Chapter 7

710 58 28
                                    

Keiko's POV

Nandito na kami ngayon ni Danna sa bilihan ng damit unisex daw yong mga damit dito pwede sa lalake at babae. Mabuti na lang at hindi ganun kamahal ang mga panindang damit dito.

"Ito Kei oh bagay sayo, at ito, ito pa, at ito, ah wait ito rin" at kuha lang siya ng kuha na kala mo ay siya ang magsusuot.

"S-saglit lang...D-danna" sabi ko at hinawakan siya sa braso

"Bakit Kei marami pang maganda doon oh" sabi niya at nagpumiglas sa pagkahawak ko binitiwan ko siya pero nagsalita agad ako

"Ano ka ba hindi naman ako gumagala tsaka baka sa bahay lang ako palagi ni sir Oliver kaya konting damit lang yong bilhin natin, tsaka baka kulang na yong pera na binigay sa akin" sabi ko

"Okay lang yan, anong hindi gagala, pano kapag yayayain kita ano yon hindi mo ako sasamahan?" sabi niya at nagtuloy pa rin kakakuha nang damit. Napabuntonghininga na lang ako at sumunod na lang sa kanya.

ANDITO kami ngayon sa bilihan cellphone at si Danna na rin pala ang nagbayad ng mga damit na pinili rin niya.

"Ito na lang Kei oh" napatingin ako kay Danna at touch screen ang hawak niya

"H-ha Danna alam mo namang hindi ako marunong gumamit niyan eh" at nagkamot ulo

"Tuturuan naman kita eh halika bayaran na natin" sabi niya at nagtungo sa cashier

"Sandali, sandali ako na ang magbabayad ikaw na ang nagbayad sa mga damit ko kanina hintayin mo na lang ako doon sa labas" sabi ko

"Wokeyyy" sabi Danna. Lumapit na ako sa cashier at nagbayad.

Lumapit na ako kay Danna nang makalabas ako. Naka-upo siya sa may bench na nasa gilid lang

"Oh Kei ano ba yan hindi ka manlang nagsasalita, halika buksan natin yong phone mo" sabi niya at hinablot sa akin ang paper bag umupo naman ako sa tabi niya at nakinig sa mga sinasabi niya

Ilang minuto pa ang lumipas at tinignan ko ang oras. Napatayo naman ako dahil alas nuebe na pala ng gabi patay magluluto pa pala ako.

"Bakit Kei?" si Danna na napatayo rin

"Late na kasi eh magluluto pa ako" sabi ko habang nililigpit ang gamit ko

"Hala oo nga ihahatid na kita" sabi ni Danna na nag- aayos din

"Hindi 'wag na text na lang kita pagdating ko bye bye" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi

Tumakbo na ako palabas at buti na lang maraming mga taxi ngayon at mabilis akong nakasakay. Sinabi ko kay manong driver ang pangalan ng condo na tinitirhan ni sir pagkasakay ko

Hindi ko maiwasang hindi kabahan baka pagdating ko magalit si sir. Hays patay talaga ako neto. Tsaka wala pa pala akong number ni sir kaya hindi ko siya naitext.

Maya-maya pa ay nakarating na sa ako sa condo nagbayad na ako at mabilis na binuksan ang pinto ng taxi pagkabukas na pagkabukas ay tumakbo agad ako papunta sa elevator ang dami ko pang dala na paper bags

Napasandal na lang ako sa pader ng elevator pagkapasok ko. Pagkabukas ng elevator ay lakad takbo ang ginawa ko. Pagkatapat ko sa pinto ay huminto muna ako saglit at huminga ng malalim bago kumatok.

Huh?

Hinawakan ko ang doorknob at inikot hindi nakalock? Tulog na ba si sir bakit walang ka ilaw-ilaw dito. Sinarado ko muna ang pinto at tumalikod para hanapin yong switch ng ilaw.

"Wait san na ba yon ang alam ko dito lang yo- ayon!" kausap ko sa sarili ko at napasigaw ako ng makapa ko yong switch ng ilaw

Pagtalikod ko ay bigla akong napasandal sa pinto dahil nasa tapat ko lang si sir Oliver. Patay akala ko ko tulog na siya eh

The Homophobe (ON-HOLD)Where stories live. Discover now