Ikatlong Indak

31 3 1
                                    

"Oo nga pala, may isa pa akong dahilan kaya umuwi ako"

"Ikaw"

Hanggang paggising ko ng umaga, 'yong mga salitang yun ang unang pumasok sa isip ko. Late na rin nang dalawin ako ng antok dahil sa kaiisip kung anong ibig sabihin ni Giero na ako raw ang dahilan ng pagbalik niya.

"Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo'y magiging ikaw"

Nabuhayan naman ako ng diwa nang biglang marinig ang kantang 'yon sa bahay namin.

Shit nananadya ba 'tong kantang 'to???

Nang malaman ko na yung kapatid kong si Martin ang nagpapatugtog sa speaker, di na naiwasang kumulo ng dugo ko lalo na at mababaw ang tulog ko kagabi.

"Woyyy hinaan mo nga 'yan, umagang umaga nadagundong na agad 'yang speaker. Alam mong may mga tulog pa, nagpapatugtog ka agad," sermon ko sa kapatid kong nakahilata lang sa sala namin.

"Ano ba? Ba't ba ang sungit mo? Di nga ako pinapagalitan nina mama tapos magtataray ka dyan," bwelta naman ng magaling kong kapatid.

"Eh nagising po kasi ako sa ingay mo. Hihinaan mo 'yan o papatayin ko 'yan?" nagtataray ko pa ring sabi habang nakapamewang pa.

"Oo na, eto na nga," sagot niya habang labag sa loob na hinihinaan yung speaker.

Susunod din pala ang dami pang satsat.

Kahit ano pang angal niya ay naman siyang nagawa dahil panganay ako at alam niyang wala rin sa tamang oras yung pagpapatugtog niya.

Wala rin naman akong problema dun sa kanta, in fact fave rock band ko nga ang IV of Spades eh.

Ba't kasi wala sa hulog yung pag-play nung kantang 'yon???

Bigla ko tuloy naisipan na kunin kina Papa yung phone ko para di na muling mabagabag ang isip ko.

Malas namang tulog pa pala si Papa kaya si Mama ang naabutan ko.

Kaso talagang minamalas siguro ako ngayong umaga dahil kababangon pa lang ni Mama at mukhang masama rin ang gising tulad ko.

"Mama, pwede ko na po bang makuha yung cellphone ko po?" malumanay ko pang paalam kay mama.

"Anong selpon? Umagang umaga selpon agad ang hanap mo. Maghanda ka muna ng almusal diyan," strikta niyang tugon.

Aisshh sabi na bad mood 'to eh.

"Mabilis lang po, may titingnan lang ako, maghahanda na rin ako ng almusal pagkatapos," tugon ko.

"Ah hindi, mamaya na, hindi ko alam kung saan nailagay ng Papa mo. Kunin mo na lang sa kaniya pagkagising niya at 'pag tapos na ang mga gawaing bahay," sagot niya ulit.

Wala na naman akong nagawa kundi sumunod.

Mahirap na, galit ang dragon.

Naghanda lang ako ng almusal, niligpit ang pinagkainan pagkatapos, at saka naghugas ng pinggan. Nagwalis din ako, naglinis ng buong bahay at nagsaing ng kakainin para sa tanghalian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Huling SayawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon