P R O L O G U E

96 8 0
                                    

Ang dilim ng paligid.

Masikip, at wala akong ibang marinig kundi ang malakas na tugtog sa labas at ang mahihinang paghikbi ko.

"Tulooonnggg"

"Pakawalan niyo ako ditooo"

Ilang minuto na akong sumisigaw at humingi ng tulong para makaalis kung nasaan man ako, pero parang wala ni isang nakakarinig sa 'kin.

"Mamaaaa, nandito po akooo"

Halos gumaralgal na ang maliit na boses ko, pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak, umaasang may makakatulong at makakapagligtas sa'kin.

"Hello? May tao ba dito?"

Bigla akong nagkaroon ng pag-asa nang marinig ang tinig na 'yon ng isang lalaki.

"O-oo may tao dito. Tulungan m-mo ako"

Pagmamakaawa ko sa gitna ng mga hikbi ko.

"Sige sige tutulungan kita. Basta 'wag ka nang umiyak ha. Nandito lang ako, hindi kita pababayaan."

Nagpumilit siyang buksan yung pinto.

Nang tuluyang magbukas yung pinto ay bumungad sa'kin ang isang batang lalaki na halos ka-edad ko lang. Maamo ang mukha na may  pag-aalala sa mga mata. Inabot niya sa akin ang kamay niya.

Pero sa tuwa ko ay niyakap ko siya, habang humahagulgol pa rin.

"S-salamat, salamat sa'yo," sabi ko kahit hirap na hirap na akong magsalita.

"Shhh tahan na bata, you're safe now."

"Hey, stop crying," utos niya nang mapansing di ako tumitigil sa pag-iyak.

"Bakit ba inglis ka nang inglis diyan, di ko maintindihan nisasabi mo eh," sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

"Sige, ayos ka lang ba? Anong problema?" kalmadong tanong niya.

"Y-yung contest kasi," sabi ko habang kinukusot kusot pa ang mga mata ko.

"Oh para yun lang umiiyak ka na diyan?" biglang nagbago yung tono niya. Ang kaninang maamo ay naging mapang-asar.

"Anong yun lang? Eh nag-pwaktis ako pawa don," bwelta ko.

"HAHAHAHAH, utal ka pa pala sa R, ang laki mo na pero utal at iyakin ka pa rin," pang-aasar ng lalaki.

Sa di malamang dahilan ay bigla na lang akong napatigil sa pag-iyak, at naasar sa batang nasa harap ko.

"Ang yabang mo naman, bata! Suntukan na lang tayo, ano?!" panghahamon ko sa kaniya habang nakaporma na ang mga braso na parang makikipagsuntukan.

Saglit naman siyang nagulat sa sinabi ko pero ilang sandali lang ay napangiti rin siya, na parang nang-aasar.

"Wag na, baka masaktan ka pa, di ka na makakasayaw niyan," sabi niya.

"Hala yung sayaw nga pala! Wala na, di na 'ko nakaabot doon sa contest," nanlulumo kong sabi kasabay ng muling paghagulgol ko sa iyak.

"Huwag ka nang malungkot diyan, bata. Kanina lang naghahamon ka ng suntukan tapos ngayon, iiyak ka na naman," medyo natatawa niya pang sabi.

"Tsaka di ka man nakasali doon sa contest, remember that you're still the best performer for me."

Di ko man naintindihan yung huli niyang sinabi dahil di pa ako marunong mag-English, napahinto pa rin ako sa pag-iyak.

Nang iangat ko yung ulo ko ay bumungad sa'kin yung maganda niyang ngiti. Alam kong di 'yon mapang-asar kaya di ko rin tuloy naiwasan na mapangiti.

"S-salamat bata," yon na lang ang nasabi ko sa kaniya.

"Walang anuman. Ah alam ko na kung paano ka mapapakalma," sabi naman niya.

"Paano?"

"Ngayon ka na lang sumayaw! Tapos turuan mo rin ako."

"Ha? Ngayon? Para naman akong tanga non? Bat ako sasayaw mag-isa"

"Tuturuan mo nga ako diba? Edi magkasama tayong sasayaw HAHAHAHA,"

Di pa man ako nakakasagot ay hinila na niya yung kamay ko at sabay kaming nagsayaw.

Mula sa kinatatayuan namin ay kinig na kinig pa rin yung tugtog mula sa labas.

Kapwa naming di kabisado ang kanta at mga indak, parehas walang pakialam sa mundong ginagalawan, pero kapwa ring masaya sa mga sandaling iyon, sa piling ng isa't isa.







I woke up from that dream. Suddenly, everything came to me. Memories flashed and my world crumbled again.

Then a tear fell from my eye.

Bakit ikaw pa?





You were there on my darkest nights.

Your smiles were the source of my strength.

Your arms were my safest place.

But who would've thought, that you'll also be my last dance?

Huling SayawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon