Chapter 1

11 0 0
                                    

Kenji POV
"Kenji! Juskong bata ka baka ka madapa!" di ko pinansin ang pagtawag sakin ng yaya ko at mas binilisan pa ang pagtakbo

Excited ako dahil ngayon lang ako nakalabas ulit. Madalas kasi akong hindi pinapalabas ng magulang ko lalo na at wala kong kasama, pinapayagan lang ako kapag kasama ko ang yaya ko.

Napatigil ako ng makita ang isang batang babae na umiiyak at yakap ang isang teddy bear na madumi na at sira sira.

"bata okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" umangat naman ang tingin nya at tumingin sakin

"k-kasi sinira nila yung teddy bear ko eh" lumuhod ako para magpantay ang mukha namin

"sinong sumira ng teddy bear mo?" tinuro naman nya ang tatlong lalake na di kalayuan samin

"hayaan mo na, eto oh sayo na lang yung akin" inabot ko sa kanya ang teddy bear ko, agad namang nagliwanag ang mukha nya

"sigurado ka ba? baka wala ka ng laruan" ngumiti ako sa kanya

"marami pa naman ako sa bahay kaya sayo na yan, wag ka ng umiyak ha, ingatan mo yan" inalis ko ang luha sa mga mata nya, agad naman syang ngumiti

"ano palang pangalan mo?" nakangiti kong nilahad ang kamay ko sa kanya

"kenji" tinanggap naman nya ang kamay ko

"beatrix, trix for short" napatitig ako ng tumawa sya ng mahina at ngayon ko lang napagmasdan ng buo ang itsura nya.

Gray ang mata nya, maputi, mahabang buhok na kulot ang dulo, at may bangs sya na manipis, napakaganda nya.

Agad akong napabalikwas ng bangon ng tumunog ang cellphone ko, bahagya kong nasapo ang ulo ko sa bigla kong pagbangon.

Araw-araw kong napapanaginipan ang babaeng yun, na di ko maalala kung sino sya, pangalan lang nya ang alam ko pero di ko maalala kung sino sya sa buhay ko

Umiling ako at kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tawag

"hi kenji! I just remind you about your appointment for today" napasapo ako sa noo ko, nakalimutan kong may appointment nga pala ko ngayon

"sige trisha salamat sa paalala" pinatay ko na ang tawag at tumayo tsaka pumunta sa banyo para maghanda at magbihis

Nasa gitna ako ng pagsusuot ng damit ng may kumatok sa pinto, agad ko naman yun binuksan

"tara na anak" tumango ako at nagpaalam saglit para kunin ang cellphone ko at mabilis na sumunod sa mama ko.

"kamusta ang pakiramdam mo anak?" huminga muna ko ng malalim bago sumagot sa kanya

"ganun pa rin ma" hinawakan nya ko sa magkabilang balikat

"magiging okay din ang lahat anak, tiwala lang" niyakap nya ko at hinagod ang likod ko, kumalas sya sa pagkakayakap sakin at hinila ako palabas ng bahay

Habang nasa byahe, panay ang hinga ko ng malalim, sino ang babaeng yun? Sino nga ba sya sa buhay ko? Bakit lagi ko syang napapanaginipan?

Umiling ako at pumikit, di ko namalayang nakatulog na pala ko..

Farrah POV
Nakatingin lang ako sa malawak na salamin sa convenience store habang inuubos ang vitamilk na hawak ko, masyado ata kong napagod sa araw na to.

Biglang tumunog ang cellphone ko, binaba ko muna ang hawak kong vitamilk tsaka sinagot ang tawag

"doc, may nagpaschedule pong pasyente, ngayon na daw po nya kayo gustong makausap" napatango ako

"i'll be there in 5 minutes" pinatay ko ang tawag at tinapon sa basurahan ang karton na hawak ko kanina

Nang makabalik ako ng ospital, pumunta muna ko sa private room ko sa loob ng opisina ko at sinuot ang white coat ko, inayos ko ang sarili at lumabas ng kwarto

"good morning po doc" tumango ako

"good morning, please take a seat" ngumiti ako at minuwestra ang upuan, agad naman silang umupo, ako naman sa swivel chair ko

"anong maitutulong ko sa inyo?" kaagad namang sinabi ng ginang ang problema ng kanyang anak

Kaagad ko naman itong sinuri at kinausap, pagkalipas ng ilang minuto kinausap ko ulit ang ginang

"tatapatin ko na po kayo, malapit na sa depression ang kondisyon ng anak nyo, and depression is a serious case, all we can do is to make her feel better and erase her doubts on her mind" napatango tango naman ang ginang

"ano pong kailangang gawin?" aniya

"just always talk to her, kapag ginawa nya ulit yun sa sarili nya ibalik nyo po sya dito" tumango ang ginang at nagpaalam na.

Huminga ko ng malalim ng makaalis ang pasyente, being psychologist is not easy, kailangan ay matatag ang loob mo para makatulong ka sa ibang tao, pero kahit di ka naman psychologist ay pwede ka din namang tumulong sa ibang paraan, bilang kaibigan, anak, kapatid, kapag sa tingin mo ay kailangan nila ang tulong mo, pwede mo silang tulungan sa kanilang problema.

Ilang pasyente pa ang dumating at di ko namalayang lunch time na pala, pumasok ako sa kwarto at hinubad ang white coat ko at lumabas ng ospital

Palabas na sana ko ng mapansin ako ang isang lalaking nakatayo at nakayuko sa may pinto habang sapo ang ulo, nilapitan ko ito

"hey okay ka lang ba?" akmang iaangat nya ang ulo ng bigla syang bumagsak, humingi naman ako ng tulong sa mga nurse at naidala agad sya sa ER

Napasapo ako sa ulo ko, anong nangyari dun?


-DarkQueen🌹

Cross Paths(on hold)Where stories live. Discover now