Kabanata 13

19 7 1
                                    

Sail Away, Badiday!
penscriber ©

• ----- ⚓ ----- •


Kinabukasan ay tiningnan ko sa quarters deck ang schedule ko at hindi na talaga ako namamalikmata. Totoo talaga ang lahat ng sinabi ni Maam A.

Kasalanan kasi nung makulit na 'yun eh! Hindi ko nga sigurado kung rules ba talaga ng barko o rules lang ng demonyetang 'yun ang pagalitan ako.

I hated the fact na may mga lalaking womanizer. My father was one of those people at dahil dun ay nasusuklam ako sa mga lalaking walang ginawa kundi paglaruan ang mga babae.

Hindi naman ako assuming pero nagbabase lang talaga ako sa katotohanan at isa pa hindi ko naman sinabing lahat sila ganun. Minsan kasi sa buhay dapat keen observer ka para hindi agad maloko.
Sa ibang salita, sarili muna bago iba. It's not being selfish kasi sa totoong buhay naman ay sarili lang ang aasahan natin- maybe self-worth ang tawag dun. Silang lahat ay mawawala din sa buhay mo.

Naisipan kung pumasok sa laro na ito dahil na rin gusto kong parusahan sila. Hindi ako man hater pero ayaw ko lang talaga sa mga lalaking gago!

Bakit ko nasabi na deck ng babaero? Dahil sa mga kwento na naririnig ko dito. Wala naman sigurong chismis na hindi totoo, it's either may dagdag o kulang pero overall may halong katotohanan naman talaga 'yan. A spit of harsh reality that came from the wicked mouths.

Siniguro ko muna bawat isa ang mga spray container kung puno. Kinuha ko na rin ang checklist para malaman kung ano ang mga request sa bawat room sa Captain's Deck. Hindi lang naman isa ang room dito maliban kasi sa control room ng barko ay lahat ng officers ay andito sa entire floor ang nagoocupy.

Since nasa pinakataas na deck ito ay kinailangan ko pang sumakay ng elevator exclusive para sa mga empleyado. Medyo malaki ito kompara sa ordinaryong elevator. Dito ako palageng dumadaan kasi minsan kapag sobrang sikip na ay hindi na ako makahinga nang maayos kaya palage akong may dalang inhaler.

Wala naman akong hika may claustrophobia lang ako. Tuwing napupunta ako sa cabin na sobrang sikip ay natatakot ako pero sa pagdaan ng panahon ay unti-unti ko na ring na overcome ang trauma ko. Wag lang talaga magbagyo kasi hindi ko pa naranasan ang ganun.

Ang pagkakaalam ko rin this cruise ship consists of 19 decks, 2,066 cabins and 5,179 ang guests capacity. Sa una nahilo talaga ako sa pasikot-sikot dito. Nakakalito kung baguhan buti nalang natuto akong tumingin sa mga map na nakalagay sa bawat palapag.

Sa lahat ng gawain nang isang housekeeper ay iyong naghahabol ka sa oras tapos wala kang kasama ang pinakamahirap. Katulad ngayon, wala akong partner sa paglilinis at kailangan kong bilisan para maagang matapos.

Quarter to twelve na pala pagtingin ko sa smartwatch ko. Kaya pumunta muna ako sa stockroom at iniwan ang mga gamit ko.

Kakain muna ako sa quarter's bago ko tapusin ang sampo pang rooms mamayang hapon. Hindi naman sa lahat nang pagkakataon ay dapat linisin lahat ng kwarto, nangyayari lang naman ang general cleaning pagkababa ng mga guests. Pero sa mga ordinaryong araw lang tulad ngayon ay swertehan na lang kung konti ang nagpapalinis. At minsan kung papalarin ka ay may mga guests na galanti na nagbibigay pa nang tip.

"Shit" bulaslas ko. Natapunan ang uniporme ko nang ulam. Tiningnan ko muna ito bago lumingon sa harap ko.

"Ano ba miss bulag ka ba o tanga?" pasigaw na sabi niya.

Eh siya kaya biglang sumalubong sa harapan ko!

Wow! Ang tirik ng kilay ni ateng with matching black fine line! Parang bagay kay Mona Lisa ang kilay niya hindi kasi magtugma.

Sail Away, BadidayWhere stories live. Discover now