Ikatlo

344 22 11
                                    

Madidinig ang pagaspas ng alon sa dalampasigan at maamoy rin ang natural na tubig alat sa aking kinauupuan.

I am here at Emily's beach house. Tatlong araw na rin akong naririto at nasubukan ko na rin ang mga sports at activities na maaaring gawin.

Nung unang araw ko rito ay buong araw lang akong nanatili sa pampang, pinapanood ang paghampas ng mga alon hanggang sa magdilim.

Nung sumunod ay hinayaan ko ang sarili ko na libutin ang isla at subukan lahat ng water activities na narito. Wala ring masyadong mga tao rito pero hindi maiiwasang may iilang turista na hindi pa tapos sa bakasyon o nagpapalipas pa ng oras o araw rito.

It was so relaxing. Tanging huni lang ng mga ibon at pagaspas ng alon ang madidinig. Amoy na amoy rin ang maalat at natural na simoy ng karagatan mula sa aking pwesto.

I am bewildered with the thought that I had this enough courage to just escape and rule my own world for a mean time. I smiled sadly with that thought. Gustuhin ko man na tumakas na lang at huwag na magpakita pero alam kong hindi pwede ang gusto kong mangyari.

Inaabala ko ang aking sarili sa mga aktibidad para mawala sa utak ko ang iniwan ko sa Maynila. Kung pagtakas man ito ay siguro mas maganda kung maging masaya na ako at malaya. Hindi ko hinayaan ang sarili kong isipin ang asawa ko na posibleng pinapagalaw na ang lahat ng koneksyon niya para mahanap ako. O baka naman hindi. Well, maybe he was shocked to not saw me first thing in the morning but he will not do anything to find me. I am sure that there's a bigger possibility that he is with another woman now.

Habang nakadapa sa aking nilatag na tuwalya ay tinatanawan ang kulay asul na karagatan na ngayon ay naghahalo na ang kulay sa madila-dilaw na araw. Senyales na anumang oras ay maaari na itong lumubog.

In my peripheral view, I also saw some people who were busy walking back to their villa. Ngunit ako, ay nanatiling nakadapa sa dalampasigan.Mimistula itong paraiso para sa akin.

"Are you alone?" Mabilis akong napaupo at pasimpleng inayos ang aking pwesto nang may madinig na tinig ng lalaki.

I just smiled akwardly at the guy. I think he has a foreign blood based on how he looks. Tan skin that compliments his dark blue eyes. Plus his thin lips and long eyelashes. Nadedepina rin ang kanyang panga dahil sa may kahabaan niyang leeg.

"Yeah. For vacation..." I beamed. "I guess. " Mabilis akong tumayo sa tuwalya na nakalatag at tiniklop rin ito ng maayos.

Ayaw ko ng mas humaba ang usapan namin dahil alam ko na rin kung saan ito patungo at hangga't maaga ay gusto kong maramdaman niya na 'di ako interesado sa kahit ano.

Napansin ko ang pagtataka sa kanyang mukha. Kahit palubog na ang araw ay nakita ko pa rin ang pagsasalubong ng makapal niyang mga kilay. "Are you in a hurry? "

Hangga't maaari kasi ay hindi ako nakikipag-usap sa ibang lalaki. That's his rule. When I am alone in a place, you can never interact with boys. Naparamdam niya na sa akin yung kaya niyang gawin sa oras na sumuway ako kaya hindi ko na rin ginustong ulitin pa.

"Yeah." I swallowed hard and waved at him. "I forgot that I have errands to do." I run as fast as I could.

"Okay, nice chatting with you. See you, again!" I heard him shouted but I just rolled my eyes in irritation.

See you, again! My ass!

Naging mabilis ang aking pagkilos, sinara ko agad ang pintuan ng aking tinutuluyan at saka sumandal doon habang binabawi ang aking hininga.

I composed myself and walked towards the kitchen to find something to eat.

Nakakita ako ng cup noodles sa cupboard kaya mabilis ko itong kinuha at binuksan. Nagpainit na rin ako ng konting tubig para ilagay roon.

Dela Cuesta Series 1: Nefarious Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now