Chapter 35

309 10 0
                                    


Loraine's POV

Pagkatapos kong malaman na ang emergency pala na pinuntahan ni marcus ay si lovely,Hindi ako mapakali,Alam kong may pananagutan siya sa bata pero iba ang pakiramdam ko

Nagtungo ako sa Play room ni sean,Kailangan kong madistract sa nararamdaman ko,May tiwala ako kay Marcus alam kong hindi na niya uulitin ang pagkakamali niya

Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko sila na naglalaro,Malapit ang loob ni ezekiel kay sean

"Hello pwedeng makipaglaro?"tawag ko sa atensyon nilang dalawa

"Mwommy,Ofcourse po you can play with us"magiliw na sabi ni sean

Naupo naman ako sa tabi nila,napatingin naman ako kay ezekiel na nakatitig sa akin

"Oh bakit?"tanong ko sa kanya

"Nothing you look pale"sabi ni ezekiel

"Nahihilo lang"sabi ko sa kanya

"Mwommy hihilo ka?"inosenteng tanong ni sean

"Yes baby eh"sabi ko sa kanya

Binitawan naman niya ang hawak niyang robot,Tumayo siya pagkatapos ay lumapit sa akin

Dinampihan niya ng halik ang noo ko

"Yan mwommy,Magaling kana"sabi ni sean

Napangiti nalang ako sa ginawa ni sean,Niyakap ko naman siya

"Thank you baby,Magaling na si mommy"sabi ko sa kanya sabay ngiti

"Awww,Gusto ko nang mag ka baby"sabi ni ezekiel

Napatingin naman ako kay ezekiel

"Then gumawa ka ng baby"sabi ko sabay tawa

"Hey dont laugh,I dont have ang girlfriend"sabi niya

"Huh?,Weh ikaw?,Walang girlfriend?"sabi ko sa kanya

"Wala nga"sabi,niya ng may pagkairita

"Hey use po or opo.May bata oh"sabi ko sa kanya

"Opo ate wala po akong girlfriend okay na po?"tanong niya

Natawa nalang ako

"Kawawa ka naman"sabi ko sabay gulo ng buhok niya

Nagiwas nalang siya ng tingin sa akin

"Hayaan mo mahahanap mo din yung para sayo,Baka nga mas cute pa maging baby mo,at pag nangyari yon si sean naman ang makikipaglaro sa baby mo diba?"sabi ko sa kanya

"Sana nga"sabi niya

Lumipas ang ilang oras maghahapunan na nagpaalam ako sa dalawa para makapagluto ng hapunan

Masaya ako na nagkaroon kami ng bonding kahit papaano ay nalimutan ko ang mga problema ko

Sinimulan ko ng magluto ng hapunan,kasalukuyang kong tinitikaman ang niluto ko ng biglang may yumakap sa bewang ko

"Hi mahal,Ang bango naman ng niluluto mo"bulong niya sa tenga ko

Binaba ko naman ang hawak ko,Humarap ako sa kanya

"Favorite mo niluto ko eh"sabi ko sa kanya sabay ngiti

Pinatong niya ang ulo niya sa leeg ko,Pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit

"Kamusta?"tanong ko sa kanya

"Im sorry mahal"sabi niya

"Ok lang yon marcus,may tiwala ako sayo"sabi ko sa kanya

"Nahihilo siya,She passed out"sabi niya

Nanatili akong nakikinig sa sinasabi niya

"Muntik na akong hindi makauwi kanina,Pero nagpumilit ako"sabi niya

Napabuntong hininga nalang ako sa narinig ko

"Mabuti nakauwi ka"sabi ko sa kanya

"Mahal naman,Yung bata lang obligasyon ko,hindi kasama
dun si lovely"sabi niya

"Alam ko mahal"sabi ko sa kanya

Hindi na ako magrereklamo hahayaan ko nalang si Marcus sa mga gagawin niya,dahil may tiwala ako sa kanya

.......

Nandito kami ngayon sa kwarto namin nagpapahinga na kami ni marcus masyado siyang tahimik kaya naisipan kong kausapin siya

"Mahal,Ok ka lang ba?"tanong ko sa kanya

"Sa totoo lang ayaw ko ng ganitong setup,Gusto ko palagi ko kayong kasama,Gusto kitang makasama,Gusto kong nakikita-kita palagi,Ayaw kong nakakasama si Lovely."sabi ni Marcus

Napangiti naman ako sa sinabi niya

"Mahal basta gawin mo lang ang alam mong tama"sabi ko sa kanya

"Thankyou loraine"sabi niya sa akin

"Mahal kita eh,Hindi ako mapapagod na intindihin ka"sabi ko sa kanya

Patuloy lang ang paguusap namin hanggang sa makatulog kami..

........

Marcus POV

Nagising ako dahil sa ring ng cellphone ko,Si lovely ang tumatawag

"Marcus please come here,Dinudugo ako"sabi ni lovely

Nang masabi niya yon ay binaba na niya agad ang tawag,Ginising ko si Loraine para makapag paalam

"Mahal Im sorry,I need to go,Dinudugo si Lovely"sabi ko sa kanya

"Ok mahal you can go"sabi niya sa akin

Hinalikan ko siya labi,naligo ako ng mabilis pagkatapos at nagpalit na ako,Ilang minuto lang ay narating ko na ang condo ni Lovely

Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko siya na nakahiga at walang malay

Binuhat ko na siya papuntang kotse,binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse hanggang sa makarating kami sa pinakamalapit na hospital

Hindi na ako pinapasok ng doktor sa emergency room,Napaupo nalang ako sa waiting area

Hindi ko na alam ang gagawin ko gulong gulo na ako

The Second Choice✔ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon