Kabanata-Tatlo

89 34 11
                                    


3. Skies And Rain

Nakasuot ako ngayon ng black shorts with white sando. Naka boots narin ako hanggang tuhod. Habang sa bewang ko naman may nakasabit na jacket na color black. Mag iikot ako ngayon sa El Ranch. Gusto ko kalimutan ang kahihiyan na nangyari kagabi. Bakit kasi hindi ko naisip na isa pala siyang Castro? Ako tuloy napahiya, Nag iingat ako na hindi maging tanga, Na hindi mapahiya pero sa pag iingat ko baliktad lahat ng nangyari.

"Ms, Paradise nakahanda na po ang kabayo na gagamitin niyo."

"Sige, Thank you layda!"

Narinig ko nalang ang yabag niya paalis. Mangangabayo ako ngayon habang nag iikot, Para naman hindi ako mapagod kakalakad. Isa pa kailangan ko talagang kabisaduhin ang lugar dito sa El Ranch, Magpapasukan na next week. Monday na ngayon. Hindi ko pa nakikita ang school na papasukan ko, Sana naman maayos ang mga mag aaral doon. I wonder anong grade na ni Callum? Hindi ko gusto si Callum. Pero kasi hindi ko magawang isipin na siya si sky. Pareho sila ng katangian. Kung bakit kasi hindi ko alam ang itsura niya? Ni pangalan niya. Last year we broke up pero hanggang ngayon mahal ko parin siya, Walang pinagbago. Sa bawat araw na dumadaan mas lalo akong nahuhulog sakanya sa tuwing naiisip ko siya. Nakakatuwa dahil hindi ko naman siya kilala pero mahal na mahal ko siya, Hindi siya maalis sa isip ko. Siya kaya? Naiisip niya ako.

Napabuntong hininga ako, Naisipan kong lumabas na ng kwarto ko.

Wala ngayon ang mga pinsan ko, Ang pagkakaalam ko pupunta sila ngayon sa kabilang Ranch. Ang pag mamay ari ng mga Vargus at Castro. Wala rin sina lolo at lola kasama si mom. Kaya ito ako mag liliwaliw.

Pagkalabas ko ng mansion, Bumungad sakin ang mga puno, taniman. Nakita ko rin ang trabahador namin na hawak ang kabayo na gagamitin ko color brown 'yon pero medyo puti ang sa muka. Lalapitan ko na sana si kuya ng mapatigil ako, Naunahan ako ni kupal. Naningkit ang mata ko ng ibigay ni kuya ang tali ng kabayo kay kupal.

Sa inis ko lumapit ako sakanya, Pero nakaalis na si kuya. Tiningnan ko ang suot ni kupal. Wala akong balak na tawagin siya sa pangalan niya.

Naka black ripped jeans siya, Naka boots rin siya pero hindi abot sa tuhod niya, sakto lang, nakasando rin siyang puti. Magulo rin ang buhok ngayon ko lang rin napansin na color blue ang mata niya, I mean hindi siya halata sa malayo pero pagtitingnan mo sa malapitan tsaka mo lang makikita kung ano talaga ang color neto. Pagkakita ko sa mata niya ngayon naalala ko si Sky.

"Titigan mo nalang ba ako? O magsisimula na tayong mag ikot?" Napakurap ako, Damn! Lagi nalang akong napapahiya. Hindi na maganda 'to.

"Lumayas ka diyan, Dahil ako lang ang mag iikot. Kabayo ko rin ang hawak mo."

"Wag kang mag alala, Wala akong balak gamitin ang kabayo mo. May sarili ako." Napairap ako, Bwesit.

Kinuha ko ang tali na hawak niya. Nakangisi siya sakin.

"Ingat ka baka mahulog ka, Mahirap na." Inirapan ko siya. Asa siyang mahuhulog ako.

Inapak ko ang paa ko sa gilid ng kabayo para makaakyat. Pero sa kasamaang palad nadulas ako, Napapikit ako. Inantay ko ang sarili kong bumagsak pero mga brasong nakapulupot sa bewang ko ang naramdaman ko.

"Sabi sayo ingat ka mabuti nalang handang handa akong saluhin ka." Natauhan ako ng magsalita siya. Umayos ako ng pagkakatayo, Tinulak ko rin siya palayo sakin.

"Sir, Ito na po pinakapakuha niyo." Mabuti nalang dumating si kuya. Muli akong umakyat pasakay sa kabayo pero sa pagkakataong 'to, Maayos na.

"Salamat po, Mang lucio." Ngumiti ang lucio sakanya.

Sumakay narin siya sa kabayo niya, Gamit ang hawak kong tali hinampas ko 'yon sa kabayo para tumakbo na ayokong makasabay ang isang tulad niya.

Nigher, Zeru (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon