𝐃'𝐒𝐋𝐀𝐘𝐄𝐑 𝐎𝐍𝐄

25 4 0
                                    


ALYRRAH's POV

"Alyrrah" ang gising saaken ng boses na babae.

Napagising naman ako at inilibot ang aking paningin para hanapin siya.

"Makikita mo rin ako sa tamang panahon Aly. Ako nga pala si Mirae, ang iyong gabay"

"Ha? Anong gabay?"

"Gabay sa pagiging Demon Slayer mo"

"Eh? Demon Slayer? Yung anime ba?"

"Hindi Aly"

"Kung hindi, eh ano?"

"Kailangan ka namin upang maubos ang mga demonyo sa mundo ito. Kawawang mga tao, nadamay pa sa laban"

"Anong laban?"

"Laban sa pagitan ng Anghel at mga Demonyo. Liwanag laban sa Dilim. Mabait laban sa masasama"

"Teka nga, ba't andito ka sa panaginip ko?"

"Upang alukin ka na maging Demon Slayer. Alyarrah Jung, ikaw nalang ang aming pag-asa at sana tanggapin mo ang aking inaalok"

"No. Hindi ko tatanggapin ang iyong alok"

"Well sige hindi na kita muna pipilitin. Pero pag gusto mo na, tawagin mo lang ako"

At nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha.

Naligo at nag-ayos kaagad ako. Tumingin ako sa salamin at tiningnan ang aking itsura.

Ash grey na buhok, oceanic eyes, at plump lips.

I just sighed at umalis na papuntang school.

Kahit matagal nako sa school nato eh di pa rin maiiwasan ang kaba at baka sirain ng bullies na yon ang araw ko.

Yeah may nagb-bully saaken, dahil naiinggit daw sila sa maganda kong itsura. Like wtf? Ba't sila maiinggit sa potato feys ko?!

"OY ALYRRAH!!"

"IYAAAA AT MIN!!!" at tumakbo ako papalapit sa kanila at niyakap sila

"Kamusta bakasyon?" ang tanong ko sakanila

"Eto ice naman, chubby paden!" -Min

"Ako basta like ko paren saging HAHA" at tumawa kami ng malakas at napatingin saamin ang ibang estudyante

Hinayaan nalang namin sila at dumiretso na kami ng aming classroom. Pagkatapos ng aming dalawang subject ay finally snack time na den.

Dumiretso kaming magb-barkada at napansin naming wala pa yung mga bullies mga queenka ika nga.

We peacefully sit sa empty table nang maraming tao ang nags-sigawan.

Alam na namen kung sino ang mga iyon, ang BBG: Bad Boy Gang.

‘Tch pano yung Gang?’

"Fafa Rex merry me!!"

"V?! OMYGHAD V ANAKAN MOKOOO"

"JEMENNN ENEVEE"

Argh palagi nalang ganito ang naririnig ko kada snack/lunch time. Nakakapikon at nakakainis talaga pramis!

‘And speaking of the ugly ass bullies-’

"Shet pre si Roxxane!"

"Huhu I'm gay for you Irene bae!"

"Pre si Minnie! Ghad ankyut nya!!"

Yes apat lang sila. By the way, sila ang mga Queen and King of campus (daw). Anyways, di namin sila pinansin at pinansin nalang namin yung pagkain namin.

Napansin nalang namin na parang may shadow at nang tiningnan namin ay mga KING and QUEEN pala ay nasa harap namin.

Napa taas nalang ako ng kilay at nakikita ko sa itsura ni Iya na gusto na niyang kunin ang mga buhok nila, while si Min naman ay chill lang na walang pakialam.

"Uhm excuse me, pwede bang umalis na kayo?"

Di na namin sila pinansin at umalis na kami, inawat ko si Iya baka kung may ano pa siyang gagawin. Delikado kasi pag makawala ang galit na monkey este siya.

"Nice madali naman kayo palang kausapin eh" Rex said and smirk at us

As if I care asshole.

Demon SlayerUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum