Kabanata-Isa

275 40 21
                                    


1. El Ranch |Tanga & Kupal|

"Ise, Naayos mo naba lahat ng gamit mo!?" That's my mom.

"Yes!" Nag aayos ako ng gamit ko, Para sa paglipat namin sa panibago naming bahay. Titira na kami ngayon sa lolo at lola namin na nasa El Ranch, Hindi ko alam kung saang lugar 'yon ang pagkakaalam ko lang isa 'yong bukid, Geez hindi ko naiimagine na titira ako sa ganong lugar. Pero wala akong magagawa nanay ko na ang nag desiyon. Hindi 'ko pwede mangialam 'don, Isa pa kasama sina lolo at lola sa desisyon na 'yon. They want to see us. Gusto nila na 'don na kami manirahan. Gusto ko sanang dito nalang kami dahil may kailangan akong gawin. I want to see him kahit na imposible ang nasa isip ko.

"Cous bat di kapa bumababa? Nasa baba na 'yong sasakyan na maghahatid satin kung hindi pa ako pinaakyat ni tita ewan ko nalang sayo." Napabuntong hininga ako.

Nilingon ko ang pinsan ko na nasa pinto, Nakataas ang kilay nito. Nakasuot siya ng black jeans with white shirt at naka black boots rin sa ibaba. Nakalimutan kong sa El Ranch pala siya lumaki kaya naman ganyan nalang ang ayos niya. Sa itsura niyang 'yan muka siyang mangangabayo. Samantalang ako naman nakasuot ng short pinaresan ko rin ng hanging blouse na damit with sandals.

"Ito na nga baba na oh."

Kinuha ko na ang bag ko, Sinukbit ko 'yon sa balikat ko kakaunti lang ang dinala ko dahil paniguradong may mga damit na ako 'don sina lolo pa?

"Seriously cous? Yan ang suot mo?"

"May problema sa suot ko?" Umikot ang eyeballs niya, Pababa na kami ng hagdanan.

"Duh! Probinsiya kaya pupuntahan natin hindi tayo mag ma-mall."

"Oh tapos?" By the way she's Carolina Castillo.

Napailing nalang siya, Pagkababa namin nakita kong nasa pinto si mom. Mukang ako nalang talaga ang inaantay.

"Paradise! Akala ko ba tapos kana sa pag aayos bat antagal mo bumaba?" Ito na naman tayo sa pangalan ko.

"Mom! I told you don't call me Paradise." Ngumiti ang nanay ko.

"Bakit? Ang ganda kaya ng pangalan mo. Paradise Castillo." Binuo pa talaga.

"Mom, Aradise Flores Castillo stop calling me on my full name." Pagkarinig ni mom ng pangalan niya napasimangot siya. Napailing ako. Katulad ko ayaw niya rin na binabanggit ang buo niyang pangalan dahil panget raw. Ganon rin naman ako kaso ang kulit ng nanay ko.

"Mag dadaldalan nalang ba tayo dito?" Singit ni Carol.

"Ito na nga aalis na tayo, Madam Carol." Ani ng nanay ko.

"Tita!"

"Ewan ko sainyong mga bata kayo, Hindi ko kayo maintindihan." At nauna na siyang pumuntang sasakayan sumunod si Carol. Hindi ko rin maintindihan ang sarili namin.

Sumunod nalang rin ako sakanila, Pagkapasok ko ng sasakyan pinaandar agad 'yon ni kuyang driver. I wonder ano mangyayari sakin sa El Ranch? Sana naman maging maayos tulad ng buhay ko dito sa manila.

Kung napapansin niyo kanina wala akong binabanggit na dad, Dahil ang tatay ko matagal ng namatay. His name is Harry Castillo, Kaya nalang gustong gusto ni mom sa El Ranch dahil naalala niya si dad. Nagkakilala si mom at dad sa Almosta Ranch. Pagkakaalam ko malapit lang 'yon samin nasabi sakin ni mom dati.

Kinalabit ko ang pinsan kong nasa kanan ko, Si mom nasa passenger seat samantalang kaming dalawa nasa back seat.

Tiningnan niya ako ng may pagtataka.

"Sino ang may ari ng Almosta Ranch?" Bigla akong na curious 'don e, Ang alam ko kasi ang El Ranch ay pag mamay ari naming mga Castillo.

"Bat mo naman natanong aber?" Why can't she answer it instead of asking me another question?

Nigher, Zeru (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon