Chapter One

4 0 0
                                    

NATHAN'S POV

"Oh ano? Yan na ba lahat??"

"Okay na'to, Gael. Isang notebook lang sapat na. Hindi rin naman ako nagsusulat eh hehe."

Mula sa cellphone na hawak hawak ko, nagawi ang mata ko kay Aaron.

Nakakawit sa braso nito ang halos walang laman na basket at nasa kamay ang isang pirasong notebook.

Tiningnan ko rin ang iba pang kasamahan ko. Sa kanilang lahat, si Finn at Charles ang may pinakapunong basket.

Ako na lang pala ang wala.

"Edi pumila tara na," rinig kong sabi ni Gael.

"Saglit," sabat ko. "Wala pa akong nakukuha"

Akmang ibubulsa ko na ang phone ko nang mabilis na agawin yun sakin ni Noam. Parang siraulo na tumakbo siya palayo dala dala ang phone ko.

Akala niya ata hahabulin ko siya.

"Kanina ka pa lutang a, sino ba 'tong kaharutan mo? Malandi Ka talaga," pang-aasar niya.

Agad namang nagsilapitan sa kanya ang karamihan sa mga kaibigan namin para makiisyoso.

I sighed. Mga baliw.

Ang nakangiti nilang mukha ay unti unting nawala. Mukhang disappointed.

Gael grabbed my phone from Noam.

Kunot noong tiningnan niya yun bago binalik sakin. Chismoso rin e.

"Uuwi na sila Tita?" nagtatakang tanong niya sakin.

Nakangiting tumango ako. "Yep."

"Bakasyon?"

Umiling ako. "Nope. Dito na sila mag-iistay."

Si ate Marie kasi ang kachat ko, ang kapatid ko.

Iniimporma niya kasi sa akin kung kailan ang flight nila pauwi dahil ako ang magsusundo sa kanila.

Ewan ko ba kung sinong nasa isip nila na kachat ko. Akala ata babae. Hindi ako katulad nila no?

Pagkatapos mamili sa National Book Store (kung saan ako yung nagpatagal), nagtungo naman kami sa isang fast food chain dahil mga ginutom daw sila. Wala naman akong nagawa dahil kung saan ang gusto ng karamihan doon kami kahit pa gustong gusto ko nang umuwi.

Sa Mcdo kami napadpad.

"Bakit parang ang daya no? Mas malaki yata ang chicken mo kaysa sakin?" narinig kong reklamo ni Benj.

Nakaupo na kami sa isang mahabang mesa sa may itaas sa pinakadulo. Si Gael ang pumili non para raw hindi agaw atensyon. Maiingay kasi sila.

"Napansin mo pa yun?" tanong ko.

"Oo. Yung kay Noam yung malaki e."

Tiningnan ko ang kay Noam.

"Pareho lang yan. Maarte ka lang. Mabuto kasi itong akin kaya malaki," pabalang na sagot naman ni Noam na kinailing ko.

"Tinitimbang kaya nila 'to para patas patas yung naiibigay nila sa customer?"

Natawa ako sa tanong ni Benjamin.

Pasimpleng tiningnan ko ang paligid namin. Ang daming nakatingin sa maingay naming mesa. Maliban kasi sa dalawa, may sariling ingay din ang iba kong kasama. Hindi nakatulong na nasa dulo kami. Agaw atensyon pa rin.

Nakakahiya talaga sila minsang kasama. Mali, palagi pala. Nakakahiya sila palaging kasama.

"Kunin nyo na lang ang akin nang matahimik na kayo."

ANGELous (Series #2)Where stories live. Discover now