Chapter 1

1.2K 60 2
                                    

Keiko's POV

Good day everyone! My name is Keiko Miller. Kasalukuyan akong nasa harap ng mag-asawang Carson. Hindi ko nga alam kung ba't nila ako pinatawag, habang nagkaklase kasi kami ay may kumatok sa pinto at sinabing may naghahanap daw sa akin at pinapunta ako sa principal's office.

Sila rin pala ang may-ari ng paaralang pinapasukan ko ngayon. Mr. Armani Carson the principal and the owner of the Elite University. Maraming mga estudyante ang sa iba't ibang lugar ang gustong makapasok dito. Lahat ng pumapasok sa paaralang ito ay halos mayayaman swerte kaming mga scholar at nakapasa kami sa exam.

Pero puro mayayabang at brat ang mga estudyante dito. Dahil nga lumaki silang mayaman ay winawaldas lang nila ang pera ng mga magulang nila sa pag-iinom, party, at kung ano-ano pa. Marami ring mga scholars ang nabubully pasalamat nga ako dahil hindi ako kasali sa mga scholar na yon. Isa sa mga kilalang bully ay ang anak ni Mr. Carson na si Oliver Carson. Walang nagsusumbong sakanya dahil takot sila rito. Dahil na rin kilala ang pamilyang Carson bilang isa sa mga mayayamang pamilya sa bansa, kaya walang gustong lumaban sa mga ito. Ngunit mabait naman sina Mr. and Mrs. Carson yong anak lang talaga nila ang hindi. Bali-balita rin na isa raw na homophobe ang anak nila. Ayaw daw nito sa mga bakla dahil nakakadiri at salot daw sa lipunan ang mga ito.

Mabuti nga at hindi niya ako napapansin kahit na bakla ako. Siguro ay dahil di ako naglalagay ng kolorete sa muka at nagsusuot ng damit pangbabae.

Dahil nasa harap nga ako nina Mr and Mrs Carson ay tinanong ko na sila.

"Ahm, b-bakit nyo po ako pinatawag? May nagawa po ba akong kasalanan?" nakatungong sabi ko

"Ah no iho, may gusto lang kaming sabihin sayo" nakangiting sabi ni Mrs. Carson.

"A-ano po yon?" utal na sabi ko

"So i heard from my husband that you're the most intellegent student here. And my son has a problem with his subjects I would like you to be my son's tutor.Kung tatanggapin mo ang offer namin ay sisweldohan ka rin namin every month. Tsaka kung gusto mo lang naman, kailangan namin ng magbabantay sa anak namin kailangan niya magkaroon ng PA dahil napapadalas ang paglalakwatsa niya at dahil doon ay nagkakaroon siya ng mga failing grades. We will not force you if you don't want" mahabang sabi ni Mrs. Elaiza Carson asawa ni Mr. Carson.

Saglit naman akong natigilan sa sinabi ni Mrs. Carson. Ano raw maging tutor at PA ng anak niyang ayaw sa mga kagaya ko?

"P-po pero diba po ayaw ng anak ninyo sa mga bakla? Tingnan niyo po ako, isa po akong bakla at galit po ang anak ninyo sa mga kagaya ko? Baka hindi ito makinig sa akin" sabi ko habang kinakabahan

"Hindi naman siguro ganon kasama ang anak ko, tsaka mabait ka naman Mr. Miller siguradong magkakasundo rin kayo ni Oliver, so ano papayag ka ba sa offer namin?" nakangiting sabi ni Mr. Carson.

"Uhm, Mr. Carson pwede po bang pag-isipan ko muna ito? Bukas po ay sasabihin ko agad sa inyo ang desisyon ko" nahihiyang sabi ko

"Okay Mr. Miller, we understand. You can go back to your class now" mahinahon na sabi ni Mr. Carson

Nag bow ako sa kanilang dalawa at lumabas na ng opisina. Paano ba ito? Anong gagawin ko tatanggapin ko ba ang offer o hindi?

***
-theredcat

The Homophobe (ON-HOLD)Where stories live. Discover now