Chapter Two

1 0 0
                                    

LANA'S POV

Nang makatapak ako sa lupa ng Pilipinas, sari sari ang nararamdaman kong emosyon. Excitement, kaba, saya at takot...

Eto na talaga yun, Lana. Wala nang atrasan pa

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako, hindi ko kasi alam kung anong buhay ang kakaharapin ko dito.

Sa France kasi ang buhay ko.

Dito ako pinanganak sa Pilipinas pero sa France ako lumaki. Pakiramdam ko tuloy nangangapa ako ngayon.

Pero siguro, oras na talaga para umuwi.

Inikot ko ang tingin sa kabuuan ng airport.

Siksikan. Matao.

Nasabi sa'kin ni mommy na siya daw ang susundo sa'kin, kaya palinga linga ako habang hila hila ang dala dalang maleta. May suot rin akong sling bag at meron pang handbag na ubod ng bigat.

Tiningnan ko ang sarili at napangiwi. Paniguradong napakahaggard ko na.

Dapat yata iniwan ko na lang yung ibang gamit ko sa France.

Muli kong inikot ang tingin sa paligid.

Eto ang unang beses na umuwi ako sa Pilipinas kaya hirap na hirap ako. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Matao. Nakakahilo.

Huminto muna ako saglit at minasahe ang sentido. Nakakadagdag rin pala ang puyat kaya nahihilo ako. Masyado kasi akong nag-ooverthink sa pag-uwi ko sa Pilipinas kaya kahit sa biyahe, hindi ako nakatulog ng maayos. Wala akong tulog dahil masyadong busy ang utak ko sa mga dapat kong gawin kapag nasa Pilipinas na ako.

Muli Kong binitbit ang mga mabibigat na bag.

Bahagya pa akong napapapikit dahil kumikirot talaga ang ulo ko. Pipikit pikit na nagpatuloy ako sa paglalakad.
At namalayan ko na lang, bumunggo ako sa isang matigas na bulto at napaupo sa sahig.

Ol la vache!

Napadaing na lang ako dahil masakit ang pagkakabagsak ng pwet ko. Mukhang tumatakbo kasi yung nakabunggo sa'kin kaya ang lakas ng impact.

Ouch!

"Miss ayos ka lang?"

Nag-angat ako ng tingin.

Kulay tsokolateng mata ang bumungad sa akin. Lalaki.

Tumango na lang ako. Inalalayan naman ako nitong tumayo.

"Pasensya na, miss," hinging tawad nito.

"Ayos lang. Pasensya na din," sagot ko habang binabawi ko ang balanse ko.

Dinampot nito ang mga bag kong nagsikalat sa sahig.

"May masakit ba sayo?" tanong nito.

"Wala naman," sagot ko kahit medyo masakit ang pwetan ko.

Tinulungan ko siya pag-aayos ng gamit ko pero nagawi ang tingin ko picture niyang nasa sahig.

Stolen shot? May stick pa yun na para bang hawakan. Mukha yung pamaypay...

Ano yan?

Mabilis na dinampot yun ng lalaki nang makita niya akong nakatingin doon.

Agad niya yung tinago sa likuran niya.

Nangunot ang noo ko.

Ano yun?

"Ayos Ka lang ba talaga, miss?" namumula ang mukha na tanong nito.

Tumango ako. "I'm fine."

"Eto na yung bag mo. Pasensya na talaga."

Inabot nito sa'kin ang handbag ko.

ANGELous (Series #2)Where stories live. Discover now