Chapter 3

172 30 5
                                    

Ken's Pov


It's another day, my second day of school. Hanggang ngayon hindi pa rin umuuwi si Mommy dahil nandun pa rin siya sa probinsiya, she's very oblige taking care of my Lolo right now. Si Lolo Felipe. Nandun lang siya sa bahay, may personal nurse naman si Lolo pero gusto pa rin makasigurado ni Mommy na aasikasuhin si Lolo ng maayos.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba agad ako, natawa na lang ako ng sinalubong agad ako ni Yaya Mering sa dulo ng hagdan.


"Oh Yaya Mering bakit ka nandiyan?" Nagtanong pa rin ako kahit alam ko naman ang dahilan

Sinumbong kasi niya ako kay Mommy na hindi ako nagbreakfast kahapon, kainis lang. Kahit dito pala wala pa ring akong kawala.

"Nakahanda na po yung breakfast niyo ser" napatango lang ako at dumeritso sa dining table, nakita ko pang napangiti si Yaya Mering at bumuntong hininga, sign of relief siguro

Hindi pa ako nakakaupo ay bumungad na agad ang amoy ng bagong lutong tocino at hotdog. kumalam bigla yong sikmura ko sa amoy pa lang.

"Nasan yung kape ya?" Tanong ko ng makaupo ako

"Ay naku oo nga pala nakalimutan ko, sandali at ipagtitimpla kita" naparolyo ako ng mga mata ko

"Forget it Ya" at nagsimula akong kumain

"Dun na lang ako ng magkakape sa school, teka bakit hindi mo na lang ako sabayang kumain?"

"Okay lang ser"

"Kung hindi ka kakain hindi na lang ako kakain" sabi ko kaya naman mabilis pa sa alas kwatro nung kumuha siya ng plato sa kusina. Nakaisang subo pa lang siya ng tumayo na ako at napatingin naman agad siya sa akin at napatayo.


"Tapos ka nang kumain ser? Ser teka lang" pero deritso lang ako sa paglalakad

"Ya, tapos na akong kumain tawagin mo na lang si Manong Cedric sabay na kayong kumain" sabi ko at lumbas agad ng pinto

Sumakay agad ako sa sasakyan at mabilis na nagpaharurot. Alas syete pa lang ng umaga pero mamayang alas dyes pa yong klase ko. Mas mabuti na yong mas maaga, the early bird gets the worm nga diba? atsaka para walang traffic, alam niyo naman ang pilipinas atsaka matraffic talaga ang daan papunta sa school namin, asa syudad na kasi pero bukod pa dun hindi ko din alam kung bakit excited akong pumasok ng maaga. Maybe I just missed schooling? but at the back of my head parang hindi naman ata yun ang sagot.


Siguro dahil sa isang tao?

Teka san nanggaling yun? Napailing ako sa biglang naisip. No! Hindi yun ganun, namiss ko lang talaga sigurong pumasok atsaka magkakape pa ako diba? Oo magkakape pa ako tama, yun lang yun.


Dumeritso ako sa Starbucks at gaya ng dati konti lang din yong tao, mabibilang lang sa kamay pero mas okay nga eh kasi ayoko namang masiyadong crowded. It's either yong mga tambay talaga ng Starbucks habang nag-aaral o yung mga magbarkada na trip lang talaga tumambay ang mga nakikita ko sa loob.


Umorder ako ng Hot Venti Coffee, pampagising lang besides meron namang positive effects yong coffee pero dapat moderate lang yong consumption mga 3 to 4 cups pero dahil nga Venti size yong order ko maybe it's equivalent to 3 cups. Nang nakuha ko na ang order ko naghanap agad ako ng mauupuan and I don't know if namamalikmata lang ba ako o ano pero I saw Jah waving at me. Nakaupo siya sa mesa na may two stool seats. Nakangiti pa siya sakin and I was like fixated by a spell and it feels like my body was automatically pulled towards where he seated. Nice Ken, parang may sariling buhay ang katawan mo. Pano ba naman kasi at nakita ko na naman ang maganda niyang ngiti.




I Love You 3000Donde viven las historias. Descúbrelo ahora