Drizzling 11

2.5K 76 7
                                    

Hi everyone! Just wanted to make it clear para iwas confusions tayo. Normally kasi, namamali ng gamit sa dalawang 'to. I'm guilty rin naman since kahit alam ko na 'yung difference, ginagamit ko pa rin 'yung nakasanayan para magkaintindihan kami ng kausap ko. But like what I said, I think we should start using these words on the right context.

Program - ito 'yung madalas pagkamalan na course. Example nito ay BS Architecture, BS Computer Science, BA Psychology at kung anu-ano pa.

Course - ito naman 'yung mga 'subject' na may equivalent unit sa college. Examples are NSTP, Ethics, Physical Fitness, Chemistry, Algebra etc.

Hope I made this clear. Happy reading!

+++

The second term already started. Tulad pa rin nang unang term, magkakasama pa rin kaming tatlo nila Terrence sa minor courses maliban sa isa-NSTP. He already got that course on his freshman year unlike us.

Wala rin naman masyasdong ginagawa doon kaya okay lang. Kailangan nga lang namin ng output at the end of the term.

"Bored?" Zyle murmured on my side.

"Obviously."

Grabe, akala ko talaga dati hindi na uso reporting sa college. Akala ko free cut lagi. 'Yung papasok ka lang kapag trip mo basta naiintindihan mo 'yung mga lessons. 'yung wala ng attendance sa grading system. 'yung wala na hula at palakasan system.

I had high hopes in college, I know.

Inilahad ko sa kaniya ng pulso ko. He was sitting on my left. Tapos may katabi pa siyang tatlo malapit sa aisle.

"Draw me a tattoo," I said randomly.

Ipinatong niya 'yung kamay ko sa desk niya. "Anything?"

Tumango ako at nilingon 'yung prof namin na nagse-cellphone lang. I rolled my eyes. Palibhasa ay hindi niya trip 'yung nasa harap na estudyante ay hindi na rin siya nakikinig.

Hinawakan niya ang kamay ko ay inayos ang pwesto. I felt the cold tip of his pen against my skin. Tumingin ako sa harap, kunyare nakikinig.

"Done."

Napakunot ang noo ko dahil sa bilis. Inagaw ko sa kaniya ang aking kamay pagkalipas ng sandali para tingnan ang ginawa niya.

"What the heck?! Ano 'to?!" pabulong na sabi ko. Napapasilip pa ako sa prof dahil baka makita akong dumadaldal. "Sabi ko tatoo, hindi tumpok ng pekeng nunal." Napairap ako.

Hangang-hanga pa naman ako sa kaniya kasi artist siya tapos puro tuldok lang pala ang alam.

"That's braille."

Magtatanong pa sana ako kung ano 'yon, pero pumunta na ang prof sa harapan. Nagpagawa ito ng activity kaya na-busy na ulit kami.

Pagkatapos ng klase ay lumabas na kami para kumain. Terrence was on the engineering building. We planned to eat outside since mahaba 'yung vacant namin.

Sabi nga nila, #SaanAabotAngVacantNyo

"Saan ba tayo kakain?" I asked Zyle.

"Central branch?" Napataas ang kilay ko. "Sabi nga, saan aabot vacant mo?"

Napairap ako. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. We stopped in front of Terrence classroom kaso ay hindi na tapos ang klase niya. Pumunta ako sa may gilid kung saan may hagdan at naupo sa isang baitang roon. Zyle looked at me amused.

"What?" mataray na tanong ko.

Umiling lang ito.

"Ano nga!" pangungilit ko.

Maybe A Drizzle Of Love [Weather Series 1]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن