Chapter 1

20 4 0
                                    

Chapter 1

"Anak!" nagising ako sa malakas na sigaw ni mama. Dali-dali akong bumangon at kahit hindi pa nakapagsuklay ay lumabas na ako ng kwarto.

"Ma?" inaantok na tanong ko. May bitbit na siya ngayong bilao at bayong na may laman ng mga daing. Tulad ng laging eksena namin sa umaga, magpapaalam lang naman siyang lalarga na para magtinda.

"Mag-almusal na kayo, ikaw na bahala sa kapatid mo at akoy aalis na, kanina pa siguro hinihintay ng mga suki ko yung order nila" paalam niya. Tuluyan na rin akong lumapit kung saan siya nakatayo.

"Sige po ma, ingat po kayo" sambit ko sabay mano. Ngumiti pa siya sakin bago tuluyang umalis "Yung mga kapatid mo ha" pahabol niya pang bilin, tango nalang ang naisagot ko, sinundan ko nalang siya sa tingin at ng tuluyan na siyang makaalis ay pinuntahan ko naman ang mga natutulog kong kapatid na nasa kabilang kwarto.

"Gising, gumising na kayong dalawa!" malakas kong sigaw dahilan para tuluyan na nga silang magising. Inaantok naman silang tumingin sakin.

"Ate naman eh inaantok pa kami" padabog na wika ni Marco, pinakabata kong kapatid. Kinusot-kusot nila ang kanilang mga mata bago muling natulog. Aba pareho lang naman kaming nabitin sa tulog ah.

"Anong inaantok gumising na kayo diyan at madami pa tayong gagawin, dali na!" hinila ko naman ang kumot na nakabalot sa kanila.
Inis na tumingin si Marielle sakin bago inagaw muli ang kumot na kakahila ko lang. Ang kinalabasan nag-hilahan kami ng kumot.

"Sabing bumangon na kayo diyan, alas otso na natutulog pa rin kayo" sabay hila ko muli sa kumot at ngayon ay nagtagumpay na ako. Ngayon ay ginamit naman nilang dalawa ang unan para takpan ang mga taenga nila.

"Babangon kayo o babangon kayo" may bahid ng banta na wika ko pero parang wala lang sa kanila ang sinabi ko.

"Matutulog" sagot ni Marco dahilan para mainis ako lalo. "ISA!" binilangan ko na sila. "Para ka namang si mama eh" inis na wika ni Marielle. "Huwag niyong hintaying umabot pa ako sa tatlo...DALAWA!" malakas kong sambit dahilan para nagmamadali silang bumangon.

"Sabi nga namin babangon na kami" inis na sambit ni Marielle na kakamot-kamot pa sa ulo bago walang lingunang lumabas ng kwarto. Naiwan naman akong mag-isa doon at tatawa-tawang nakatingin sa nilabasan nila.

Effective talaga ang ISA.. DALAWA.. TATLO method ko. Hindi pa umaabot ng tatlo napapasunod ko na sila. Haha.

Niligpit ko  muna ang pinaghigaan nila bago sinundan sila sa baba. Naabutan ko naman silang kumakain na ng almusal. Napangiti ako dahil natututo na silang asikasuhin ang sarili nila dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandiyan kami ni mama para asikasuhin sila.

"Ate kumain kana?" malambing ng bungad na tanong sakin ni Marielle, bigla atang bumait itong kapatid ko ah, kanina lang ayaw pang sumunod sakin.

"Hindi pa pero hindi ako kakain busog ako" sagot ko dahilan para lumawak yung ngiti niya kayat tuluyan na akong lumapit at naki-upo sa kanila. "Good" sambit niya sakin kayat naguguluhan akong tinanong siya.
"Bakit ganyan ka makangiti huh?" tanong ko sabay kurot sa pisngi niya. Ang sarap kasi kurutin ng pisngi niya pero sabi ni mama 'wag ko daw laging kinukurot yung pisngi niya tapos kapag tinanong ko kung bakit hindi naman niya ako sinasagot basta lang siya ng basta pero dahil wala siya ngayon malaya kong magagawa ang gusto ko.

"Ang sarap ng ulam ate oh, akin nalang yung parte mo ayaw mo kumain diba" inosente niyang sagot kayat natawa ako. Kaya pala. Paborito niya kasi ang tocino kaya ganun nalang siya kasaya eh hindi naman 'yun ang hilig ko kaya binigay ko nalang sa kanila.

"Paano ako, wala na akong ulam oh" biglang reklamo ni Marco dahilan para mapatingin ako sa plato niya, sinangag na nga lang ang laman nun at wala ng ulam.

His DreamWhere stories live. Discover now