Chapter 3

12 1 0
                                    

Chapter 3

"Pano ba yan, aalis na kami so...bukas ulit?" wika ni Jonathan, naiwan kaming dalawa dito sa loob ng bahay samantalang sina mama at Aleng Nenita ay nasa labas na. Pauwi na sila at nagpapaalam nalang siya. Walang alinlangan akong tumango.

"Oo naman, anong oras ba?" tanong ko sa kaniya. Umasta naman siyang nag-iisip bago nagsalita.

"8:00 am" wika niya dahilan para lakihan ko siya ng mata.

"Ano!" napalakas ang sigaw ko kaya't napatakip ako sa bibig ko. Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa loob. Naglalaro kasi ang dalawang kapatid ko sa labas.

"Hindi ako---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumigaw si Aleng Nenita mula sa labas.

"Anak halika na, baka mahuli ako sa pupuntahan ko!" malakas niyang wika dahilan para mapatingin si Jonathan sa gawi nila. "So pano see you sa meeting place" nagmamadali niya ng wika ng humarap siya sakin.

"Ehh...kasi.." nauutal kong sambit, hindi ko alam kong papayag ako o hindi, wala naman sigurong mawawala kung tatanggi ako, tama, sasagot na sana ako ng hindi ng bigla siyang magsalita. "Sige see you" huli niyang wika bago patakbong lumabas papunta sa nanay niya. Tinapik niya pa ako sa balikat, naiwan akong nakanganga. Hindi niya pa nga alam kung pumayag ako o hindi eh.

Bahala na bukas, sabi ko nalang sa sarili bago sinundan siya sa labas. Naabutan ko nalang si mama na nakatayo malapit sa may pintuan habang nakatingin sa mag-ina na nakasakay na sa tricycle. Tumingin na rin ako sa kanila at nahuli ko siyang nakatingin sakin. "Huwag mong kalimutan bukas huh!" sigaw niya pa bago tuluyang umandar ang tricycle. Tango nalang ang naisagot ko kahit hindi naman sigurado kung makakapunta talaga ako. Naiwan akong tulala sa kakaisip kung susupot ba ako bukas o hindi. Naputol lamang ang iniisip ko ng magsalita si mama.

"Pasok na tayo" wika niya.

Alas kwatro na ng hapon at nakahiga pa rin ako sa kama ko. Tinatamad pa akong tumayo kaya nagpalipas na lang ako ng oras dito. Kukunin ko sana ang cellphone ko para maglaro na lang ng games ng mapansin ko ang libro na binasa ko sa mga kapatid ko kanina. Sinadya ko talagang hindi ito itago dahil sa tuwing nakikita ko ito ay gumagaan ang pakiramdam ko. Para bang there's something in a story na nagpapagaan sa loob ko. Kinuha ko ito at binasa ang pamagat na nasa pabalat ng libro.

"Ang Aking Kaibigan"

Naalala ko tuloy si Jonathan. I miss everything about him. Napangiti ako sa alaalang ang taba-taba niya pa noong umalis sila tapos ngayon ang laki na ng pinagbago niya. Mula sa mukha hanggang sa hubog ng pangangatawan ang laki ng pinagbago, halos hindi ko nga siya nakilala kanina. Nagbago man ang physical figure niya pero ang ugali niya hindi, makulit parin siya, palabiro at ang hilig mambola.

Naalala ko tuloy ang sinabi niya kanina. Kaya nga kahit nasa malayo ako hindi ka parin nawawala sa pusot isip ko. Hayysstt, bolero talaga. Pero infairness sakin huh, mahal na mahal ng bf, in short for (best friend). Natawa nalang ako sa sarili ko.

Matapos ang alaalang iyon ay nakangiti ko itong binalik sa kinalalagyan niya kanina bago tuluyang kinuha ang cellphone ko. Hindi pa ako nangangalahati sa paglalaro ng biglang may sumigaw mula sa labas ng pinto ko.

"Ate!" malakas na wika ni Marielle mula sa labas, agad tuloy akong napatayo at pinagbuksan siya ng pinto.

"O, may problema ba?" tanong ko ng bumungad sakin ang nakasimangot niyang mukha. Patakbo naman siyang lumapit sakin at niyakap ako, naguguluhan akong lumuhod bago siya hinawakan sa balikat. "May problema ba? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ko.

"Ate.... sumasakit nanaman ang tiyan ni mama" malungkot niyang balita dahilan para agad akong mapatayo.

"Ano!!. Bakit ngayon mo lang sinabi? Kailan pa?" patakbo akong lumabas papunta sa kwarto nila, naabutan ko si mama na namimilipit sa sakit ng tiyan habang nakahiga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His DreamWhere stories live. Discover now