Chapter 14 (1/1/2015)

530K 12.3K 2.1K
                                    

Chapter 14

“Hoy! Amanda! Bakit ka nagpapakadalubhasa dyan?” Narinig ko ang boses ni Missy. Hindi ko siya tiningnan. Busy ako sa pag aaral. 

“Hello din sa’yo friend. Hindi kasi ako nakapag aral kagabi.” Sabi ko tapos napatingin ako bigla sa kanya and I saw Missy and Alexis. Nauna lang si Missy kaya nakita niya ang ginagawa ko. Nakasunod naman si Alexis sa kanya. Kakatapos lang ata ng exam nila at ngayon maglalunch na.

“At bakit?” Nakataas ang kilay na sabi ni Missy sabay upo sa harap ko para mainterrogate ako lalo. Tumabi naman si Alexis sa akin . If I know, sinadya talaga niya yun para makatabi ako. Yiiee! Kinikilig naman ako.

“May ginawa kasi ako.” At hindi ko na sinabi na magdamag akong nakipag usap sa phone kay Alexis. Pero hindi ko din nagawang tumingin kay Alexis kasi ilang beses niya akong tinanong kagabi kung may exam ba ako bukas. Ang sabi ko nakapag aral na ako, pero ngayon marinig rinig niya sa akin na hindi ako nakapag aral. Naiimagine ko na ang klase ng tingin na binibigay niya sa akin.

“At obviously hindi ka pa din naglalunch. 1PM na kaya Amanda.” Napatingin din ako bigla sa relo ko.

“1PM na? Uu nga!” Bulalas ko pa. Ibig sabihin dalawang oras na akong nag aaral dito sa cafeteria pero hindi pa din ako tapos. Punuan kasi kanina sa library at wala akong maupuan kaya dito ako sa cafeteria nag aral.

  “Ako na ang bibili ng pagkain.” Narinig ko ang boses ni Alexis.

“Manlilibre ka ba?” Walang hiyang tanong naman ni Missy.

“Sige. Tsaka ibibili ko na rin naman ng pagkain sina Barbie. Maya maya lang andito na sila.” Napatingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sa akin kundi kay Missy. Pero hindi nagtagal, sumulyap siya sa akin and indeed, he throw a dagger glance at me. Umiwas ako agad ng tingin. Tae! Ba't ba natatakot ako sa bakla na to? 

“Oi libre! Manlilibre si Lexie! ” Tili ni Missy at sinabi ang gusto niyang kainin. Hindi man lang nahiya. Tinanong din ni Alexis ang gusto ko at sinabi ko naman tapos umalis na siya para bumili ng food. Maya maya dumating sina Barbie at Chelsea tapos kumain na kami nung dumating ang food.

“Ano ba yang pinag aaralan mo?” Silip ni Chelsea sa libro na binabasa ko habang sumusubo ng garlic bread.

“Calculus.” At hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maintindihan ang subject na yan. I took it last sem pero dahil hindi ko magets, bagsak ako. Ngayon, medyo okay ang grades ko nung prelim at midterm pero kapag bumagsak ako sa final exam tiyak na bagsak na naman ako sa Calculus. Arrgghh!

“Anong oras ang exam mo dyan?” Natigil ang pagsubo ko ng walang katapusang garlic bread. Kanina ko pa ubos ang spaghetti na dalawang servings ata sa dami. Tinira ko ang garlic bread kasi favorite ko yun. Pero mukhang walang kaubusan ang garlic bread ko kasi yung garlic bread ni Alexis inilalagay niya sa plate kokasi ayaw niya daw ng bread. Sus! Maniwala ako sa kanya. Pero hindi na ako nagreklamo, baka bawiin pa.

“Mayang 3 pa naman.” Mahinang sabi ko. I am still anticipating the wrath of Alexis. At hindi ko alam kung kelan darating yun.

“Turuan na lang kita kung nahihirapan ka dyan.” Sabi niya. Napalunok ako. Then I smiled awkwardly at him. Hindi ko siya tinitingnan sa mata. Ayoko nga!

“Ahhh..hihi wag na. Salamat na lang. Carry ko na to.” At nenenerbiyos na ako.

“Paturo ka na Mandy. Magaling yan.” Sulsol ni Chelsea na sinang ayunan ni Barbie. Malamang magaling siya sa Math. Engineering ang course niya eh. At saka, saan ba siya hindi magaling? Wala akong maisip.

Pero kasi, alam ko na gusto lang niya akong masolo para mapagalitan niya ako. At ewan ko ba kung bakit sa tigas ng ulo ko, kay Alexis pa ako natatakot lalo na at ganyan ang tingin niya sa akin.

The Gay Who Stabbed MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora