Chapter 52

2.5K 74 0
                                    

Jema's POV

"Ate gising!!!" Pag gising sakin ng kapatid ko

"Ano ba mafe! Ang aga pa masyado" pag reklamo ko

"Ate please, gising! May kailangan kang malaman!!" Pag gising niya sakin at patuloy sa pag yugyog sakin

"Ano ba kase yon?" Tanong ko habang napapa kamot sa ulo at naupo sa kama.

Sobrang aga pa, around 5:00am palang siguro. Madilim pa eh

"Basahin mo to bilis!!" Pag utos niya habang ina abot ang phone niya

"Ano ba kase yan?" Tanong ko ulit

"Ate bilis na, wag kanang mag inarte! Basahin mo na bilis!" Utos niya ulit.

Kaya hindi na ako nag reklamo, kinuha ko nalang ang phone niya at binasa ang message ni jhoanna

WHAT NI JHOANNA?

Teka nga, pano nilang nalaman andito ako tsk.

"What the!!!!" Hindi ko alam anong mararamdaman ko sa nabasa ko!

Totoo ba to? O prank lang para bumalik ako?

Hindi ko namalayan na napa iyak na ako, naramdaman ko naman na niyakap ako ng kapatid ko

"Ate! Ano pang hinihintay mo? Lumuwas kana para maabutan mo si ate deanna!!" Sabi niya

Kaya nagmadali akong mag ayos, at nag ayos ng gamit, at dali daling bumaba kasama si mafe

Naabutan naman namin si mama sa may kusina halatang nagulat samin ni mafe

"Oh! Teka, dahan dahan lang anak. Ang aga pa, san yung punta mo anak? Akala ko ba nagpaalam kana na mag liliban ka?" Tanong ni nanay

"Nay! Sobrang nagmamadali na po talaga ako. Si mafe nalang po ang bahalang mag kwento sa inyo! Bye po muna" sabi ko kay nanay at hinalikan siya sa pisnge at lumabas

"Oy teka!! Hindi ka ba kakain muna? Nagmamadali kana ba talaga?" Tanong ulit ni nanay

"Hindi na nay, sa labas nalang po ako kakain salamat po" sagot ko habang nilalagay ang gamit ko sa likod

"Osya mag ingat ka anak ha, dahan dahan sa pag drive! Madilim pa masyado" payo ni nanay

"Opo nay!" Sabi ko at sinimulan nang mag drive

"Im sorry bb! Please wait for me" naiiyak kong sambit

Jusko, anong nangyari sa bb ko. Kasalanan ko talaga to! Kung hindi lang talaga ako nag inarte edi sana walang mangyayaring ganito.

Around 7:30am ako nakarating sa manila.
At tinawagan ko agad si jho

Hindi pa talaga sumasagot huhu

(On the phone)

Jho: Hello bes?

Jema: Jho! Sa wakas sinagot mo rin, asan kayo?

Jho: ako dapat ang nagtatanong niyan gaga ka! Asan ka?

Jema: jusko naman! Ngayon pa ba tayo mag susumbatan, pwede ba jho sabihin mo nalang sakin kung nasan ka, asan si deanna?

Jho: ngayon mo pa hinahanap yung taong wala na! Huli ka na bes.

(Yung kutob ko at luha ko ay hindi ko maligilan)

Jho: hoy! Andyan ka pa ba? Hello! Jema..

Jema: wh-what d-do yo-you mean jho?

Jho: magkita nalang tayo, explain ko sayo lahat! Sa condo mo nalang siguro. Papunta na kame ni bea don!

Jema: Osige! Hintayin ko kayo.

End-

Kulang nalang e lumipad na itong car ko dahil sa pagmamadali ko.

Pagdating sa condo pumasok ako agad sa unit ko, ngunit wala pa sina jho.

Kumuha muna ako ng tubig para ma refresh, hindi ako mapakali talaga!

"Hey! Jema" bati ng taong kaka pasok lang ng unit ko nilingon ko naman ito

"Jho!" Tawag ko kay jho at tumakbo para yakapin siya habang umiiyak

"Tahan na! Wala nang magagawa yang pag iyak mo, upo ka muna. Relax" sambit nito

"Jem, you need to know something so be prepared and relax" sabi naman ni bea

Umupo kame sa may couch at nagsimulang mag tanong si jho

"Ano ba kase talagang nangyari sa inyo ni deanna?"

"Jho! Ganito kase yon. Nung sinundo niya ako sa school ng hapon may napansin na ako sa kanya, parang may pino-problema siya! Sinubukan kong mag tanong kung may problema ba siya, o may gusto ba siyang sabihin sakin, o may kailangan ba akong malaman pero ang sabi niya wala, kahit alam kong meron kaya nagpatuloy ako sa pagtatanong dahil hindi rin ako mapakali syempre, responsibilidad ko siya, at kailangan kong malaman ang nangyayari sa kanya. Alam kong may nililihim siya, nabigla rin ako sa pagka cold niya. Nagawa niya rin akong sigawan!" Pag explain ko habang naiiyak parin

Tumango lang ang dalawa, kaya pinag patuloy ko ang pag kwento

"So nag decide akong umuwi muna para naman mabigyan ko siya ng space, baka kase kailangan niya. I turn off my phone kase alam ko talagang tatawag at tatawag siya at kayo! Jho, gusto ko nang malaman ang tungkol kay deanna! Asan siya please dalhin niyo ako kay deanna jho" pagmamakaawa ko kina jho patuloy parin ang pag iyak ko

"Bes! Wala ka nang magagawa, na aksidente si deanna. Na bunggo niya ang isang truck dahil kaka cellphone, may tinatawagan siya at siguradong ikaw yon. Nung time na kinuha siya ng rescuer sa car niya she's dialling beatrize number kaya si bea ang tinawagan ng mga rescuer at pina alam na na aksidente si deanna, simula nung dinala si deanns sa hospital hindi pa siya nagigising, kaya nakapag decide sina tito dean and tita judin na dalhin nalang si deanna sa states at dun ito ipa gamot, at gusto ni tita na walang sinasayang na oras, dadalhin sana agad si deanna kaso humingi kame ng isa pang araw para hintayin ka, sinubukan na namin e contact ka kaso wala talaga! At biglang pumasok sa isip ko ang kapatid mo baka nga andun ka, hindi talaga ako nagkakamali na andun ka nga sa inyo, kaso nga lang hindi ka pa rin dumating at kailangan na kailangan nang ipa gamot si deanna sa lalong madaling panahon para hindi na lumala, dahil nga hindi pa siya gumigising. Jema! Tahan na" pag paliwanag ni jho sakin.

Halos pa ulit ulit sa isip ko ang salitang na aksidente si deanna.

Lord sana gabayan niyo po yung taong mahal ko, sana okay lang po siya.

"Jho! Im sorry!" Sabi ko nalang

"Dont say sorry jem, wala namang may gustong mangyari yon eh" tumango nalang ako kay bea

"Galit ba sakin ang mga magulang ni deanna?" Tanong ko

"Hindi ko alam bes" sagot ni jho na lalo nagpahina sakin

Pano nalang kung galit ang magulang niya sakin, edi ilalayo na nila sakin si deanna? HUHUHU

sino ba namang magulang ang hindi magagalit, jema naman!!!

"Maybe its a no jema! I know tito, she likes you very much for deanna. And she agreed with our decision to wait for you" sabi naman ni bea

Jusko salamat naman, sana nga talaga hindi sila galit sakin.

"Magpahinga kana muna bes, para makapag isip isip ka nang plano mo mamaya, dito lang kame sasamahan ka muna namin" sabi pa ni jho

"Salamat talaga bes pero sa tingin ko hindi ako makaka tulog neto, knowing na ganito ang sitwasyon. Lalo pa't hindi ko alam kung ano na nangyayari kay deanna" sabi ko

"Wag kang mag alala, sinabi naman ni tito at tita na mag u-update sila about kay deanna!"-jho

"Bea, Jho! Thank you sa inyo!" Sabi ko nalang sa kanila at lalo lang akong napapa iyak.

"Nandito lang naman kame para sa inyo eh, kaya magpahinga kana. Alam kong pagod ka sa byahe at sa kaka isip, rest muna then pag usapan natin ulit mamaya" tumango lang ako kay jho at pumasok na sa kwarto ko

Ipapahinga ko na muna itong nararamdaman ko

----
Another one 💖

All for you 💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon