Kabanata 16

309 20 0
                                    

Kabanata 16

Away

Pinaningkitan ko ng mata si Mam Jill dahil sa desisyon niya, hindi man nila kinuha ko ang opinyon ko sa babaeng ito? My goodness! Napaka low class naman ng kinuha nila!

"Yow! Welcome." ani ng escort na si Carlo. Binalingan ko siya at sinamaan ng tingin, napaayos siya ng upo saka tumingin ulit sa harap.

"So, kumuha ka ng kapalit ni Aina ng walang pahintulot at paalam sa amin Ma'am?" I asked.

Tumawa siya saka tumikhim, "I don't need your opinion, Miss President. I am the Adviser of SSC so I believe, the best decision is on mine."

Nagngitngit ako sa galit sa kanila, damn Aina bumalik kana!

"Kukuha ka na nga lang ng bago, yun pang cheap. May magagawa ba kayang matino iyan?" irap ko sakanila.

"Miss Anne Marie Sean Silvestre, ang bibig mo!"

Umirap ulit ako sakanila, bastos na kung bastos. Kung wala lang talagang problema si Aina ay hindi siya aalis, I need to understand my friend. Pasalamat nalang kayo at umalis siya!

Umupo sa tabi ko si Regine at pinagtataasan ako ng kilay, aba! May kaya na kaya to? Baka nanghihingi pa to ng bigas sa tabing bahay nila.

Huwag mokong tarayan, ghourl. Baka gusto mong mag inquire sa impyerno.

Pinandidirihan ko siyang tinignan bago inirapan. Binulungan pa ako ni Rain na siyang secretary ng SSC.

"Kalma kalang, Pres. Masyado kang hot." ngisi niya.

Marami pang sinabi si Mam Jill para sa mga bagong rules at regulations ng school. Pati ang mga excused letter at late slip ay imbes na office ng student affairs dalhi  ay dinala nalang sa Student Council Office.

Napakamot ako sa batok ko nang maragdagan nanaman ang tinatrabaho doon.

"Ai-" napalingon ako sa tabi ko, ngumiwi ako sakaniya, "Ai panget, cheap." sambit ko.

Mukha namang hindi niya narinig kaya hindi kona rin siya pinansin. Natapos ang meeting na wala akong na gets kahit isa kaya naman tinulak ko ang braso ni Regine  at maangas siyang tinignan.

"Minutes?" I said.

Nagtaas siya ng kilay kaya nainis ako, tanga ba siya? Nilahad ko ang kamay ko sa harapan niya at naghihintay ng notebook na ibibigay niya.

"Woy!"

"Excuse me, Miss President?"

"Dadaan kaba?" tanong ko.

"What?"

"Arte, yung minutes nasan na!"

"Nasa relo mo." pilosopo niyang sagot.

"Bobo ng pinalit kay Aina, tangina!" napasigaw na ako sa sobrang frustration. "Yung minutes ng meeting nasaan na?!"

"Aanhin mo ang minutes? May orasan naman sa cellphone mo--"

"Alam mo? Mag aral ka muna! Hindi ka papasang Vice President sakin! Alis! Wala kang kwenta."

Sa sobrang inis ko ay nilagpasan kona siya at nagmadaling bumalik sa SCO, tinignan ko ang bakanteng lamesa ni Aina sa tabi ko at sumama ang tingin ko nang na imagine kong yung Bobong Angeline na iyon ang papalit sakaniya! Goodness!

"Hey woman, you seems so stress." puna ni Ryan ng nasa canteen na kami.

"Nakakainis kasi eh!"

Kinuwento ko sakaniya ang nangyari sa meeting kanina, sa sobrang inis ko napapasuntok nalang ako sa lamesa kaya napapatingin ang iba sa direksyon namin.

"Chill, okay? You want me to...kiss you? You know pampatanggal stress?"

Gusto ko matawa, pero may part na naiinis. Seryoso ba siya? Sa oras na nag aalburuto ako? Tangina.

"Shut up, Marasigan." umirap ako.

Nagtungo na kami kung saan nakapark ang sasakyan ni Ryan nguni't may langaw na sumipot.

"Hi!" bati niya sa nauunang si Ryan. "Hindi ka nag aaral dito ano? Iba kasi uniform mo eh, I'm Regine and you are?"

Tumingin si Ryan sakin, ano yun? Nanghihingi ng tulong o permiso? Umirap ako sakaniya saka inapakan ang black shoes ni Regine.

"What the! Are you crazy?!"

"Ikaw ang crazy, umalis ka nga dito bago magdilim ang paningin ko sayo!" singhal ko.

"Ha! You're mean!"

"My name is Anne Marie Sean, hindi mean kaya huwag mo nga akong binyagan!"

Nagsasalubong na ang kilay niya kakatingin sa akin at kay Ryan. Ang landi! Hindi naman alam ang minutes, nakakainis ha.

Nag martsa paalis si Regine saka bumuntong hininga si Ryan, binuksan niya ang front seat ng sasakyan niya saka ako pumasok.

Walang umimik sa amin dahil narin sa pagpapakalma ko sa sarili. What a long heavy day!

Lumabas agad ako ng sasakyan niya saka kumaway bahagya, but then I saw Mama looking at us blankly bigla akong kinabahan!

Nahuli na kami, and I don't know what to say! Nanlalamig at nanginginjg akong pumasok sa bahay at sinulyapan si Mama sa terrace na nakatingin sa akin.

Nang makapagbihis ako ay kumatok si Keto,

"Sisteret, tawag ka ni Mama sa baba."

Legit ang kaba ko! Pero lalabas ako para kausapin si Mama, baka naman kasi tanungin niya sino iyon diba? Isang part sa akin na ganoon nalang sana pero ang isa ay alam na.

Pagbaba ko ay si Mama lang ang naroon sa sala, with her night silk robe ay tumingkad ang fabda niya.

"A-Aga mong dumating ma." bungad ko sakaniya .

Nag cross armed siya sa akin at nagtaas ng kilay,

"Sino yung naghatid sayo kanina?" Sabi ko na nga ba!

"S-Si Ryan po."

"Is he a college student from SMAPC?" tumango ako, "Anak ni Mayor Marasigan hindi ba?" gulat man na alam ni Mama ay tumango ulit ako.

"Ano  kaba naman, Sean!" aniya na lalong ikinagulat ko!

Umiiyak si Mama ngayon sa harap ko, hindi pa ba tapos ang iyakan? Kahapon ay si Aina ang umiyak ngayon naman si Mama?

"Please, p-please anak. Huwag iyong Marasigan na iyon, pakiusap anak." she pleaded.

"B-Bakit ma?"

Umupo ulit siya sa sofa saka pinunasan ang luha. Gusto ko siyang aluin pero paano? I'm not good comforting other people's feeling.

"Lolokohin ka lang ng mga Marasigan anak, maniwala ka sakin."

Gulong gulo akong nanonood kay Mama, paanong niloko ng mga Marasigan si Mama? Anong nangyari? Bakit ganito!

"Ma, ano bang nangyari?"

Panay parin ang daloy ng mga luha ni Mama, nnghihina tuloy ako sa nakikita. I think I used study this things. How to comfort other people.

"Anak, ang tatay niyang naghatid sa iyo ay ang dahilan kung bakit namatay ang Papa mo. He killed your father!" tila isang sirang plaka ang nagpapaulit ulit sa tainga ko. No! It can't be!

"Please, please anak. Cut your connections with him! I don't want to lose another family just because of the Marasigans."

Mama wiped her tears saka umakyat sa kwarto niya. Lalo akong na stress sa nalaman ko!

Mayor Marasigan killed my father! Kaya ba kami nagkakilala ni Ryan dahil ito a g peace offering? And worst, he's revenge? Alam kong hindi kopa alam ang lahat ng kwento pero ayokong biguin si Mama.

If I lose him, then he's not the one for me. I should stay away from him, because of the past between our families.

Order of the President (Officer Series #1)Where stories live. Discover now