Nandito ako ngayon sa harap ng Condo Unit ni Trishia. Hindi ako dumiretso sa bahay ng parents ko dahil baka natutulog na sila.
Nagdoor bell na ako at ilang saglit ay bumukas ang pinto at bumungad ang gulat na si Trishia.
Sinunggaban ko na siya agad ng yakap at napaiyak na naman ako.
"Zane."
"T-Trishia." Umiiyak kong banggit sa pangalan niya.
"Hey, what's wrong? Gabi na. Bakit nandito ka?" Nag-alala niyang tanong.
"Umalis ako sa bahay. Pinirmahan ko na ang divorce." Humihikbi kong sabi.
"Shhh. Tahan na." Niyakap niya ako pabalik at inaalo ako.
"Halika pumasok ka muna." Pinapasok niya ako at inalalayan paupo sa couch.
Umupo siya at humarap sa'kin. Umiiyak pa rin ako.
"Tahan na. Baka mapano pa yang baby mo." Sabi ni Trishia.
Tumayo muna siya at pumunta sa kusina. Pagbalik niya, may dala na siyang isang baso ng tubig at binigay sa'kin. Tinanggap ko naman ito at ininom.
"P-Pwede bang dito muna ako?"
"Okay, no problem. Doon ka na sa kwarto ko. Matulog ka na dahil gabi na." Aniya.
"Salamat, Trishia."
"Walang anuman. Basta pag kailangan mo ng karamay, nandito lang ako. Dadamayan kita sa lahat ng problema mo dahil kaibigan kita." Nakangiti niyang sabi. Pinahiran ko ang mga luha ko at ngumiti pabalik sa kanya.
"Magpahinga ka na, okay?" Tumango lang ako sa sinabi niya.
Tumayo na ako at pumunta sa kwarto niya para magpahinga.
Nagising ako dahil tumunog ang alarm sa cellphone ko. Na set ko pala ang alarm ko. Bumangon na ako nang may makita akong note.
Kinuha ko ito at binasa.
'Pasensya ka na beshy kung pag gising mo wala na ako. May kailangan pa kasi akong puntahan. Hindi na kita ginising kasi alam kong pagod ka... May niluto na pala ako para sayo. Enjoy your meal.
-Beshy
Ngumiti ako. Umalis na ako sa kama at inayos ang sarili ko bago lumabas ng kwarto ni Trishia.
Dumiretso ako sa dining area niya at nakita kong may pagkain na doon. Umupo na ako at kumain dahil medyo gutom na ako dahil hindi ako nakakain ng dinner kagabi.
Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Pagkatapos, lumabas na ako sa unit ni Trishia. Inilock ko iyon.
Kailangan ko ng umuwi.
Andito na ako ngayon sa tapat ng bahay ng mga magulang ko.
Papasok ba ako o hindi?
Pero nagulat ako nang biglang lumabas si mom at nagulat siya nang makita ako.
"Ashley?" Gulat na sabi niya.
"Mom," niyakap ko agad si mommy kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.
Hindi ko alam kung bakit umiyak na naman ako. Pregnancy hormones, I guess.
"What happened, Sweetie?" Alalang tanong niya habang hinimas ang likod ko.
"M-mom, h-hiwalay na k-kami ni K-Kent." Humihikbi kong sabi.
"What? Why?" Gulat na tanong ni mom.
Pumasok muna kami sa loob ng bahay at nagulat ako nang andun si dad. Nang makita niya ako na dala ko ang mga gamit ko, nagulat siya.
BINABASA MO ANG
Echoes of Secrecy [UNDER REVISION]
RomanceU N D E R R E V I S I O N The book is under revision at the moment. **** "Don't confine yourself to someone who doesn't know your worth." Sometimes, love isn't enough for a person to stay. Kahit gaano mo pa ka mahal ang isang tao kung sobrang saki...