Chapter 15

3 2 0
                                    

Nang maalala ko ang lahat ng kwinento ni papa noon ay di ko mapigilang di maiyak at mainis.

Agad akong nahimasmasan ng tawagin ako ni Cathy sa labas ng kwarto.

"Kuya!! Di pa ba tayo aalis?"agad kong tinago ang box ni papa kung saan ko ito nakita.

"Mauna kana sa sasakyan, kunin ko lang yung bag ko sa kwarto."sagot ko nang maka-labas ako ng kwarto nila papa.

"Ano nga pa lang ginagawa mo sa kwarto nila mama, kuya?"tanong nito.

"Ha? May...tumatawag kasi kay mama sa cellphone kaya ako ng sumagot kanina."sagot ko.

"Ganun ba, sige kuya."paalam nito saka bumaba na.

After a while...

"Huy Drake! Kanina ka pa tulala ah?"puna ni Dereck sakin.

"Di kami sanay na tahimik ang pinaka-maingay sa lahat!"dugtong pa niya saka ko inakbayan.

"Oo nga!!"sang-ayon nila Alder.
.
.
.
William's POV

Habang patuloy kami sa pag-uusap ay napansin naming may mga studyante na nagkaka-gulo.

"Tara practice na tayo."aya ko na lang sa kanila.

"Tara."sang-ayon nila.

"Una na kayo, bibili lang ako."paalam ni Sydney.

Di kase kumain ng maayos kanina eh.

"Papasabay ka William?"tanong nito.

Nang-aasar ba to? Oo nga pala, di rin ako nakakain ng maayos.

"Sige."sang-ayon ko.

Habang papunta kami sa gym ay patuloy pa rin ang kaguluhan ng mga studyante.

"Uyy sila Dereck oh!"agad na lumapit samin ang mga ito.

"Dereck??"tawag ng babaeng pamilyar ang boses.

"Tara pre, bili muna tayo."agad akong inakbayan nila Drake para ilayo.

"Kala ko ba pupunta tayong gym?"taka kong tanong.

"Hey!"tawag nitong muli.

Si Althea ba yun?

"Nandito ka lang pala Althea, kanina pa kita hinahanap."agad akong napa-hinto sa lalaking tumawag ng Althea.

"Tara na."dugtong pa nito.

"William!"agad akong natauhan sa pag-tawag sakin ni Sydney.

"Bakit nandito pa kayo? Diba magpa-practice pa kayo?"taka nitong tanong.

"K-kase may dinaanan pa kami kanina."utal na sagot ni Drake.

"A--oo! Papunta na nga kami eh."sang-ayon ni Miguel.

"Ok ka lang?"muli nitong tanong sakin.

Nang matauhan ako ay agad kong hinarap sila Althea.

"It's been a while William."paumpisa nitong sabi.

"Tara."utos ni Dereck saka sila nilagpasan.

"Di pa ko tapos mag-salita."dugtong nito saka ako tinignan.

"Di kami interesado sa mga sasabihin mo."sagot ko saka siya nilagpasan.

Nang lagpasan ko ito ay di ko inaasahang pipigilan ako ni Claude.

"Kinakausap ka bro, wala namang bastusan."dugtong nito saka ko mabilis na tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

"Bastusan? Coming from you?"naka-ngising tanong ko.

Yesterday's SecretWhere stories live. Discover now