CHAPTER 21

3.7K 82 2
                                    

Dumating ang araw ng college reunion nila Kuya.Nagbukas pa kami ng restobar kaninang umaga pero hanggang alas otso lang tapos nagsara na kami dahil pupunta na sila sa reunion nila.

Kasama ko ngayon si Cathya sa sala at parehas kaming kumakain habang nanonood ng koreanovela na Scarlet Heart Ryo.Dito na daw muna siya habang wala pa si EK tsaka na lang daw niya ako iiwan kapag nakauwi na ang boyfriend niya.Pero alas dose na at lahat pero wala pa ring text si EK sa kanya ganun din si Vane sa akin na magsasabing tatawagan ako pagkauwi niya.

"Nag text sa akin sila kuya hindi daw sila makakauwi."malungkot kong saad kay Cathya pagkabasa ko sa mga text ng kuya ko

"Bessy hindi maganda ang kutob ko.Feeling ko may hindi magandang nangyari.Kanina ko pa tinetext at tinatawagan si Ethan pero out of reach siya."saad nito sa akin habang kinocontact si EK

"Okay,I'll try to call Vane."sabi ko at sinimulang tawagan si Vane pero out of reach din siya kaya kinabahan din ako

"Hindi ko din siya ma contact."saad ko kay Cathya na umiiyak habang nakatitig sa cp niya kaya nilapitan ko siya.

Tinignan ko ang tinitignan niya at nagimbal ako sa nakita ko.Si EK at Quiana sa isang kama at mahimbing na natutulog at halatang mga walang saplot kahit may kumot na nakatakip sa katawan nila kaya napaiyak na lang ako at yumakap sa kanya

"I can't believe he can do this to me Fhaye.Ansakit sakit."umiiyak nitong saad sa akin

Nagvibrate din ang hawak kong phone at sa pag aakalang si Vane ay binuksan ko agad pero pagkakita ko ay nabitawan ko ang Cp ko dahil sa narecieve na message

It's Celine.nakangiti siya sa kamera habang hawak ang kumot para takpan ang dibdib niya tapos sa likuran niya ay si Vane na kita ang kalahating katawan niya na walang damit at mahimbing ang tulog.

Pinulot ni Cathya ang cp ko mula sa sahig at tinignan yun.

"Mga bwesit at ahas sila!Sigurado akong plinano nilang dalawa to!Mga hayop!"galit nitong sigaw

"Kunin mo ang mga damit mo sa unit ni Ethan.Dito ka sa amin titira may extra room pa naman kami."mahinajon kong saad at nagtiim bagang

"Pero nakakahiya naman sa mga kuya mo."saad nito sa akin

"Ako ng bahala kila kuya.Mag leave ka rin sa trabaho.Dali kunin mo na ang mga gamit mo."galit kong utos sa kanya at kinuyom ang kamao ko

Agad agad naman itong tumayo at nagmadaling lumabas.Kinuha ko ang cp ko at nireplyan si Celine.

Rot in hell,bitch!

Pagreply ko at binato ang cp sa pader tsaka ko pinatay ang TV.Letse dahil sa walanghiyang picture na yun ay hindi ko na alam kong anong nangyari sa pinapanood namin!Bwesit!

Nakalipas ang kalahating oras ay dumating na si Cathya dala ang maleta niya kaya lumapit ako sa kanya at tsaka ko siya sinamahan sa bakanteng kwarto sa dulo.

"Now,text Vane's secretary that you'll take a leave.Then give me your cellphone."seryosong utos ko sa kanya ng makapasok kami sa magiging kwarto niya

Tumango lang ito sa akin tsaka ginawa ang sinabi ko at binigay ang cp niya sa akin.

"How about you?"tanong nito sa kama at humikab

"Binato ko na ang cp ko.Kinuha ko lang ang sim card at memory card.I will turn off your phone.Tulog ka na,alas dos na rin ng madaling araw,inaantok na rin ako."saad ko sa kanya at humikab na rin

"K,Good night bessy.Pa lock na lang ng pinto."saad nito sa akin at nahiga na sa kama

Linock ko na ang pinto niya tsaka pumasok sa kwarto ko.Lately nagiging antokin na ako at pansin ko parang nag e stress eating ako pero hindi naman ako tumataba.

Innocent Series 1: Angel Fhaye CastilloWhere stories live. Discover now