Ikalawang Indak

39 4 0
                                    

"Do you got plans tonight?
I'm a couple hundred miles from Japan, and I
I was thinking I could fly to your hotel tonight
Cause I can't get you off my mind"

Di ko maiwasang mapakanta na lang dito sa tumutugtog sa earphones ko ngayong gabi.

For now, I'm just waiting for sleepiness to visit me. Dahil di makatulog, nagseselpon na lang ako habang nakahiga.

Buti na lang di ako pinapagalitan nina Mama sa tuwing hihilata ako ngayong bakasyon kasi binabawi ko naman sa mga gawaing bahay sa umaga.

Yes, ako ang palaging nauutusan pagdating sa mga gawaing bahay dahil wala naman kaming kasambahay.

At dahil ako raw ang 'panganay'.

Ewan ko ba kina Mama, kayang kaya namang magpa-sweldo ng katulong pero ayaw pang kumuha.

Kaya ako tuloy ang parang katulong at utus-utusan dito sa bahay, amp.

Medyo nakakaumay, oo, kasi buong bakasyon halos ito lang ang ginagawa ko. No, make that 'my whole life'. Forever 'inaasahan ng pamilya' na nga yata ang role ko eh.

Nakakainnip pa lalo ang summer kasi di naman nag-aaya ang tropa na gumala ulit dahil halos lahat ay nasa vacation with their fam.

Jusko kelan ko kaya ulit sila makakasama???

Sa pagkainip ay kinutingting ko na lang ulit ang files sa phone ko at naghanap ng pwedeng pagka-abalahan. Sakto naman na bigla kong nakita sa gallery ko yung picture nina Giero at Anne na kinuha ko last time.

Oo nga pala, di ko pa sila naiintriga about sa status nilang dalawa.

Nang pumasok ulit sa isip ko ang pagkaintriga nung ay nagsimula na akong mangulit kay Giero sa chat. Tamang tama, online siya ngayon.

Elaine: Oooooyyyy

After ilang seconds lang nagreply na agad siya. Wow, walang pinagbago, ambilis pa rin magreply.

Nathaniel: Yooowww

Di ko pa rin pala nababago yung nickname niya. Tss. wala ngang pinagbago, wala pa rin siyang kwenta magreply.

Elaine: Nakauwi ka na pala ng Pilipinas, enge pasalubong HAHAHAH

Noon pa man, ganito na talaga kami mag-usap, direct to the point with a touch of lokohan.

Nathaniel: Ah oo, kauuwi ko lang last week, di ko na pinagkalat pa, wala rin namang may pakialam eh HAHAHAH

Natigilan naman ako dun sa reply niyang yun. Hanggang ngayon nagseself pity pa rin pala 'to.

Elaine: Anong walang may pakialam, eh may sumalubong na nga agad sayo pagkauwi mo HAHAHAHAH

Inasar ko na lang siya, like good old times, para naman di na siya mag-drama pa.

Nathaniel: Ha? Anong sumalubong?

Elaine: Nakita kita last week sa McDo, kaya nalaman kong nakauwi ka na. Pero nakita ko rin kung sino yung kasabay mong kumain HAHAHA

Sinend ko naman agad yung picture nila nung girl, kahit di ko naman talaga alam kung sino 'yon, tapos isang GIF na kinikilig.

Nathaniel: Ah, oo, nagMcDo nga agad ako pagdating ko dito sa Pinas. Pero dahil lang 'yon sa pinsan ko, 'yan ngang babae sa picture. Nagkaroon lang ng emergency at wala siyang ibang pwedeng tawagan kung hindi ako kaya sinamahan ko na kahit may jetlag pa.

Ahhh ganon pala, akala ko naman date tapos jowa o someone na nililigawan niya yung girl na kasama niya.

Shunga mo Veira, ano ka ngayon, pahiya ka sa kaniya noh. Anong isasagot mo ngayon?

Huling SayawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon