Chapter 27

10 1 0
                                    

LUMIPAS ang mga araw na ganito pa din ang estado ko sa buhay, paulit-ulit na gawain na minsan ay nakakainip na. Pero ang pag sasanay ko sa espadahan ay palagi ko pa din ginagawa kapag may libreng oras na meron ako.

At hindi ko na namamalayan na sa bawat pag sasanay na aking ginagawa ay mas nagiging mahusay na ako. At alam kong napapansin na rin ito ng heneral.

"Hindi ko alam na nag sasanay ka pala gumamit ng espada. Anong dahilan at ginagawa mo ito?" tanong nya ng makita nya ako. Itinigil ko muna ang aking ginagawa at saka humarap sa kanya.

"Wala namang dahilan para gawin ko ito heneral, gusto ko lang matutong gumamit nito para sa aking sarili"sagot ko. Tumango-tango sya

"Kung ganoon, yun lang pala ang dahilan mo?"

"Ganoon na nga po heneral..."sagot ko. Tumango sya ulit at saka tumalikod na parang aalis na.

"Maiiwan na kita dito, ipag patuloy mo na ang iyong ginagawa" sabi nya. Tumango ako at saka naman sya umalis hanggang sa makalayo sa akin.

Magagamit ko ito laban sa inyo
Mag antay lang kayo!

Nagpahinga muna ako upang maibalik ang lakas ko, at inilapag sa aking tabi ang espadang kahoy. Kinuha ko naman ang aking tubigan mula sa isang tabi at saka uminom.

Matapos din nun ay tumayo na ako at muling bumalik sa pag sasanay. Gaya ng turo ni Shimaru ay tatamaan ng espada sa ibat ibang parte ng katawan. Ngunit kailangan maging matalino sa kung saan patatamaan, hindi yung basta basta lang.

Lahat ng iyon ay ginawa ko at syempre gumawa na rin ako ng aking sariling estilo, maging ang aking mga kamay ay nasanay sa pag hawak sa espada. Kaya kahit papaano ay hindi na ako nahihirapan pa.

Matapos ng aking pag sasanay ay bumalik na ako sa aking silid upang mag pahinga. Pag karating ko palang ng pinto ay naabutan ko si shin na nakatayo at nag aantay sa aking pag dating.

"Ipag handa mo ang aking liliguan, mag lilinis lang ako ng aking katawan" utos ko. Kaagad syang tumango at saka tumalima paalis.

Pumasok na ako sa aking silid, pag katapos ay kaagad akong pumunta sa may silya at saka naupo upang mag pahinga habang nag aantay. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at bumungad si shin.

"Nakahanda na po ang inyong liliguan Lady Izumi, maaari na po kayong pumaroon" saad. Tumango lang ako sa kanya at saka tumayo upang lumabas na ng pinto.

Pag karating ko sa paliguan, ay hinubad ko ang aking mga suot at isinabit sa isang tabi pag katapos ay lumublob na ako.

Napangiti ako ng maramdaman ko ang init ng tubig sa aking katawan ng lumublob ako at naramdaman ko din ang ginhawa na dulot nito.

Habang nakalublob ay kinukuskusan ko ang aking katawan gamit ang tela. Sa may leeg, dibdib, mga braso at bawat sulok ng aking katawan.

Pag katapos kong mag babad ay nag pasya na akong mag banlaw ng aking katawan upang matapos na ako. Binanlawan ko ng maigi ang aking katawan, matapos nun ay kinuha ko ang tuwalya at pinunas sa buo kong katawan.

Pag katapos ng pag pupunas sa aking katawan ay kinuha ko ang roba na nakasabit sa tabi ng pinaghubaran kong damit at saka iyon sinuot. Pag katapos ay bumalik na ako sa aking silid.

Pag karating ko sa aking silid ay napatingin ako sa lamesa dahil may nakahaing pag kain ay agad akong nag tungo sa aking tukador at binuksan iyon upang kumuha ng aking maisusuot.

At ng ako ay nakakuha na ay hinubad ko ang robang suot ko at saka inilagay sa may silya. Pag katapos ay isinuot ko ang napili kong damit.

Nag tungo ako sa aking lamesa at saka umupo sa may harap ng salamin at kinuha ang suklay. Pag katapos ay sinuklay ko ng maigi ang aking buhok.

Ng matapos ako sa aking pag susuklay ay tumayo na ako upang kainin ang pag kaing nakahain sa may mesa. Umupo na ako sa may silya at ang simula na akong kumain.

Matapos kong kumain ay muli akong tumayo at nag tungo sa may bintana upang mag pahangin at syempre para bumaba na rin ang aking kinain.

Ano kaya pwede kong  gawin? Masyadong nakakainip!

Bumuntong hininga na lang ako at tumingin sa kalangitan. Masyadong maaliwalas ang kalangitan at pati ang init ng araw ay aking nararamdaman sa aking mukha dahil medyo tumatama ito.

Ngunit bigla akong napalingon ng biglang mag bukas ang pinto at bumulaga si shin. Kaagad syang pumasok sa loob at nag tungo sa lamesa upang ligpitin ang aking pinag kainan. Humarap ako sa kanya habang nag liligpit sya.

"Si Heneral...nasaan sya?"tanong ko. Tumigil muna sya sa kanyang ginagawa at saka humarap sa akin.

" Nasa silid po ng mahal na Emperador. May pag uusapan po ata sila" sagot nya.

"Ganun ba..."

"Opo, Lady Izumi"sagot nya. Tumango na lang ako sa kanya at saka naman nya pinag patuloy ang kanyang ginagawa.

Nang matapos ay humarap sya sa akin at saka yumuko, matapos nun ay lumabas na sya ng aking silid.

Ng makalabas sya ay tumungo ako sa aking higaan at saka muna umupo sandali. At dahil medyo nararamdaman ko pa rin ang pagod ay napag pasyahan ko munang matulog upang bumalik ang aking lakas kahit na maliwanag pa.

Humiga na ako sa aking higaan at maya-maya lang ay humikab na ako tanda na inaantok na ako. At hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Ipag papatuloy...

Shinamin Empire: My last vegeance (ONGOING)Where stories live. Discover now