ng kwarto ko.

Pagkalabas niya, tsaka pa lang rumehistro sa akin ang sinabi niya. Dito nila patutulugin si Alexis sa kwarto ko? Alam ba nila ang pinagsasabi nila? At dahil sa realisasyon na yun agad akong lumabas ng kwarto ko at pumunta sa dining room. Nakita ko si Alexis na kumakain ng soup na inihain sa kanya. Mag isa na lang siya sa dining room.

“Sila Mama?” Agad kong tanong sabay upo sa chair sa tapat niya.

The Gay Who Stabbed MeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu