Kabanata VI

180 6 0
                                    

Kabanata VI
Ang Pagbabalik

Celestia P.O.V.

'Ina… nasaan ka na ba? Please bumalik ka na'

Nang marinig ko ang boses ng aking anak ay nag mukat ang aking mga mata.

"Mabuti gising ka na Celestia" bungad sa akin ni Ado Emre tinulungan nya akong umupo nandito ako sa hardin ng Devas nakahimlay kasama ni Amihan.

"Ilang araw na ako nandito?" Tanong ko umupo sya sa aking tabi.

"Labing anim na taon ka na nakahimlay dito kasama si Amihan" kumunot noo naman ako hindi ako makapaniwala antagal na pala kami dito. Tumayo ako at pinuntahan si Amihan na ngayon ay mahimbing na natutulog.

"Aking apwe… gumising ka na… kailangan na tayo mag balik sa Encantadia" hinagkan ko ang kanyang noo maya maya ay dumilat na sya inalalayan ko syang umupo.

"Halika na…" tumango naman sya.

'Hintayin mo ako anak… parating na kami'

Arra P.O.V.

"Oo… oo anak… totoo ang pag ibig"

Nagulat ako ng may mag salita sa likod ko uting unti ako humarap sa likod maya maya ay tumulo ang luha ko.

"Ina…" dali dali akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Anak…" tumulo din ang luha nya gaya ko di dahil sa lungkot kundi dahil sa saya na nararamdaman namin niyakap nya din ako pabalik.

Kumalas ako sa pag kakayakap namin.

"Akala ko di ka na babalik Ina…" hinaplos nya ang mukha ko.

"Kapag mahal mo babalikan mo… kaya lagi akong babalik sa piling nyo" pinunasan nya ang luha ko at ngumiti ako sa kanya.

"Ina tara na bago mahuli amg lahat"

Caspian P.O.V.

"Oo anak… nandito na nga ako eh"

Natigilan ako sa nang may marinig akong nagsalita sa aking likod kaya humarap ako.

"Mama…" tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap sya.

"Anak…" niyakap nya ako pabalik.

Kumalas ako sa pag kakayakap at hinawakan si Mama hinila ko sya.

"Halika na Mama bago mahuli ang lahat"

Nykairel P.O.V.

Kanina ko pa hinahanap si Snow girl ngunit hindi ko sya nakita miss ko na sya ngunit hindi kami pwede dahil meron ng kami ni Tianna matagal ng kami napilitan ako dahil gusto ito ni Mama.

"Nakita nyo ba sila Caspian at Arrayah?" Tanong ni Ades umiling kaming lahat. "Nasaan kaya ang diwani at rehav?"

"Ano ang meron?" Tanong ni Rama Ybarro.

"Hindi ko makita sila Diwani Arrayah at Rehav Caspian" sagot ni Ades.

Echan AcademiaOnde histórias criam vida. Descubra agora