Chapter 54

2.5K 66 2
                                    

Jema's POV

Nagising ako dahil sa araw na tumama sa mukha ko, urgh! Ansakit ng ulo ko.

"Hangover ba?" Nabigla tuloy ako sa nagsalita

"Ricci?! Pasok ka" sabi ko at inayos ang upo sa bed

"Talagang papasok ako, may dala ako eh HAHA" sabi niya

Ngumiti lang ako ng matipid

"Breakfast in bed madam, and meds. Na rin dahil nalaman kong nag inuman kayo dito kagabi!" Sabay abot sakin ang tray na may mga pagkain

"Nako nag abala ka pa, salamat ah. Hindi mo na dapat to ginagawa!" Sabi ko

"Naku okay lang yon, ano ka ba!" Sabi niya na naka ngiti

"Ikaw talaga, bat ang aga mo ata?" Tanong ko

"Ah-ahh ka-kase ano, ahm. Ihahatid sana kita sa school, okay lang ba?" Tanong niya na halatang nahihiya

"Yan tuloy naabala kita lalo, wala kase akong pasok eh, na istorbo pa ata kita" sabi ko

"No its okay, ahm. Pwede naman kitang ayain mamasyal diba? Ahm you know para maaliw kana man hehe" napa kamot pa siya sa batok.

"Okay lang ako cci, basta andyan kayo!" Naka ngiti kong sabi

"Ayain din sana kitang manood ng sine, kung okay lang?" Tanong niya

"Ahm. Pag isipan ko, pasensya kana ah! Alam mo naman" sabi ko

"Yeah hehe its okay, ahm sigee kain ka! Ubusin mo yan ha! Yung milk ubusin mo rin para mainom mo na ang med. After" sabi niya

"Salamat nga pala ulit cci" sabi ko nalang

Ngumiti lang siya

"Ikaw? Hindi ka ba kakain?" I ask

"Nope, tapos na ako kanina eh" he replied

Ngumiti nalang ako ng matipid at tunango

"Jem--- ayy! Hi, andito ka pala cci, hinahanap pa naman kita don kanina pa. Anyway jema yayain sana kitang mag almusal pero mukhang nag eenjoy kana dyan HAHAHA sige, mauna na muna ako bye!!" At lumabas din agad si jho

Gaga to, parang bula! Lumitaw tapos biglang nawala HAHAHA

"Ahm jema, sana maging maayos ka parin kahit wala si deanna, I mean ahm. Sana pilitin mong maging masaya parin, kase simula nung umalis si deanna, puro lungkot nalang yung nakikita ko sa mata mo, I understand that feeling you have right now. kahit ako kung nasa ganyang sitwasyon man ako syempre malulungkot talaga ako, pero dapat alalahanin ko parin yung sarili ko, kaya ikaw be strong! Libre naman ang maging masaya eh" nakinig lang ako sa mga sinabi niya

"Opo alam ko ricci, hayaan mo mapupunta din dyan. Pero sa ngayon dahil bago palang, you know! fresh pa ang mga nangyari at na mimiss ko lang din si deanna, kaya hindi ko mapigilan ang maging malungkot!" Sagot ko, at tumango lang siya.

"Basta wag mong kalimutan andito lang ako" naka ngiti niyang sabi

"Alam ko HAHA" napa ngiti naman siya

"Ayan! Lalo kang gumaganda sa ngiti mong yan" sabi niya

Hindi ko alam pero uminit yung mukha ko talaga, kinilig ba ako? Syempre hinde, nahiya lang ako sa compliment ni ricci.

"Hakdok ka, maganda ka dyan neknek mo cci, osya labas na tayo!" Sabi ko

Sumunod lang din siya sakin palabas dala ang tray

"Goodmorning! Mareng jema" Bati nila sakin

"Goodmorning too guys, kumain na ba kayo?" Tanong ko

All for you 💕Where stories live. Discover now