Chapter 2

42.2K 719 21
                                    

Ito ang araw na susunduin si Charlotte ng personal driver ng pasyente nya na hanggang ngayon ay hindi nya pa din alam ang pangalan. Sabi naman ng ate Marian nya ay hayaan nya na ito ang magdisclose ng sarili nitong identity.

Ngayon ay nasa sala sya ng kanilang bahay. Nakaready na din ang luggage na naglalaman ng mga gamit nya at shoulder bag para sa iba pang importanteng bagay.

Nakavneck blouse sya, skinny jeans at step in. Ayaw nya masyadong maghanda baka iba pa ang isipin ng magiging amo nya. Simple lang din ang ayos ng kanyang mukha. Naglagay lang sya ng press powder, lip tint para hindi magmukang maputla at hinayaan nyang nakalugay ang buhok.

Sa paghihintay ay nakita nyang may text ang ate Marian nya.

"Charlotte nasa labas na daw ng bahay nyo ang susundo sayo. Isang black Audi Q7 ang susundo sayo"

Pagkabasa noon ay lumabas si Charlotte dala ang gamit para makita ang sasakyan sinabi sa text.

Isang unipormadong lalaki na may katandaan naman ang agad na lumapit sakanya na nakita nyang lumabas sa sasakyan.

"Good morning. Kayo po ba si Ms. Charlotte?" pormal na sabi ng lalaki

"Opo ako nga po. Kayo ba ang susundo sa akin?" tanong nya.

"Yes Mam, by the way ako po pala si Alex tawagin nyo na lang po akong Manong Alex kunin ko na po ang gamit nyo"

"Salamat pero pwede huwag nyo na lang po akong tawaging Mam? Charlotte na lang po"

Umiling ang lalaki "Hindi po pwede Mam. Ayon po ang bilin samin"

Hindi na lang umimik si Charlotte para di na humaba ang usapan.

Nang umalis na sila ay di maiwasan ni Charlotte na mamangha sa loob ng sasakyan. Sobrang ganda kasi nito at luwag na di mo aakalain pag nasa labas ka. Tingin nya ay mamahalin ang sasakyan dahil sa itsura nito.

Habang nasa byahe ay di nya kinaligtaan iinform ang kuya Lexus at ate Marian nya na nasundo na sya sa bahay. Parehong nasa hospital na ang mga ito para magtrabaho.

Ilang oras pa ang lumipas ay pumasok na sila sa isang magarang bahay. Hindi sya makapaniwal sa laki nito lalo na't isipin na magisa lang ata ang amo nyang nakatira dito.

Dahan dahan nyang inayos ang headset at binalik sa bag. Soundtrip kasi ang naging libangan nya para di mainip sa byahe dahil kahit anong gawin nya pakikipagusap sa driver ay tipid lamang itong tumutugon sa kanyang tanong at agad tinatapos ang usapan.

Nang mapark na ang sasakyan ay agad syang pinagbuksan ni Manong Alex ng pinto.

"Mam nandito na po tayo"

Pagbaba ay mariin syang nagpasalamat. Pinagmasdan nya uli ang mansion habang hinihintay kunin ni Mang Alex ang kanyang luggage sa compartment.

"Halika na po Mam" sambit nito at nagpauna ng pumasok sa loob ng bahay.

Nakita nya na may matandang babae na naghihintay sakanila sa bunggad ng pituan tingin nya ay di nalalayo sa edad ni Mang Alex nakauniporme din itong pang katulong.

"Rosita ito na pala si Mam Charlotte" sabay lapag ng matanda ng kanyang luggage sa sala "Mam Charlotte ito pala si Rosita ang asawa ko tawagin nyo na lang din syang Manang Rosita. Sya ang mayordoma dito sa bahay at ang sasama sayo kay Sir"

"Magandang umaga Mam Charlotte. Ikinagagalak ko kayong makilala" hindi tulad ni Mang Alex ay mas mukhang magiliw si Manang Rosita.

"Ako din po Manang" ngiting tugon niya dito.

"Oh sya iwan muna natin ang gamit mo dito. Hinihintay ka na ni Sir sa study room nya ayon kasi ang nagsisilbing office nya simula ng naaksidente sya." Sabi ng matanda habang ginaguide sya papunta sa study room nitong nasa second floor.

His Physical Therapist (COMPLETED)Where stories live. Discover now