Chapter 2

270 34 20
                                    


Justin's Pov




Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko. Sapo sapo ko ang ulo ko ng bumangon ako pero bukod dun ramdam ko din ang sakit ng katawan ko lalo na sa pang-upo ko. Nang maalala ko ang pinagagawa ko kahapon ay tuloyan kong minulat ang mga mata ko. Teka pano ako nakauwi? Hindi ko maalalang umuwi ako ng mag-isa.



Napatingin ako sa bedside table ko at alas dyes na ng umaga, the good thing is saturday ngayon. Tumayo ako at hinanap ko ang cellphone ko pero nagulat ako ng marealize ko na nakahubad ako. Takip takip kasi ng kumot ang katawan ko. Napatayo ako bigla yun nga lang napadaing ako sa naramdamang sakit ng katawan ko lalo na yung pang-upo ko. Mali naman ata ako ng iniisip diba? Pinulot ko ang boxer ko na nagkalat sa sahig at sinuot iyon pagkatapos ay dumeritso ako sa cr. Pagtingin ko sa salamin ay halos manlaki ang mga mata ko sa gulat?



What the f*ck is this? Hawak hawak ko ang leeg ko kasi halatang halata ang mga kiss ma- sh*t kiss marks ba to?. Mas inilapit ko pa ang itsura ko sa salamin para makasigurado.



Sh*t



Sh*t...




San ko nakuha to? Hindi ko matandaan atsaka bakit ang sakit ng pwet ko? Sa sobrang sakit ay nahirapan akong maglakad, paika ika pa nga ako. Did something happened last night? Hindi ko talaga matandaan.



Napasabunot na lang ako sa buhok at wala sa sariling lumabas ng cr at naupo sa kama kahit na hirap na hirap akong maglakad. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero mukhang tama ata ang kutob ko pero ako lang talaga itong ayaw maniwala.



Kinuha ko ang phone ko sa bedside table tatawagan ko sana si Sejun kaso nagtaka ako sa dahil sa nakita sa call logs ko, tinawagan ko ba si Sejun kagabi? Wala akong maalala talaga hangang sa para akong natuod ng may naalala akong lalake kagabi. Sh*t siya ba? Siya ba yung nagdala sa akin dito?. Gulong gulo man ay minabuti ko na lang na tawagan si Sejun, baka kasi may alam yung isang yun?.




Hinihintay kong sagotin ni Sejun ang tawag habang ako naman ay nililibot ng tingin ang buong kwarto ko. Gulong gulo ang kama na para bang dinaanan ng bagyo. Pilit kong iwinaksi ang iniisip ko pero parang may nangyari talaga kagabi. Pinipilit kong alalahanin ang nangyari kagabi pero hindi ko talaga matandaan.



Ilang ring din bago sinagot ni Sejun at hindi pa man siya nagsasalita ay inunahan ko na kaagad ito.



"Sejun, ikaw ba nag-uwi sakin dito sa unit ko?" Iyon kaagad ang bungad na tanong ko sa kaniya



"Ngayon ka lang nagising? Iyan inom ka kasi ng inom alam mo namang hindi ka sanay" naparolyo ako ng mata ko

I Love You 3000Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon