CHAPTER 20

4K 89 0
                                    

Maaga kaming nagising at nag ayos sa restobar.Malawak at maganda ang restobar,kagaya siya ng restobar na pinuntahan namin noon ni Vane yun nga lang ay mas malaki at maganda ang set up dito.

Malaki ang stage parang sa entablado ng Pilipinas got Talent,may mga piano,gitara at drums nag naka handa roon tulad ng sabi ni Kuya Loki.

Dalawa ang counter,at pintuan papasok.Sa kanan ay para sa mga taong kakain kasama ang mga kaibigan at pamilya nila.May mga rectangle na mesa at tig aanim na upuan ang nakalagay sa bawat isa.May harang sa gitna ng resto bar dito sa loob dahil hati siya.Restaurant tsaka Bar kaya tinawag na Resto Bar.Hindi mo makikita ang mga tao sa kaliwa dahil pader ang pagitan.Tsaka mo lang makikita ang lahat ng tao kapag ikaw ang nasa stage hanggang dalawang Floor tong resto bar kaya malaki siya kong titignan sa labas.

Sa kaliwang Counter ay mag kabinet na puno ng iba't ibang uri ng alak at may bartender na rin doon.May mga pagkain rin naman don na pwede nilang orderin at gawing pulutan.Mga stool bar ang upuan nila at pabilog ang mga mesa nila.

Pumasok na rin ang mga empleyado at nagsisimula ng magtrabaho.May nakatuka na sa Counter,Kusina sa pagwewelcome ng mga Customers,Waitress at mga servers,may naglilinis at nagmamop na rin.

Ngayon ay nasa Kusina si kuya Luke at sinasabi kong ano ang lulutuin habang kami naman ni kuya Loki ay nag uusap kong ano ang mga kakantahin.Hindi na kami nag practice dahil mahilig naman kami sa Music at kabisado namin ang mga lyrics.

Nang may mga naluto ng pagkain ay tsaka kami naglagay sa labas ng 'We are Open'.Tamang tama at lunch na siguradong maraming pupunta dito para kumain.Kitang kita pa man din tong pwesto ng resto bar namin.Katapat lang namin ang mga ibang building na kainan pero mas parang angat pa rin kami kahit ngayon lang kami magbubukas.

May mga customers na at nag oorder na sila ng pagkain kaya nagready na kami ni Kuya Loki.Nakasuot siya ng White shirt at leather Jacket at naka Jeans habang ako naman ay Nagsuot din ako ng puting T shirt at leather Jacket at pantalon para parehas kami.

Nakita ko rin ang paglabas ni Kuya Luke at pagsalubong niya sa bagong dating,hula ko ay mga kaibigan nila yun nong college dahil sila yung dumating nong birthday ni Vane.Kasama nila si Vane at EK pati na rin yung mga ex fiancee nila na todo dikit sa kanila.Pero napangiti naman ako ng makitang kasama nila si Cathya hihizzz

Pinili nilang maupo sa may Bar tsaka nag order ng iinumin at pagkain.Tss tanghaling tapat,alak agad!Nakita kong tumingin si Vane sa gawi ko ng umakyat kami sa stage ni Kuya Loki

"Good day everyone,Welcome to our RestoBar,enjoy the food while we sing a song for all of you."saad ni Kuya Loki at tumingin sa akin

Kinuha ko ang mike at siya naman ay ang gitara.

Desmond has a barrow in the marketplace

Molly is the singer in the band

Desmond say to Molly,girl,I like your face

And Molly says this as she takes him by the hand

Pagsisimula ko sa kanta habang nag gigitara si Kuya habang ang mga kumakain naman ay nasa amin na ang atensyon pati na rin ang mga Kaibigan nila Kuya luke.

Ob la di, Ob-la-da, life goes on,bra

Lala,how the life goes on

Ob la di, Ob-la-da, life goes on,bra

Lala,how the life goes on

Pagkanta ko sa chorus habang pumapadyak pa ang paa at naglalakad sa entablado. Wooo. Ang talented namin!

Innocent Series 1: Angel Fhaye CastilloWhere stories live. Discover now